PROLOGUE

607 13 6
                                    

This the book 2 of Section 1-A : Saga & Secrets, so if you haven't read the first book, you can't continue reading this story.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a crime and is punishable by law.

---

Claris

The summer has come to an end and school days finally came.

After taking a bath, I wore my uniform. Its a white longsleeve with a black, blue, and gray checkered necktie and a knee-length skirt with the same color as my necktie and a black blazer.

Binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang badge box ko. There are two badges here. The first one is a letter C 14K Nickel White Gold Badge which means Cinq and the second one is a gold name plate.

Inilagay ko ang name plate sa kanan habang ang badge sa kaliwa. Binitbit ko na ang shoulder bag ko at hinila ang maleta ko at lumabas ng bahay. Nagpaalam ako sa mga tao sa bahay namin at lumabas na.

Sumakay na ako sa kotse at umandar na ito. Matapos ang ilang oras ng biyahe, nakarating na kami. Nasa harap ko ngayon ang isang malaking gate kung saan sa taas nito nakasulat ang pangalan ng eskwelahan.

'Mende University of the North'

Bumaba na ako sa sasakyan at binaba ko ang nga gamit ko.

"Aalis na ako, hija"sambit ng tatay ko at pinaandar na ang kotse paalis.
Pumasok na ako sa loob at pumasok sa main building ng paaralan.

Napakaraming estudyante dito dahil nga unang araw ng eskwela. Nakita ko si Thimoty sa isang sulok ng hallway. Nilapitan ko siya at kasama niya rin pala si Cassey.

"Hi"bati ko sa kanila at kumaway sila sakin. Nag-uusap sila pero kaunti lang ang sinasabi ni Cassey at halos hindi niya rin binubuka ang bibig niya habang si Thimoty naman ay salita ng salita. Medyo madaldal talaga si Thimoty, kaya naman nakakapagtaka na natatagalan siya ni Cassey.

Lumapit si Lauren at Ryechel samin. Si Ryechel ay naka-earphones at nakatutok sa kaniyang cellphone habang si Lauren naman ay walang hawak-hawak kundi ang isang Parker na ballpen na iniregalo namin sa kaniya.

Maya-maya, may isang teacher ang lumapit samin at sinabihan kaming pumunta sa auditorium. Sumunod kami at pumunta sa auditorium. Pagdating doon, nakahilera ang mga upuan at may mga tao sa stage. Naupo kami sa mga upuan at isang lalaking nakasuot ng pang-mayor ang lumapit sa speaking podium at kinuha ang mic na nakapatong dito.


"Good Morning, students, teachers and faculty members. My name is Mr. Matteo Gudiez and I am the head master of Mende University of the North"sambit niya at inayos pa ang kaniyang kwelyo. "The school year is now officially opened. I hope that you will enjoy the school year and persevere to get to the top" dagdag niya.

Binuksan niya ang isang libro at sinuot ang isang reading glasses.

"This school has 5 sections and 4 grade levels. The five sections are Un, Deux, Trois, Quatre and Cinq. Un as the top section and Cinq as the bottom section. Kapag nasa top sections ka, your facilities are better and kung nasa bottom section ka, kailangan mong magtiis sa hindi kagandahang facilities pero don't worry, pare-parehas lang ang size ng dormitory niyo."

"There are 4 quarters and each quarter, maaaring mapalitan ang section niyo depende sa magiging scores ng section niyo kada activities and base sa performances niyo as an individual."

"Mende University of the North is not a normal school, it is an elite school pero hindi lahat ng mayayaman nakakapasok dito. Iba ang itinuturo ng aming paaralan, tulad ng mga bagay na hindi lang makakapaghasa sa inyong isipan kundi pati sa inyo bilang isang tao."

"Meron tayong student committee consists of 5 members, the Jupiter, the Neptune, the Apollo, the Mars, and the Mercury. Meron ding 6 Minervas which is consists of 6 members: Osiris, Thoth, Anubis, Ra, Horus and Sekhmet and they are base on the student ranking."

"Pwedeng mapalitan ang mga estudyante sa student committee and 6 Minervas every quarter so do your best."

Umalis na ang Head Master at pumalit sa kaniya ang isang babae na mukhang nasa late 30's at nakapusod ang buhok.

"Lahat ng rules at mga kailangan niyo pang malaman regarding sa school ay nasa handbook na ito"at pinakita samin ang isang kulay black na handbook. May mga estudyante naman na nagpamigay nito samin.

Pinagmasdan ko iyon. Ang cover ng handbook ay isang peregrine falcon at ang pangalan ng school sa taas at nakalagay na student handbook sa baba. Gawa sa leather ang cover ng handbook.

Hindi na nagsalita ang babae kanina o kaya man lang nagpakilala. Bumaba siya ng stage at umalis. Sinabihan rin kami na pwede na kaming umalis sa auditorium at pumunta na sa mga dormitory. Isang building kada section. Pagpasok, pumunta kami sa elevator at binuksan ito. Pagpasok namin sa elevator, pinindot ko ang button papuntang fifth floor. Kasabay ko si Cassey na bumaba sa floor na iyon dahil magkatabi ang kuwarto namin. Naka-arrange kami alphabetically.

Pumasok na ako sa kuwarto ko at nagpaalam kay Cassey. Malaki naman ang kuwarto kaya ayos na rin. May study table, may kitchen, banyo, TV, cabinet at refrigerator. Mayroon ding kama na tama lang ang laki. Humiga ako sa kama at inisip ang mga maaaring mangyari.

"Welcome back"bulong ko sa sarili at pumikit.

End of Prologue!

Please vote and comment for support!

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now