CHAPTER 22

72 4 0
                                    

( A/N : First time na hindi kasama sa section ang may P.O.V. kaya baka magtaka kayo kung bakit hindi pamilyar ang name niya. :]] )

Neo

Maaga akong na-eliminate sa game. Ayos lang rin dahil marami pa namang natira sa amin. Medyo masakit ang tiyan ko dahil dito ako tinamaan kaya agad kong napagdesisyonang pumunta sa ospital.

Habang naglalakad ako, nakita kong kinakausap ng tatlong lalaki ang isang grupo ng mga tao at nakitang isa si Lauren sa kanila. Sinundan ko sila nang simula silang maglakad. Dahan-dahan akong naglakad para hindi nila ako mapansin.

Maya-maya pa ay pumasok sila sa mga dahon-dahon. Ganoon din ang ginawa ko at nagulat nang isang building ang nakita ko. Mukha luma na ito.

Pumasok sila at nang pumasok rin ako, nakita kong hindi ito tulad ng nakita ko sa labas. Mukhang nasa ospital ako. Umakyat ako sa second floor at nakita na piniringan ang tatlong kasama nila habang hinila naman si Lauren at ang isa pang babae.

Sinundan ko sila hanggang makarating kami sa ikaapat na palapag ng gusali. Pinasok sila sa isang kuwarto. Pumunta ako sa likuran ng isang cart at sinilip sila. Nakita kong itinali sila sa bakal.

Nang lumabas, ang dalawang lalaking naghila sa kanila ay dahan-dahan akong pumasok.

"Lauren"mahinang tawag ko kay Lauren at agad niya akong nilingon.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong niya. Lumapit ako sa kanila at tinulungan silang tanggalin ang mga tali sa kamay nila.

"Sino ka naman?"mataray na tanong ng babaeng kasama niya. Maikli ang buhok nito at naka-salamin.

"Claris, Neo ang pangalan niya at tutulungan niya tayo"sagot ni Lauren sa kaniya.

"Tutulungan? Sigurado ka? Deux siya."

Ouch, ang judgemental naman ng isang ito.

"Narito ako para sa kuya ko, dahil kasama siya sa mga namatay dahil sa isang experiment"sambit ko at mukhang kumbinsido na siya. Agad kaming lumabas mula sa kuwarto at sinilip ang ibang tao.

"Hanapin natin sila Reoland"ani ng babaeng nagngangalang Claris. Tumango si Lauren at mas binilisan nila ang paglalakad.

"Nandito rin ang iba nating kaklase"sambit ni Lauren at nakita ko ngang may iba ring estudyante dito.

Pinasok namin ang mga kwarto at tinulungan ang ibang estudyante na makaalis.

"Nicholas, bumalik na kayo. Mag-ingat kayo"sabi ni Lauren sa isang matangkad at singkit na lalaki. Tumango ang lalaki at agad silang lumakad paalis.

"Pres, mag-ingat kayo"sambit ng isang babae na medyo maliit at tinapik ang balikat ni Lauren. Sumunod rin ito sa iba.

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now