CHAPTER 32

65 6 8
                                    

Fiona

Pwumesto kami sa taas ng building ng 3rd Year at inayos ang mga baril na gagamitin namin tulad ng sniper gun at tranquilizer gun. Balak naming ganipin ang sniper gun kung sakaling may mangyari.

Nang mawalan ng kuryente sa ospital ay lumabas na kami nila Ryechel, Nhelyza at Jesse mula doon at pumunta na sa training facility.

Pagbukas ng pintuan ng dormitory ng Task Force 35 ay agad kaming pwumesto at saktong unang lumabas ang mga kasapi ng task force at nang makalabas na ang lahat, saka namin sila pinaulanan ng tranquilizer darts.

Sinubukang tumakbo ng iba pero natamaan na sila at unti-unti na itong umepekto sa kanila. Nagulat naman ako nang biglang sugurin ng isa sa kanila si Lauren at pinalo ito ng rifle.

Bumagsak si Lauren sa lupa at bigla namang bumunot ang babae ng pistol. Agad ko siyang tinira ng tranquilizer gun at tumama yun sa braso niya pero nakalabit na nito ang guntsilyo, ngunit hindi si Lauren ang natamaan dahil hinarang ni Claris ang kaniyang katawan.

Bumagsak si Claris sa sahig, kasabay ng pagbagsak ng babae. Agad naman kaming bumaba mula sa building at lumapit. Nagkumpulan na sila at pinalibutam si Claris.

Natamaan ito sa dibdib at maraming dugo ang lumalabas dito. Kahit mukhang hilo si Lauren dahil sa nangyari, tumayo ito kaagad at lumapit kay Claris. Pinatong nito ang dalawang kamay para mapigilan ang dugo.

"C-Claris"nauutal na sabi ni Lauren at tumulo na ang luha mula sa kaniyang mga mata. Si Claris naman ay mukhang nahihirapan na sa sitwasyon niya at papikit-pikit. Mayroon pa siyang dugo mula sa bibig at halatang nahihirapan siyang huminga.

"Ano pang tinatayo niyo diyan?! Tulungan niyo na ako"sigaw ni Lauren habang umiiyak at lumapit na ang mga kaklase kong lalaki para bitbitin si Claris.

"Maiwan ang iba para bitbitin ang mga members ng task force"ani Raphael at sinunod namin siya. Naglakad naman ito at sinundan sila Lauren.

Dala-dalawang tao sa isang member. Binuhat namin sila papunta sa lumang training facility ng Trois. Ang layo-layo ng facility mula sa dorm ng task force kaya naman pagod na pagod kami.

Nang madala na namin sila doon, agad naming binusalan ang kanilang mga bibig at tinali sila ng mahigpit sa upuan. Tinakpan din namin ang mga mata nila tulad ng ginawa namin kay Anderson o Matteo.

Pagkatapos, pumunta ako sa ospital kasama si Rizha habang naiwang bantay ang iba. Pagdating sa ospital, pumunta kami sa operating room at naabutang nasa labas sila.

"Anong nangyari?"tanong ni Rizha at umiling lang si Lauren habang nakayuko.

"Boys, balik na doon"utos ni Raphael kay Nicholas, Reoland at Thimoty na nandito at tumango sila. Aalis na dapat sila pero agad lumabas ang doktor mula sa operating room.

Napatayo ang mga nakaupo sa bench pati na rin si Lauren. Tinanggal ng doctor ang mask niya at nagsalita.

"The bullet entered her left lung at mabuti na lang at nadala kaagad siya rito or else, napuno na ng dugo ang lungs nito. Nilagyan na namin siya ng endotracheal tube at sisimulan na ang operation"sambit ng doktor.

"Doc, gawin niyo po ang lahat"ani Lauren na parang nagmamakaawa. Nginitian lang siya ng doktor at bumalik sa loob ng kuwarto.

Parang nanghina naman si Lauren at bumalik sa pagkakaupo. Inalalayan siya ni Ryechel at hinagod ang likod nito. Ang tatlong lalaki naman ay bumalik na at sumama rin sa kanila si Chelsiea.

Mga ilan pang minuto at napag-desisyunan naming pumunta sa lumang training facility at naabutan naming gising si Anderson.

Kinuha ni Lauren ang mic na hawak ni Reydo. Nagagaya nito ang boses ng isang tao kaya magiiba ang boses ng taong gagamit nito.

"Mr. Gudiez, you're awake"sambit ni Lauren gamit ang boses ni Julianne. Hindi naman makapagsalita ang lalaki kaya puro 'hmm' lang ang naririnig namin.

"Rizha, puntahan mo muna si Claris sa ospital"bulong ni Lauren kay Rizha at tumango lang si Rizha at umalis na. Bumaling ulit ang tingin ni Lauren kay Anderson.

Lumapit si Raphael at tinanggal ang nasa bibig nito at agad sumigaw si Anderson.

"Sino ka? What do you need?"

"Are you afraid, Anderson?"tanong ni Lauren at napahinto ang lalaki. Halatang nagulat siya sa narinig. Sus, ang daling malaman kung sino talaga siya dahil hindi siya nag-iingat at nag-iwan ng clues tungkol sa kaniya. I can't believe na siya ang mastermind, i'm expecting someone bigger and more powerful.

"Bakit ako matatakot? I have a task force willing to risk their lives for me"sagot nito at halata ang kaba sa kaniyang boses.

Natawa naman si Lauren. Ibang-iba siya sa kaninang halos mawala sa sarili dahil sa nangyari.

"Really? Let's see"sagot ni Lauren at binitawan ang mic na hawak at kinuha ang isang telang sako.

"Kilala kita, Julianne. Ano bang kasalanan ko sayo? I'm not your enemy, the Foxes are. Let's talk about this and we can bring those people down"sambit nito at lumapit na si Lauren kay Anderson. Kinuha ulit nito ang mic.

"May hawak-hawak akong sako, inside there are 38 special bullets and a revolver"sambit ni Lauren at nilabas ang revolver.

"You've been jailed for 5 years, so maglalagay lang ako ng dalawang bala sa loob"dagdag niya at nilagyan ng bala ang revolver. Nakapuwesto ang mga bala ng magkahiwalay sa isa't-isa.

Tinutok ni Lauren ang baril sa noo ni Anderson at agad umiwas si Anderson. Lumapit na ang mga kaklase kong lalaki at hinawakan ang ulo nito.

"5 rounds, 2 bullets"ani Lauren at pinaikot ang cylinder at nang tumigil ito, agad niyang pinindot ang hammer at kinalabit ang trigger.

Mabuti na lang at walang lumabas mula rito. Gumawa lang ito ng tunog na nagpagulat kay Anderson.

"Please, let's talk about this" pagmamakaawa ni Anderson. Mukhang paiyak na siya dahil ramdam ko ang takot sa kaniyang boses.

Pinaikot ulit ni Lauren ang cylinder at tulad kanina, pinindot niya ang hammer at walang pagaalinlangang kinalabit ang gantsilyo ng baril ngunit, tulad kanina, walang balang lumabas mula rito.

Binitawan ni Lauren ang revolver at nagsalita. Nag-unat siya ng kamay na parang ngalay na ngalay na sa ginagawa niya.

"3 more rounds to go"sambit ni Lauren at akmang kukunin ulit ang baril pero biglang pumasok si Rizha.

Hingal na hingal siya at napahawak na lang sa kaniyang mga tuhod. Lumapit naman kaming lahat sa knaiya dahil baka marinig nila ang mga pag-uusapan namin.

"What happened?"tanong ni Raphael  na nakipagsiksikan pa para lang makalapit kay Rizha.

"Ayos na ba siya? Successful ba ang surgery? Gising na ba siya?"sunod-sunod na tanong ni Lauren at tiningnan kaming lahat. Magsasalita pa sana si Lauren pero nagsalita na ito.

"Claris is gone..."

End of Chapter 31!

Please vote and comment for support!






Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now