CHAPTER 40

99 4 0
                                    

"Breast out, stomach in, chin up!"

Boses ng isang gay instructor ang ume-echo sa buong gym. I clamped my lips together as I saw the contestants doing great with their bodies. Lalo akong nawalan ng confidence habang papalapit. Magaganda talaga 'yung mga kasali. Alam ko naman na mayroon akong kagandahan na pwede namang ika-proud pero... ang tagal na kasi nung huli kong sali sa pipitsuging pageant dati... Baka nga hindi na ako marunong maglakad ng maayos.

" 'Wag na lang kaya akong sumali?" hinawakan ko 'yung kamay ni Hurricane at pinigilan syang lumapit doon sa nagp-practice para sa gaganapin na B&B Pageant para sa Senior's week.

"Ano ka ba! You agreed to this, remember? Hindi ka namin pinilit!"

Eh, paano ba naman kasi... 'Yung planong nasabi nila kay Ms. Ocampo ay 'yung every section sa Senior High, mayroong pambato para sa contest, although, Sovereigns is not a section, napagkasunduan nila na isali ito at magkaroon rin ng sarili naming pambato sa B&B. Sa totoo lang, ayoko naman sana pero kung hindi ako... wala ng maglalakas-loob na sumali sa amin kaya kulelat kami kapag nagkataon. Sobrang taas pa naman ng pride ko at ayoko talagang tinatapak-tapakan lang.

Tiningnan ko ulit 'yung mga contestants. Napasimangot ako nang makita kung gaano sila kaperpekto. Hindi naman ako mabilis ma-insecure pero sa mga ganitong pagkakataon na kitang-kita talaga 'yung differences... parang nanliliit ako.

"Talo na naman ako dyan..." I puckered my lips.

"Anong talo? Hindi, ah! Beauty and Brains ka kaya! Remember, you've got the second highest score as a princess?" pagc-console sa akin ni Yuri.

"Matagal na kasi nung huli kong sali, Hurricane. I might mess up on stage," sabi ko.

Iyon talaga ang kinatatakutan ko. Baka anong katangahan pa ang magawa ko sa stage. Ayoko talagang mapahiya, ang dami ko pamg pangarap sa buhay.

She hooked her arms around my shoulder. "Eh, ano naman kung matagal na? The important thing is, you've got experience! The only thing you have to do is to wake that inner queen inside you and shine! Baka nga 'yung ibang nandyan, first time nila. Edi, may edge ka na kaagad dahil sanay ka at alam mo ang mangyayari at gagawin mo kapag nasa stage na."

I sighed. Tumingin ulit ako sa stage at tiningnan 'yung mga babae. Bumaba ang mga mata ko sa katawan nila. I always had a deep sense of insecurity, and it's never a help for me. Lalo akong napasimangot.

"Ang sexy nila..."

Hurricane's grin disappeared. Medyo sumilip ang insekyuridad ko doon kaya siguro napansin nya. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko saka pinisil.

"You're sexy, too, and beautiful. You don't have to compare yourself just to say that you're the best. You might be petite but have curves on the right places and an attractive height. You're a whole perfect package for modelling," she gave me a sincere smile.

Medyo gumaan ang loob ko doon. Tiningnan ko sya. "Tingin mo ba talaga kaya ko?"

She nodded and grinned. "Of course! Aside from you're so smart, you have a great sense of humor, and you're vivacious!" lumapit sya at may binulong sa tenga nya. "Use those as your advantage."

Natawa naman ako. "Salamat..."

"That's fine! Remember, you're always wearing an invisible crown. Feel like a queen, walk like a queen."

"Pwedeng pang-quote iyon, ah!", I joked. "Pero salamat, Yuri. Basta support nyo ako, ah?"

"Of course! Sovereigns squad got your back!" Her smile disappeared and pursed her lips. "And, I'm gonna say sorry about what happened the last day. We didn't know that Krys did that to herself, and you've done nothing."

Monarch High: War of the BratsWhere stories live. Discover now