CHAPTER 36

63 5 0
                                    

Christan

Nang tumawag si Claris sa akin na kailangan nila ng back-up, agad akong pumunta sa Rosevelt North at sa Mende. Sinamahan ako ng mga kasama ko dito sa Sycheio dahil kailangan ko rin ng tulong nila.

Noong araw na sumabog ang maze, nakatakbo pa ako palayo kaya hindi ako masyadong naapektuhan. Alam ni Claris na buhay pa ako pero hindi namin iyon ipinaalam sa iba at pinadala niya ako sa Sycheio para sikretong maghanap ng nga bagay tungkol sa Mende at kay Anderson Lareo.

Pagdating sa tapat ng malalaking gate ng University, pumasok kaagad kami at nakitang walang masyadong tao rito. Hindi ko alam kung nasaan sila kaya naman lumabas ako pati ang mga kasama ko mula sa truck para isa-isahin ang mga building.

Isa sa mga building o mas mukhang gymnasium ang lock kaya naman naisip naming baka nandoon sila. Sumakay ulit kami sa truck at binunggo ang pintuan ng gymnasium at mabuti na lang at wala kaming nabunggo. Nagulat naman kami nang bigla kaming paputukan. Gumanti rin kami at pinaulanan sila ng bala.

Nang mawala na ang bumabaril sa amin, bumaba kami ng truck at lumapit sa mga taong nandito. Medyo madilim sa loob kaya naman hindi ko gaanong makita ang mga itsura nila. Nang mas lalo pa akong lumapit, namukhaan kong si Krysztella ang isa sa kanila.

"Christan!"tawag sa akin ni Samantha. Tumingin ako sa kaniya at nginitian siya. Masaya akong makita sila ulit.

"You're alive"sambit ni Lauren at tumango ako.

"I'm glad to see you all again"ani ko. Gusto ko sana ng group hug pero hindi tama ang timing para doon.  Nakarinig ako ng mga boses at mga yapak.

Maya-maya, mas maraming tao pa ang pumasok sa loob. May dala-dala silang mga baril at kung ano-ano pang armas. Binigyan ko rin sila Micailla ng sa kanila. Ang iba namang kasama nila kanina ay naglakad papunta sa panig ng kabila.

"The war has began"bulong ni Lauren at kinasa ang rifle na hawak niya. Nang magpaputok ang kabila, tumakbo kami sa kung saan man kami pwedeng magtago.

Nasa likod ako ng mga kahon kasama si Lauren at si Ghel.

"Anong plano?"tanong ni Ghel at tumingin ako kay Lauren.

"Walang pla--"bago pa niya matapos ang sasabihin niya, nakarinig kami ng mga putok. Napatakip si Ghel sa tainga habang sumilip naman si Lauren.

Sumilip ako at bumaril. Hindi ko talaga akalaing magiging giyera talaga ito, ano kayang military strategy ang pwede naming gawin?

Lumakad kami papunta sa ibang box dahil butas-butas na ang box na pinagtataguan namin kanina. Si Jacqe at Nicholas, tuloy-tuloy ang pagbaril na parang walang bukas porket machine gun ang kinuha nilang dalawa.

"Ang daming dugo"reklamo ni Samantha habang nakatakip ang dalawa niyang kamay sa kaniyang mata. Natawa na lang ako sa ginagawa niya.

Yung mga kasama nila Lauren kanina, nakikipaglaban din. Hindi ko alam kung bakit pero yung iba, parang hindi man lang nararamdaman na nababaril na sila.

"Pwede tayong makasuhan dahil dito"singit ni Ghel habang naglalagay ng bala sa rifle na hawak niya.

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now