Chapter Thirty Eight

250K 2.3K 304
  • Dedicated kay Star Villaflor
                                    

"Sumbong mo."

Halos parang nabato naman ang dalawang babae sa pwesto nila ng makita nila kung sino ang nagsalita. Nanlaki ang mata ni Noneen. Jusko totoo ba to? Isip niya. Hindi naman nakapagsalita si Yla agad. Para bang natameme ito ng di oras.

"Doc Darryl.." Mahinang sabi ni Noneen. Di siya makapaniwala, ang all time crush niya dito sa school. NAGSALITA!!! Well, crush naman ito ni Noneen di dahil sa may nararamdaman siya dito kundi humahanga siya sa angking talino nito. Siguro kasi, bukod kay Lawrence; ito pa yung isang taong masasabi niyang ang IQ eh parang ke Einstein.

Kaso nga lang ang problema dito hindi nagsasalita at pihikan sa babae. Minsan lang ngumiti, ayaw sa maingay. Pag ikaw nasa clinic dapat tikom ang bibig mo kundi baka palabasin ka lang niya. Ayaw rin niya sa makulit at childish, kaya nga hindi siya nagpapapasok ng fangirls niya sa clinic eh. Parating hinaharang ng secretary niya.

Pero kahit ganun mabait naman siya at ang talino pa niya sa Science. Halos lahat na tungkol sa medisina alam. Kaya siguro kung paramihan ng fangirls sa eskwelahan, pwede siyang ipangtapat kay Lawrence.

"Oh? Ba't di ka makapagsalita?" Sabi ni Darryl habang nakatingin ng seryoso kay Yla. Si Yla naman nakatingin lang sa kanya. Para bang nagstroke na sa kinatatayuan. Tinapik lang siya ni Noneen kaya ayun nabalik sa kanyang katinuan.

"A-ah, o-oo naman!! Isusumbong kita! Hah, kaya if I were you. I will be threatened!!" Sabi ni Yla. Napakagat naman si Noneen sa labi niya.

 

Patay. Isip nito. Ayaw na ayaw pa naman ni Darryl yung mga sumasagot sa kanya. Para tuloy kinabahan si Noneen. Grabe kasi yung titig ni Darryl parang...papatay.

Nakita nilang tumawa ito ng mahina tsaka tumingin ulit ng pagkalamig lamig sa kanila.

"Why?" 

"Cause I'm the daughter of the owner of this school? and you are just someone who works for my family's school?" Medyo pagtataray na sabi ni Yla. Umirap pa nga ito tsaka nagcross ng arms. Well hindi mo naman masisisi may karapatan naman siya.

"Sumbong mo." Parang walang kabuhay buhay na sabi ni Darryl tsaka ito naglakad papalapit kay Yla. Halos di makapagsalita si Yla sa sinabi ni Darryl. Grabe kasi naman, ikaw ba naman kausapin ng ganito kagwapong nilalang?? 

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon