CHAPTER 8

83 8 9
                                    

Ryechel

Matapos nang nangyari, bumalik na kami sa dorm namin. Nabalik ang mga ninakaw naming points at nadagdagan pa kami ng 300 points.

Binuksan ko ang laptop ko at nag-uusap ang mga kaklase ko sa group chat namin. Pinag-uusapan nila ang nangyari kanina pati na rin ang Justine na iyon. Ang iba ay galit pa rin dahil ninakaw na nga niya ang points namin ay nadagdagan pa siya ng 100 points.

Kinuha ko ang tuwalya ko dahil balak kong maligo ngunit nakarinig ako ng yabag ng mga paa na parang nagtatakbuhan. Tiningnan ko ang relos ko at alas otso na. May nagtatakbuhan pa rin ng gantong oras?

Binuksan ko ang pinto ko at sinilip kung sino iyon. Nagulat ako ng isang hindi pamilyar na lalaki ang tumatakbo sa hallway at mas nakakagulat na pumasok ito sa kuwarto ko. Sinara niya ang pintuan at sinandalan ito. Mukha siyang pagod na pagod dahil pinagpapawisan siya at naghahabol ng hininga.

"Teka, sino--"bago ko pa man maituloy ang pagsasalita ko ay agad niyang tinakpan ang bibig ko at umiling.

Tinanggal ko ang kamay niya na nakatakip sa bunganga ko at inirapan siya.

"Sino ka ba?"tanong ko na halos pabulong lang. Naka-uniporme pa siya kaya minabuti kong tingnan ang badge niya. Taga-section Deux siya pero anong ginagawa ng isang tulad niya rito?

"Ano bang nangyayari?"tanong ko at napatingin siya sa akin.

"Hinahabol ako ng student committee kaya ako tumakbo papunta dito"sagot niya at pinunasan ang pawis niya.

"Ano bang ginawa mo?"tanong ko muli at umupo sa kama ko. Lumayo naman siya sa pinto at lumapit sakin.

"Sinubukan kong tumakas"at napanganga ako. Sinubukan niyang tumakas? Nababaliw na ba siya?

"Mayroon akong reasons. Kailangan ko kasing umuwi dahil may emergency sa bahay namin"dagdag niya at biglang may kumatok sa pintuan. Nagkatinginan kami. Agad siyang pumasok sa cabinet ko at agad naman akong pwumesto sa pintuan at binuksan iyon.

"May nakita ba kayong lalaki?" tanong ng isang lalaki na taga-student committee.

"Opo, kayo"sarkastiko kong sagot at napailing lang ito at umalis na. Sinarado ko na ang pinto at binuksan ang cabinet.

"Wala na sila"ani ko at lumabas na siya. Binuksan niya ang pintuan at sumilip kung may tao pa ba.

"Salamat ah"tapik niya sa balikat ko at napatango lang ako. Lumabas siya at umalis. Sinarado ko na ang pintuan. Teka, hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya pero bakit ko hihingin ang pangalan niya, eh hindi naman ako interesado sa kaniya.

---

Pagkagising ko, agad akong naligo at nagbihis. Pumunta muna ako sa Café para bumili ng kape at saka ako pumasok. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tiningnan kung anong oras na.

Maaga pa naman pero marami-rami na ang mga estudyante dito. Pumasok ako sa room namin at nandoon na rin ang iba kong kaklase.

"May hinabol daw kahapon"ani Raphael na ikinagulat ko. Paano kaya niya nalaman ang tungkol doon? Alam niya rin kayang pumasok yung lalaking iyon sa kuwarto ko?

"Nahuli?"tanong ko para magmukha akong walang alam.

"Nagtago raw"sagot ni Lauren sa akin at kinuha ang kapeng hawak-hawak ko at ininuman iyon at binalik ulit sa kamay ko.

Ininom ko ang kape ko at umupo sa upuan ko. Pumasok naman si Ma'am Lhen sa classroom dala-dala ang projector at laptop niya. Inayos niya na ang projector niya at binuksan ang kanyang laptop.

"Our first lesson for today is Murder and Homicide"ani Ma'am at ninext ang slide. Biglang isang video ang nag-play.

May isang lalaki ang nakaupo at tinutorture. Napapikit ang iba sa nakita nila at nagsigawan ang iba.

"I can't turn it off"sambit ni Ma'am na panay pindot sa laptop niya.

"Let's play a game"

_______________________________________

wooohh.

Thank you for reading my story. I hope you like it and enjoy it. Please vote and comment for support! Mwuah<3

:)))))

Mende and Madness [Completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat