CHAPTER 11

79 7 6
                                    

Andreu

Hindi na namin alam kung anong nangyari pero alam naming third lang kami sa ranking ng scores. Chineck ko ang cellphone ko at nagulat ako nang makitang kami na ang nangunguna. Mas mataas kami ng 50 points kaysa sa Un.

"Guys, may hinack ba kayo?"tanong ko at umiling lang naman sila.

"Pero bat una na tayo?"at pinakita ko sa kanila ang score board at pati sila ay nagulat sa kanilang nakita.

"Si Lauren at Chelsiea"at napalingon kami kay Claris na nakadungaw sa bintana. "Wala sila"dagdag niya at agad kaming luminga-linga sa paligid at napagtantong wala nga sila.

"Nakita ko silang tumakbo si building ng Trois kanina"singit ni Rizha at agad nag-vibrate ang phone ko. Nagtext si Chelsiea sa akin at sa text na iyon, alam ko na agad na kailangan nila ng tulong.

"Puntahan na natin sila"ani ko at agad kaming nagtakbuhan palabas ng room at papunta sa building ng Trois.

Pagdating doon ay agad kaming sumakay ng elevator at pinindot ang '3' button.

Pagdating doon, isang tili ang narinig namin. Agad kaming napatakbo sa kung saan namin narinig ang pagsigaw at nakita si Georgiette na may hawak-hawak na revolver at si Lauren at Chelsiea na nakaluhod sa sahig at yakap-yakap ang isa't-isa.

"Ooh, we have visitors"sambit ni Georgiette at nilingon kami. Napalingon din sila Lauren sa direksyon namin. Halata sa mga mukha nila ang takot.

Inikot ni Georgiette ang cylinder, pinindot ang hammer at agad itong pinutok habang nakatutok ito kay Lauren. Napasigaw ang dalawa at napatakip ng mga tenga.

"Well, the more, the merrier"at tinutok niya naman samin ang baril at napaatras kami.

"Miss, please let's talk about this"ani Zhyrus na nasa kanan ko.

"Talk? You mean like this?"sagot niya and then she positioned the gun against her temple. She clicked the hammer. Napasigaw ulit sila Chelsiea at halos mag-panic kaming lahat.

"Please calm down, ibaba mo ang baril mo"singit ni Raphael at hindi namin alam kung naapektuhan ba ng sinabi niya ang mga nangyayari.

Agad akong nagulat ng dumating si Marijoy at nabunggo niya pa ako.

"Alam mo, we can talk about this. Please, calm down. It's not like, you've been surrounded by police. Students lang kami tulad mo and maybe you can explain and we'll try to understand"sambit ni Marijoy at unti-unting binaba ni Georgiette ang baril.

"Maiintindihan niyo ba ako?" malungkot na tanong niya at tumango lang si Marijoy at agad namang napaluhod si Georgiette at tumakbo palabas sila Lauren at Chelsiea.

"Kailangan kong gawin ang lahat ng ito para sa pera. Kailangan ko yung perang yun para makapag-aral pa rin ako. Sobrang gusto ko si Arthur kaya tinigilan ko ang pagbenta ng drugs tapos nakilala ko si Anton and he is willing to help me" pagkukwento niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Chelsiea kaya minabuti kong umakbay sa kanya, para kumalma siya.

"Pinatay ko si Anton dahil pinatay niya si Arthur. Wala iyon sa plano, sinabi ko sa kaniya na kailangan lang isauli ni Arthur ang droga at tapos na pero pinatay pa rin ni Anton si Arthur"dagdag niya. Lalapitan na sana ni Marijoy si Georgiette, nang biglang umalingawngaw ang tunog ng mga sirena. Nag-panic kaagad si Georgiette.

Tumayo siya at pinulot ang baril. Agad siyang tumakbo palabas at nabunggo pa kami.

"Georgiette"tawag ni Marijoy sa kaniya habang hinahabol namin ito. Lumingon siya at agad pinutok ang baril at ang sunod na nangyari ay biglang bumagsak si Marijoy sa sahig at may tama sa tagiliran.

_______________________________________

whew. sorry for the short update

Thank you for reading! I hope y'all enjoy reading my stories. Please vote and comment for support! Mwuah<3

:)))))

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now