CHAPTER 6

91 8 11
                                    

Raphael

Pagkasabi ni Ma'am na may pre-test ay agad nag-react ang mga kaklase ko.

"Hindi naman mahirap ang test na ito. Don't worry"sambit ni Ma'am at nilabas niya ang tests paper mula sa bag niya at pinamigay iyon.

I. Modified True or False. Write True if the statement is true and if false, write the correct word for the underlined word to make the statement true.

1. The human brain is divided into 3 parts.

Sinagot ko ang test hanggang sa matapos ako. Hindi naman mahirap ang test pero parang nahihirapan ang mga kaklase kong sagutin ang mga tanong. Pinasa ko na ang test paper ko at sumunod na nagpasa si Claris sakin. Sinamaan ko siya ng tingin at ganun rin siya sakin.

Umupo na ako sa upuan ko at nakitang nakatingin pa rin si Claris sakin.

"Crush mo ba ako?"tanong ko sa kaniya pero mahina lang.

"Gago"pagbasa ko sa bibig niya at tinaas pa niya ang pinky finger niya.

Mga ilang minuto ang nakalipas, tumayo si Ma'am at tiningnan ang mga tests namin.

"Maganda ang mga scores niya. Si Ilermo ang highest with a perfect score"sambit ni Ma'am at pumalakpak ang lahat. Mas mataas pa si Claris sa akin? Seryoso? Mas magaling naman ako kaysa kay Claris.

"Because of that, i'll give your section 100 points"at nagpalakpakan ulit kami. Chineck ko ang website ng Mende para icheck ang ranking ng points.

Un 500 points
Deux 400 points
Trois 300 points
Quatre 200 points
Cinq 250 points

Mas mataas kami ng 50 points kaysa sa Quatre ng biglang..

Un 500 points
Deux 400 points
Trois 300 points
Quatre 250 points
Cinq 200 points

What the fvck? Dapat 250 points kami dahil may 150 points kami mula kay Sir Jaime tapos 100 points galing kay Ma'am Aguinaldo.

"Ma'am"I raised my hand and Ma'am Aguinaldo looked at me. "I think someone stole our points"at pinakita sa kaniya ang website.

"What?"rinig ko mula sa mga kaklase ko.

"Malay mo may mali sa system"sagot ni Ma'am at tiningnan ko ang website at naubos na lahat ng points namin.

"Ma'am, mayroon po talaga"ani Ryechel at pinakita ang website mula sa phone niya. Agad na lumabas si Ma'am at sinundan namin siya. Narating namin ang room ng Quatre. Wala silang teacher at naghaharutan sila. Sobrang ingay ng kwarto nila.

"May I get your attention?"sambit ni Ma'am Aguinaldo at pumasok sa room nila. Pumasok rin kami dahil iilan lang naman kaming sumama.

"Bakit niyo kinuha ang points ng Cinq?"tanong ni Ma'am at natahimik sila.

"Why are you accusing my students?"tanong ng isang lalaking kakapasok lang sa kwarto nila.

"We got evidence, sir"sabat ko at napatingin ang guro sakin. Pinakita ko sa kaniya ang website.

"Dapat may 250 points kami at 200 lang ang sa Quatre then naging 200 ang points namin at biglang 250 na ang score nila"sambit ko at tiningnan ng guro ang mga estudyante niya. Halata ang takot sa itsura ng mga estudyante dito sa Quatre. Siguro dahil mukhang masungit ang teacher nila.

Lumabas na kami at ganun din si Ma'am Aguinaldo.

"We will settle this later"sambit ni Ma'am at umalis. Bumalik naman kami sa room at nakapaligid na ang lahat kay Ryechel na nakatutok sa screen ng laptop niya.

"Hinahack niya ang website"sambit ni Lauren at sumilip rin ako sa ginagawa niya. Kinuha ko ang laptop ko at tiningnan ang website ng Mende Profiles at hinack ko iyon para tingnan kung sino-sino ang estudyante ng Quatre. Medyo mahirap i-hack ang wevsite dahil sa tight security pero nagawa ko rin.

Sinilip ko ang files ng Quatre dahil naalala ko nung nagfill-up kami ng form, may nakalagay na skill ng estudyante. Chineck ko kung sino sa kanila ang skilled hacker pero wala naman ako nakita. Puro physical skills lang ang nakita ko.

Tiningnan ko na rin ang files ng ibang sections at isang tao lang ang kumuha ng atensyon ko.

Name: Justine A. Manra
Age: 16 years old
Sex: Male
Section: Un
IQ: 112
Skill: Hacking

Tumayo ako at pinakita ang nakita ko sa kanila.

"Ibig sabihin, isang Un ang kumuha ng points natin tapos binigay iyon sa Quatre?"tanong ni Sheina.

"Pwede"sagot ko at tumingin sa iba ko pang mga kaklase.

"Alam niyo naman kung paano natin malalaman ang totoo, diba" sambit ni Claris at nagtinginan kami.

"Mangingidnap tayo"

End of Chapter 7!

Please vote and comment for support!

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now