CHAPTER 28

62 7 6
                                    

Kim

Biglang sumugod ang Falcons samin. Nasa harap ko si Dirk at nakita ko kung paano niya sipain ang dibdib nang lalaking nagngangalang Nathaniel.

Bumagsak ang lalaki at nadamay rin ang mga tao sa likod nito. Agad itong tumayo at sinubukan ulit na umatake pero agad nakaiwas si Dirk.

Dahil sa pag-atake, nakalat tuloy kaming lahat. May lumapit sa aking isang babae at sinubukan akong hampasin ng vase na nasa may table bilang display. Naiwasan ko ito at nagkaroon ng pagkakataon na suntukin siya sa sikmura.

Ang iba naman ay patuloy pa rin ang pag-atake. Ang ilan pa nga ay may mga hawak na lapis at ginagamit iyon na pangtusok. Grabe, sobrang resourceful nila.

Dahil nga magaling si Dirk at Avhia sa pakikipaglaban sa ganitong paraan, hindi man lang sila mahawakan ng mga kalaban. Si Ghel at Nhelyza naman ay puro sigaw habang umaatake, nakakadagdag ata iyon ng lakas ng loob.

"Galit na galit talaga kayo samin?" tanong ni Claris habang ginagamit ang kaniyang taser sa isang lalaki.

Mas lalong naging mainit ang laban at hindi ko alam kung bakit may nasama ng taga-Bulls rito. Hindi ata sila napapagod at patuloy lang sa pagsugod sa amin.

Ako naman ay puro iwas lang sa mga atake na gagawin sakin para hindi agad ako mapagod. Magkakapatayan ata talaga kami rito.

Nagulat naman ako ng makitang nakikipag-sabunutan sila Rizha at Chelsiea sa iba pang babae.

Bigla kaming nakarinig ng pagpito kaya napahinto ang lahat. Agad kaming nakakita ng limang security guard.

"Anong nangyayari? Magsibalik na kayo sa mga dorm niyo"sambit ng isa sa mga guard at yun ang ginawa namin.

"Hindi pa tayo tapos"galit na sigaw ni Lheinne. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit nila samin. Parang isang badge lang, naghuhuramentado na sila. Kung gusto nila, ipapagawa ko sila nito kahit tig-sampu pa sila.

Pagbalik namin sa mga dormitory namin. Agad kaming nagsipasukan sa mga kuwarto namin. Agad akong nagbihis ng pambahay. Binuksan ko ang aking laptop at agad nag-log in.

Pagbukas ng messenger ko ay nakakita ako ng notification mula sa isa naming group chat. Binuksan ko iyon at agad na nagbukas ang message pero biglang nagkaroon ng kung anong sira at nag-itim at nag-giglitch ang screen ng phone ko. May mga numero namang lumabas habang nangyayari iyon.

'2 10 18 23 24'

Agad namang nawala iyon at naging normal na ulit lahat. Nakita ko ang message ni Fiona sa group chat.

Fiona : The chairman will always care for his city but Lareo didnt. He doesn't even care for his son, but now we have Mr. Matteo who care for this city.

Ibig sabihin ba nito pumapayag siya na kalabanin namin ang task force ni Lareo. Bigla namang may kumatok sa pintuan ko. Binuksan ko iyon at agad nakita si Andreu at si Rizha.

Pinalapit nila ako at biglang bumulong sakin si Andreu.

"Geostorm. Natanggap mo na ang code. Pagkatapos nating kumain ng dinner, pumunta ka sa kuwarto ni Lauren, magdala ka ng kutsilyo at pagkain."

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now