CHAPTER 5

98 7 2
                                    

Nicholas

After ng pagsuntok ni Jacqe kay Zhyrus, nahalata kong hindi siya mapakali at lingon siya ng lingon.

Malapit ng matapos ang laro ngayon at natanggal na kami. King, Bishop at 2 pawn na lang ang natira sa amin habang King, Bishop, Rooke at 3 pawn ang natira sa kalaban namin. Our team is hopeless kahit na pagsamahin ang utak ni Raphael at Andreu na 2 sa magagaling kong kaklase se chess, talo pa rin kami.

Umiinom ako ng tubig nang biglang tumayo si Jacqe na nasa tabi ko. Umalis siya at pumunta kay Avhia. Agad niyang kinuha ang kamay ni Avhia at hinila si Avhia papunta sa isang sulok ng training facility.

Agad akong lumapit sa kanila at napatingin lang sila sa akin.

"Anong meron sa inyong dalawa? Kayo ba?"tanong ko at napayuko ng kaunti si Avhia at nagiba ng tingin si Jacqe.

"I'm asking"sambit ko at tumingin si Avhia sakin at umiling.

"Hindi kami but we like each other. It's complicated"ani Avhia na napakamot ng ulo. Nakatingin lang si Jacqe sa akin at walang sinasabi. Bumalik na si Avhia at naiwan kami ni Jacqe pero agad din itong umalis.

Bumalik na ako sa upuan ko at tapos na ang laro. Nanalo ang kabilang grupo dahil na-corner nila ang hari namin.

Tumayo ulit si Sir sa gitna ng board ng nakangiti.

"Good job, guys. Magaling ang performance ninyo and because of that i'm giving you 150 points and for the winning team, they will get an addition of 50 points"sambit ni Sir Jaime at nagpalak-pakan kami.

Pinabalik kami ni Sir Jaime sa room at eksaktong break time na. Pumunta kami sa canteen. Bumili ako ng pancake at umupo sa isa sa mga tables. Tumabi sa akin si Zhyrus at si Charles na parehas bumili ng Mocked Tea Sangría at french toast.

"Anong problema ng partner mo?"tanong sa akin ni Zhyrus at sumipsip ng Mocked Tea Sangría.

"Paano hinalikan mo lang jowan't niya?"sagot ko at binatukan siya ng mahina.

"Ano yung jowan't?"tanong ni Charles na parang walang alam at nangliliit pa ang mata.

"Parang jowa pero hindi"sagot ni Zhyrus at nagsitawanan kami. Bigla namang umupo si Lauren sa tabi ni Charles. May hawak-hawak siyang milktea at inaalog-alog niya ito.

"What's the tea?"tanong ni Lauren at tinusok ang straw sa plastic lid at sumipsip ng milktea niya.

"Avhia and Jacqe are something" sagot ni Charles at kumagat sa french toast niya. Halos mabuga ni Lauren ang iniinom at nanlaki ang mga mata niya.

"It's complicated daw sabi ni Avhia"dagdag ko at natawa si Lauren.

"Seryoso?"tanong niya at tumango lang kami. Tinapik niya ang balikat ni Charles at umalis. Napailing naman kami ni Zhyrus.

Bumalik naman kami sa room pagkatapos at may teacher na kaagad sa room. Nakatayo siya at nakangiti. Ang kulay ng buhok niya ay Copper Shimmer. Madyo payat siya, matangos ang ilong at maputi. Umupo na ako sa upuan ko at ganoon din ang iba kong kaklase.

"Good Morning, I am your teacher in Language. My name is Mrs. Hazelyn Villaluna. We have four languages to study. They are: English, Mandarin, French and German. One short folder each."

Ang dami naming aaraling language tapos paglabas namin sa school, magiging tambay lang pala kami.

Nagsulat si Ma'am ng Hello sa board tapos Chinese characters tapos di ko na alam yung iba pero letters rin sa English alphabet.

"Hello, Ni Hao, Bonjour and Hallo" sambit ni Ma'am habang tinuturo ang mga words isa-isa.

"Every Monday and Friday, we'll be studying English, every Tuesday, it'll be Chinese and French for Wednesday and German for Thursday"ani Ma'am at may pinamigay na mga clear folder sa tig-isa samin.

Tiningnan ko iyon at mga Chinese characters ang nakita ko. Kahit mukha akong chinese, hindi ko pa rin ito maiintindihan.

"We'll be using simplified Chinese" ani Ma'am at binuksan ang notebook niya.

"Your assignment is to write a sentence about companionship using chinese characters. You can use your phones to google it"ani Ma'am at tiningnan ang orasan niya. Niligpit niya na ang mga gamit niya.

"Before I forget, there are contests about language every April. You can join the Mandarin Contest and French Contest. There are a lot of contests and activities"ani Ma'am at tuluyan ng umalis. Pinasok ko na ang clear folder sa bag ko at pumasok na naman ang isa pang teacher. Nakasalamin siya at nakatali ang itim niyang buhok.

"Good Morning, I am Mrs. Aguinaldo and I am your teacher in Cipher and Biology"sambit niya at inilapag ang laptop niya sa mesa.

"You all know what biology means so let's start with humans. Humans are the highest form of animals because of our ability to think. So, our first lesson is about the human brain. Take out your notebooks and we will be having a pre-test about it."

What? Test agad? Mamamatay na ata ako dito. Bakit ito pa kasi ang pinasok ko?

End of Chapter 5!

Please vote and comment for support!

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now