CHAPTER 10

80 8 0
                                    

Chelsiea

Van Twa? Ano yun name?

Napaisip tuloy ako kung anong meaning ng mga salitang yun. Naguusap-usap sila at napakapit na lang ako sa balikat ni Avhia na ngayo'y kinakagat ang kuko niya.

"23"bulong ni Avhia at napatingin ako sa kaniya.

"Huh?"tanong ko at humarap siya sakin.

"Yung sinabi nung lalaki, 23"aniya at bumalik ulit sa pagngatngat ng kuko niya habang pinoproseso ko pa rin ang mga sinabi niya.

"Pwedeng room, pwedeng number ng student"sambit ni Raphael at napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Yung iba pumunta sa room 23 sa dorm ng Trois tapos yung iba hanapin ang 23rd student ng section Trois pati na rin nung last, last year"dagdag niya at pinili kong sumama sa mga pupunta sa dorm.

Pagdating namin sa building, agad kaming umakyat sa 3rd floor at agad hinanap ang Room 23. Pagdating doon ay agad ni-lockpick ni Nhelyza ang pintuan at agad kaming nakapasok sa kuwarto.

Pagkapasok namin, agad naming nakita ang makalat na salas at maduming kusina. Agad kaming naghanap ng kung anong pwede naming makita dito.

Pumunta ako sa may cabinet at agad naghalukay roon. Nakita ko ang isang picture frame at sa loob ay litrato ng isang section. May nakita akong mga papel at mga damit pero wala nang iba pa.

Biglang may tumawag sa kasama kong si Nhelyza.

"Hello Lauren? Ano? Sige, sige"at pinatay niya ang tawag. "May nahanap daw silang cellphone sa lumang training facility"ani Nhelyza at agad kaming nagmadaling pumunta sa training facility. Nadatnan namin sila Lauren doon at nakapalibot sila kay Andreu na may hawak sa cellphone.

Sinilip ko ang ginagawa nila sa cellphone at nakitang kinakalikot nila ang messages kaya tumawag muna ako sa mga natira sa dorm.

"Hello Rizha, may balita na ba diyan?"

:(Wala pero babae ang nakatira dito dahil sa mga nakita naming dresses at undergarments.)

Pinatay ko na ang tawag at agad sinabi yun kay Raphael na nakatitig ng seryoso sa screen ng laptop niya.

"Walang kinalaman ang estudyante sa room 23 sa mga nangyayari or kahit yung 23rd student ng kahit anong section" sabat ni Claris na nakatitig sa isang litrato. Tinignan ko iyon at litrato iyon ng lalaki na may kasamang babae at isa pang lalaki pero medyo madilim na ang litrato.

"That's the guy's girlfriend. Her name is Maria Georgiette K. De Vega and the other guy is Anton Chase N. Miranda and of course, the victim is Mr. Arthur Clint N. Miranda"ani Claris at inabot kay Raphael ang larawan. "Girlfriend ni Arthur si Georgiette at kapatid niya si Anton. Anton is the black sheep of the family and muntikan ng makulong dahil sa drugs"dagdag niya. Tumabi naman sa kaniya si Cristal.

"Maria Georgiette is the 20th student of year 4,section Trois habang si Anton naman ang 3rd sa mga lalaki. Nalaman ni Arthur na nasangkot si Anton sa drugs kaya tinago ni Arthur lahat ng drugs kaya nagalit si Anton sa kaniya. Graduated na si Arthur pero si Anton hindi pa at nalaman naming nawawala ang girlfriend ni Arthur kaya siya bumalik rito"ani Cristal.

"Then, nandito si Anton at dun nangyari ang krimen dito mismo sa training facility"dagdag ni Marijoy.

"Paano niyo nalaman?"tanong ko at nagtitigan lang sila.

"Pinahanap ko yung mga informations tungkol kay Anton, salamat dito"sambit ni Claris at pinakita ang name plate na may pangalang Anton.

"So, case solved na?"tanong ko at napatango ang iba.

"I think so"sagot ni Raphael at sinara ang laptop niya at naglakad palabas ng training facility. Ganoon din ang ginawa ng iba.

"Sayang lamang na ang Un ng 50 points habang lamang ang Deux satin ng 20 points"nanghihinayang na sambit ni Lauren at tinapik ang balikat ko. Lumakad ako kasabay niya palabas. Lumingon ako at nakita ang dorm ng Trois. Napaisip ako tungkol sa nawawalang si Georgiette at bigla ko na lang nahanap ang sarili kong tumatakbo papunta sa building nila at kasunod kong tumakbo si Lauren.

Nagmadali akong pumasok sa Room 20 at nakitang bukas ang pinto kaya pumasok agad ako. Walang tao rito kaya naghalukay ako ng gamit.

"Anong ginagawa mo?"tanong ni Lauren sa akin.

"Basta maghalukay ka na lang din" sambit ko at naghalukay rin siya. Agad kong nakita ang isang class picture. Nakalagay sa ilalim na Year 2, Section Trois ito. May nakita akong listahan ng mga estudyante ng year 2, section Trois at hinanap ang pangalan ni Georgiette at siya ang 23rd student.

Biglang may tumawag kay Lauren at ni-loud speaker niya ito para marinig ko rin.

:(Lauren!)

Boses iyon ni Ryechel at pasigaw ito.

:(Natagpuang patay si Anton sa comfort room.)

At namg narinig ko iyon, hindi ako makagalaw. Kinuha ko ang maliit na microphone at nagsalita.

"Yung tinutukoy ni Arthur na 23, si Georgiette yun at siya rin ang nagbigay ng droga kay Anton at pumatay kay Anton"sambit ko.

"Aaaaahhhhh"narinig kong sigaw ni Lauren at nakita ko siyang nakatingin sa pintuan at nang tingnan ko, nakatayo si Georgiette at may hawak na revolver at nakatutok yun kay Lauren.

"Let's play another game called Russian Roulette."

_______________________________________

nice. thank you for reading and I hope y'all enjoy it. please vote and comment for support! mwuah<3

I would like to take this opportunity to thank my cousin, ate Jess for my new book cover. <3

:)))))



Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now