CHAPTER 21

68 5 0
                                    

Reoland

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kamj nahuhuli dahil nagtago kami sa may likod ng mga basurahan dito sa building ng first year. Kasama ko ngayon si Thimoty at Avhia.

Sumilip ako para makita kung may mga nambabaril ba pero iba ang nakita ko. May dalawang lalaki na may bitbit na dalawang babae at laking gulat ko ng mapagtantong si Lauren at Claris pala ang bitbit nila.

Kinalabit ko si Thimoty at Avhia at parehas din nilang nakita ang mga nakita ko. Lumabas kami mula sa aming pinagtataguan at agad sinugod ang dalawang lalaki.

Nagulat ang mga lalaki ng makita kami kaya agad nilang binitawan si Claris at Lauren. Sinipa agad ni Avhia ang isa sa tiyan at sinuntok naman ang isa.

Wala kaming masyadong ginawa ni Thimoty kundi ang hawakan si Claris at Lauren dahil si Avhia na ang bumugbog sa dalawa.

Nang matapos ang paggulpi ni Avhia sa dalawang lalaki ay agad kaming naghanap ng maaring pagtaguan at pinili naming magtago sa isang training facility ng second year.

Nagtago kami sa may likod ng mga malalaking kahon. Medyo mainit ang temperatura rito kaya ginamit namin ang mga palad namin bilang pamaypay.

Lumipas ang oras at nagising na ang dalawa. Napahawak sa batok niya si Claris habang hinilot naman ni Lauren ang kanyang sintido.

"Anong nangyari?" tanong ni Claris sa amin.

"Nawalan kayo ng malay tapos may bumitbit sa inyo"sagot ni Thimoty sa kanila.

"Mabuti at nakita namin kayo" dagdag ni Avhia.

"Salamat sa pagtulong ninyo"sambit ni Claris ng nakangiti.

"Paano yung tatlong babae?"tanong ni Lauren at na-confuse kami nila Avhia.

"Sinong mga babae?"tanong ko at nagtinginan sila ni Claris.

"May tatlong babae sa toilet na pinagtaguan namin tapos nagsusuka sila"sagot ni Lauren.

Anong sinasabi ng dalawang ito? Tiningnan ko ang relos ko at 11:47 na. 13 minutes na lang at matatapos na ang laro. Nasaan kaya ang iba naming kaklase?

"Sana hindi na nila kami mahanap" bulong ko sa aking sarili. Bigla namang tumayo si Lauren.

"Babalikan ko yung tatlong babae" ani Lauren pero agad na hinawakan ni Claris ang kamay ni Lauren at hinila ulit siya paupo.

Umiling lang si Claris at nagbuntong hininga si Lauren. Hindi mapakali si Lauren at galaw ng galaw ang mga paa niy.

"Hintayin nating matapos ang laro" sambit ni Thimoty at tumango kami.

Apat na minuto na lang bago matapos ang laro. Siguradong mas agresibo na sila sa paghahanap ngayon. Nakarinig kami ng mga kaluskos at mga sigawan.

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now