CHAPTER 7

224 14 6
                                    

Wynd's true to his words, hinatid nya nga kami isa-isa sa mga bahay namin. That made us really surprise. Ang akala ko nga noong una ay namali lang ako ng dinig, but the moment we finished ay pinaaalahanan nya kami na ihahatid nya kami since the school has car for us and the key was in him.

Sa oras ding iyon ay naisipan ko nang i-chat na lang si Sean dahil wala akong number nya. Good thing we're friends on facebook. Paulit-ulit akong nag-sorry dahil sinabi nyang naghintay sya sa 'kin! Guilt was slowly reigning my system at feeling ko kailangan kung bumawi.

Hindi ko naman gustong sisihin si Wynd kasi sya na nga iyong nagmamagandang loob na ihatid kami pero kasi... He knows that Sean was waiting for me so he could send me home tapos biglang ganoong oras kami uuwi! Kung sana sinabi nya nang mas maaga na gagabihin kami ng ganoon ay 'di ko na sana pinaghintay doon si Sean.

Nakasimangot ako papasok ng bahay. I saw mom and dad eating their dinner, I just kissed their cheeks bago umakyat papuntang kwarto.

"Don't you want to eat dinner?"

"Busog po ako, daddy..."

Before kami umuwi ay kumain kasi kami doon sa isang restaurant. Hindi naman sana kami sasama pero si Gina ay gutom na gutom na talaga at isa pa... It was Cal's treat, so we all couldn't decline, hindi na namin alam kung kailan sya manlilibre ulit kaya sinamantala na namin.

My phone chimed, so I checked it. I bit my lip to stop my smile nang makita kong si Sean iyon. Dumapa ako sa kama bago nagtipa ng pwedeng ir-reply sa kanya.

Sean Morillo

It's okay, Hurricane.
Dapat nagtanong ako
kung anong oras ka uuwi.

But it's my fault! I really am
sorry. Babawi ako, promise!

Okay, hahahaha.
it doesn't really
matter, but if you'll
insist, why not?

you know I'm a sucker
for your attention.

Napakagat labi ako sa huli nyang message at tinakluban ang mukha ng unan bago tumili. I squeezed my eyes close sa sobrang kilig. Ano ba, Hurricane?! Tunog maharot ka! Halatang first time?

But seriously, I got suitors before pero lahat sila hindi tumagal dahil takot either kay kuya Ace or kay ate Snow. It wasn't a big deal before, though dahil wala pa talaga sa isip ko ang pagb-boyfriend. The last time I checked, sakit sa ulo lang ang bigay nyan, and if ever I'd get one... Gusto ko iyong katulad nila kuya Ice, kuya Rain, kuya Chlymate at Kuya Cloud!

But I didn't know if ever I could find someone like them, though... How about Sean? There's no harm in trying naman, hindi ba? He looks nice, and Mae told me he has a crush on me? It's not that hard to like him, especially if he's being kind to me.

Pero kakakilala pa lang namin? I should get to know him more... Ni hindi pa nga nanliligaw. I should wait. Hindi naman ako nagmamadaling mag-boyfriend, sina Pink wala nga eh. Si Mae lang naman iyong papalit-palit ng boyfriend. Naalala ko tuloy noong namasyal kami tapos may biglang babaeng sumugod sa kanya at sinampal sya kasi 'yung boyfriend nya daw inagaw ni Mae.

Mae said that they broke up before the guy flirted to her... Doesn't matter anymore since he dumped the guy, just. like. that. Hindi naman problema sa kanya ang paghahanap ng boyfriend dahil madaming nagkakagusto sa kanya. She's confident and very active. Habang ako ay simpleng patatas lang, I even don't reach the average height of women my age. I have questionable curves and spoiled attitudes.

Monarch High: War of the BratsWhere stories live. Discover now