13

27 3 0
                                    

Nagtago ako sa may mga halaman. Napaka-creepy naman ng gingawa ko, my gosh! I can't believe I am doing this shit!

Naka-earphones parin siya habang nakaupo sa may gilid ng puno. Bakit kaya dito pa siya sa likod ng IT building tumatambay? Tapos mag-isa pa. Wala ata siyang klase ngayon. Buti nalang at mamaya pang alas tres klase ko.

Kinuha niya 'yong katabi niyang gitara saka nag-strum. Omggg, ito 'yong Erel na gusto ko sa notebook ni Dreami, e. Singerist! Magaling kumanta, mga bes! Na-excite tuloy ako marinig ng personal 'yong boses—

"Unang tingin palang sa'yong mga mata, kumikinang at sa 'kin ay nakatingin... "

O.M.G.

"Ako'y tinawag sabi 'lapit ka sa 'kin', hindi ako nakailing sa 'yo."

Napaupo ako at napasandal sa may pader. Dreami was so right. Ang sarap ngang pakinggan ng boses niya.

"Dumating na ang gabi, inalis mo ang himig. Sa paglisan ng agwat sa 'ting mga la... bi."

Parang gusto ko nalang na matulog. Pakiramdam ko kasi parang magiging maganda 'yong tulog ko kapag 'yon ang papakinggan ko bago matulog. Ano kayang title ng kantang 'yon? Ma-search nga mamaya.

Bigla akong napapitlag nang mag-ring 'yong phone ko. Peste, wrong timing!

Tinigil niya 'yong pagkanta at pagigitara at napatingin sa direksyon ko—-paktay! Agad naman akong tumayo at saktong pagtayo ko ay biglang sumabit sa halaman 'yong necklace ko at peste, halos masakal ako tapos biglang naputol—-oh my goodness! My mom's gonna kill meeee! Charot, necklace lang 'yon, anak niya ako!

Ayon nga naputol kaya nahulog sa halamanan. Kukunin ko sana kaso baka makita ako kaya mas dinikit ko nalang 'yong sarili ko sa pader. Bumilang ako ng tatlo pagkatapos ay nagtatakbo. Safe naman ako kasi alam kong hindi niya naman nakita 'yong mukha ko. Babalikan ko nalang mamaya 'yong necklace ko.

Napadpad ako sa may admin building. Phew! Kapagod 'yon, ah. Nag-ring ulit 'yong phone ko at this time, sinagot ko na 'yon nang hindi tinitingnan 'yong caller. Hinihingal pa nga akong nag hello, e.

"Ba't hinihingal ka, Mel?" Ay, si Waden lang pala.

"Nag-jogging lang." Napatawa naman siya. Benta 'yong joke mo, Mel.

"Anong oras uwi mo mamaya?"

"Mga 6 ata. Ikaw?"

"Mga 7 pa ata. May practice kami, e. Puwede bang sabay nalang tayo? Nood ka nalang ng practice namin." Medyo na-excite naman ako.

"Sure! Nang makita naman kitang sumayaw," sabi ko saka tumawa. "Sa'n ba kayo nagpa-practice."

"Malapit sa gym, makikita mo kami agad."

"Sige, punta nalang ako mamaya, ba-bye!" Then nagba-bye rin siya tapos binaba ko na 'yong phone ko at ibinulsa ko.

I sighed.

Grabe kinabahan talaga ako kanina. Buti nalang hindi ako nakita. Sabihin pa ng Erel na 'yon na isa ako sa mga fan niya kaya ini-stalk ko siya. Kakahiya, 'no.

Pumunta akong library at nagpaa-aircon. Dinala ko 'yong notebook ni Dreami. Binuklat ko 'yon hanggang sa mapunta ako sa last kung binasa. Flinip ko ulit, last page na nga pala 'tong babasahin ko. Mami-miss ko si Dreami.

***

Napangiti nalang ako ng mapait habang tinitingan 'yong ini-sketch kong mukha ni Erel. May iba na siyang prinsesa. Ang sakit. Nakakaiyak. Nakakainggit. Pero kahit gano'n masaya parin ako kahit hanggang dito nalang ako. Huling kita ko na sa kanya no'ng sa Recollection Day namin. Kung imagination ko lang 'yong nakita ko siya sa malapitan, at least nakita ko siya.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now