CHAPTER 1

180 11 8
                                    

Lauren

Nagising ako sa malakas na tunog ng school bell. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa table sa gilid ng kama ko. 5AM na kaya tumayo na ako at naligo. Nagbihis na ako ng aking uniform at pagdating ng 5:53AM ay lumakad na ako paalis.

Pumunta muna ako saglit sa Café para bumili ng Caramel Macchiato at yun na lang ang aalmusalin ko. Medyo late na akong natulog kagabi dahil ang dami kong inayos sa kuwarto ko.

Nakadating ako sa main building ng 5:59AM at nandun na ang iba kong mga kaklase. Umupo ako sa may tabi ni Cassey na nagbabasa ng libro. Ngumiti siya sakin at ganoon din ako sa kaniya.

Maya-maya, isang guro ang pumasok. Mayroon siyang mahabang buhok at isang kulay pink na clip. Masasabi kong mga nasa late 30's or early 40's na siya. Umupo siya at nilabas ang projector niya.

"Good Morning, I am Mrs. Lhen A. Almiga and I will be your adviser for a year. Welcome to section Cinq."

Inayos niya ang projector at binuksan ang kaniyang laptop. Agad naming nakita ang simbolong C sa screen tulad ng nasa badge namin. Lumabas din ang pangalan ng school namin.

"Today, hindi na muna ako magdidiscuss ng lesson dahil inutusan kaming idiscuss sa inyo ang tungkol sa school"sambit niya at pinindot ang isang PowerPoint Presentation.

"Because I am the section's adviser, kahit na mapunta kayo sa Un, ako pa rin ang adviser niyo."

"The founder of this school is Mr. George Mende, isang military general at isa itong military academy dati, pero ngayon, napagdesisyunan na gawin itong private school with the same mission, which is to train students to be the best versions of themselves."

"There are 5 sections here. The first section is Un and followed by Deux then, Trois then, Quatre and lastly, Cinq. Every quarter, napapalitan ang ranking ng sections base sa points na palaging binibilang at minomonitor."

"May 5 members ang student committee at meron ring tinatawag na 6 Minervas. Ang 5 members ng student committee ay base sa leadership habang academic student ranking naman ang sa 6 Minervas."

"The student committee's Jupiter last year is Lheinne Queña from section Un. Habang ang Osiris or the highest rank in the 6 Minervas ay si Julianne Cullen na galing din sa Section Un."

"Sa school, sabay-sabay kumakain tuwing lunch at dinner, every Monday to Friday. May 5 long tables sa canteen at sineserve lang ang pagkain doon. Uupo ka sa table ng section mo. Kapag break time naman, may isang hiwalay na canteen na puwede mong mabilhan ng pagkain. Curfew begins by 9PM. Meron tayong Mall at sariling hospital sa loob ng school at tuwing Sunday lang pwedeng lumabas ng school pero dapat babalik rin bago mag-9PM."

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now