CHAPTER 33

61 5 4
                                    

Alianna

Holy shit?! Wala na si Claris, as in sumalangit na siya? Biglang bumagsak si Lauren at mabuti ay nasalo siya ni Thimoty.

"You got to be kidding me"ani Lauren at umayos ng tayo. Tumulo naman ang luha nito.

"Patay na si Claris?"tanong ni Avhia at si Rizha naman ay umayos ng tayo at pinunasan ang pawis niya.

"She's not dead, I just can't find her"sagot ni Rizha at binatukan siya ni Dirk at ganun rin ang ginawa nito sa kaniya.

"My god, bat hindi mo sinabi agad?" ako naman at napakamot lang si Rizha ng kaniyang ulo.

"Hindi mo siya makita?"tanong ni Lauren at pinupunasan ang kaniyang mukha. Ngayon ko lang siyang nakitang maging madrama at umiyak. Tumango lang si Rizha.

"Wala na siya sa operating room" dagdag ni Rizha at sabay-sabay kaming bumalik sa mga puwesto namin kanina.

Si Raphael naman ang humawak ng baril at agad pinaikot ang cylinder. Kinuha niya ang mic at binago ang boses at kaboses niya na ngayon si Justin, ang lalaking nakalaban namin noon nung hinack niya ang system para dugain ang points namin.

"Let's continue"sambit nito at pinindot ang hammer ng baril.

"Ano bang gusto niyo?"pasigaw na tanong ni Anderson. Parang mapupunit na ang vocal cords niya dahil sobrang lakas ng boses nito.

"Give us the information about section Foxes"sagot ni Raphael at binaba ang baril.

"6 years ago, nakulong ako for drug trafficking. My father told me na itatakas ako ng mga tauhan niya and he told me that those girls are very well trained and talented" pagsasalaysay nito sa mga nangyari. Kumuha ako ng upuan at umupo. Kulang na lang kami ng popcorn at drinks.

"But 6 months passed by at wala pa rin, at dun ko nalaman na umalis pala ang dapat magtatakas sakin. Walang iba pang tao ang puwedeng magtakas sakin dahil sobrang taas ng security sa kulungan. Nagalit ako sa ama ko dahil wala siyang ginawa."

"Nang makalabas ako ng kulungan, nalaman kong si Lauren A. Fernando at Claris Athelia C. Ilermo ang taong tinutukoy ng ama ko. Nalaman ko rin na may tinayo silang isang sikretong organisasyon sa loob ng Alitheia Academy."

"Tinulungan ko ang tatay ko na itayo muli ang task force at i-training sila. Yun ang gusto ni Dad, na magkaroon ng isang malakas na sandata laban sa gobyerno ng Rosevelt South dahil naniniwala siya na siya dapat ang mamuno sa lahat. Ako naman ay pinapaikot siya para makakuha ng informations."

Biglang nagising ang iba sa mga miyembro ng task force at nagtangkang magpumiglas pero masyadong masikip ang pagkatali sa kanila kaya wala silang nagawa. Tinuloy naman ni Anderson ang kaniyang kwento.

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now