CHAPTER 14

64 6 0
                                    

Cristal

Nalaman naming pinapahalughog ang mga dorms at lahat yun ay dahil sa katangahan ni Zhyrus. Akala niya siguro si Cinderella siya at iniwan niya ang isang pares ng sapatos niya.

Hindi kami makaalis dito sa kwarto ni Raphael dahil sa hindi namin alam ang gagawin sa isa pang pares ng sapatos niya.

"Hindi niyo yan pwedeng itago dito" sambit ni Raphael habang pumapaikot-ikot siya sa swivel chair niya.

"Sunugin kaya natin?"tanong ni Nicholas na nakahiga sa kama ni Raphael pero hampas lang sa tiyan ang inabot niya mula kay Lauren.

"Engot ka ba? Paano natin susunugin yan dito?"sambit ni Lauren at umamba ulit ng hampas.

"Tapos na nila ang building ng Quatre, malapit na sila sa building natin"ani Claris na nakatitig lang sa screen ng cellphone niya.

"Babalik na ba tayo sa mga kwarto natin?"tanong ni Andreu at umiling lang kami.

"Anong gagawin ko dito?"tanong ni Zhyrus na hawak-hawak pa rin ang isang pares ng sapatos niya. Sumilip pa siya sa bintana ng biglang may kumatok at agad kaming nagtinginan sa isa't-isa.

Tumayo si Raphael at walang pag-aalinlangang binuksan ang pintuan. Biglang pumasok ang tatlong lalaking naka-green na t-shirt at green na cap.

Walang kung ano-anong pumasok sila ng kwarto at hinalughog ang kwarto.

"Lumabas muna kayo"at lumabas lahat kami. Agad kong siniko si Zhyrus na nasa tabi ko.

"Saan yung sapatos?"bulong ko sa kaniya at hindi man lang siya sumagot.

Matapos ang ilang minuto, lumabas na ang tatlong lalaki at umalis lang bigla. Agad ulit kaming pumasok sa kwarto ni Raphael. Medyo magulo na ang kwarto niya ngayon dahil sa ginawang paghahalughog

"Nasaan na yung sapatos?"tanong ko muli kay Zhyrus at tinuro niya ang bintana. Agad kaming dumungaw sa bintana pero walang nakita.

"Saan?"tanong ni Nicholas at sumiksik naman si Zhyrus  sa amin at tinuro ang puno sa malapit at agad naming nakita ang sapatos niya na nakasabit doon.

"Ayos ka ah"ani Ryechel at tinapik ang likod ni Zhyrus at ngumisi lang si Zhyrus sa kanya.

"Wala na tayong problema ngayon pero paano yung sapatos?"tanong ni Thimoty at agad tumakbo palabas si Zhyrus at sinundan lang namin siya.
Tumakbo kami hanggang sa likod ng building namin at papunta sa may puno.

"Abot mo ba, Nicholas?"tanong ni Zhyrus na hingal na hingal dahil sa pagtakbo. Sinubukan ni Nicholas na abutin yung sapatos pero hindi niya maabot.

"Batuhin na lang natin"suhestiyon ni Jilliane at binato nga namin ang sapatos hanggang sa nahulog na ito.

"Ayos"bulong ni Zhyrus at pinulot ang sapatos.

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now