CHAPTER 3

277 22 7
                                    

I never had any moment that Wynd didn't piss me off. I never liked him. Back when we were in high school... I always tried my best to avoid him. He wasn't doing anything, though, but my mind always alarmed me when he was around.... na para bang kailangan ko talaga syang iwasan kasi hindi maganda 'yung naidudulot nya. Wala din akong maalala na nakangiti sya kung humarap sa 'kin. He was always frowning if he ever saw me, like my presence displease him and ruin his whole day.

We were not close, not that he likes getting close with me, but Kuya Rain and Ate Snow were friends. That's why I thought it was easy to befriend him, too... Ang kaso ganun nga. Hindi pa nga ako nakakalapit sa kanya ay tinataasan na ako ng kilay. Sumisimangot na at pinapakita talaga sa 'kin na wala syang ganang makipag-usap. Ano bang magagawa ko? Not that I was thirsty for his attention... Iniisip ko lang dahil magkaibigan naman yung mga kapatid namin, baka pwede rin kami?

So, when we graduated in high school and proceeded to Senior high, hindi na ako nag-stay pa sa Heartanger. I was sure he'd stay there and doon mag-aral tutal that school also offered k-12 curriculum. Gusto ko lang talaga syang iwasan. Feeling ko kasi kapag nagtagal ako doon na kasama sya sa iisang campus ay baka magkaroon pa ako ng kaaway. I also told my friends to go with me... Plano na namin talaga 'yun na mag-transfer ng school after high school kaya gumaan yung loob ko thinking that I have them, di ako mag-iisa dun if ever.

But what surprised me on the first day of school was Wynd's presence together with his friends!

Gulat na gulat talaga ako! He didn't look shocked when he saw me. Ang pag-asa ko na maging tahimik ang buong school year ko ay biglang nawasak... lalo na nung pinagt-tripan na ako ng mga ka-frat nya. Hindi ko alam kung alam nya 'yun since they were doing it without his presence, but there was this time na nandun sya..

Pero wala naman syang ginawa. Tiningnan lang nya ako habang yung mga kasama nya at tinatawanan ako.

I didn't even know that I could feel this kind of hate to a certain person... But it all boils down to that... Sobrang kinasusuklaman ko talaga sya.

"Nasa bulletin na daw 'yung result!" rinig kong sigaw ni Gina. "Daming nakikitingin, mamaya na lang tayo."

"Oh, my god! Kinakabahan ako! Hindi ko pa naman nasagutan ng maayos yung word problem sa last page!" Mae said at pinaypayan ang sarili.

"Tingnan natin?" Pink whispered to me.

"Mamaya na. Tinatamad ako." reklamo ko. Totoo naman! Kahapon after magamot 'yung minor injuries namin ay umuwi na ako at natulog buong araw. I was so drained that I didn't even eat dinner. That was probably because I took the exam and got into an accident all in just one day!

Tinaasan ako ng kilay ni Pink. "Bago 'yan ah? Ikaw pa nga excited sa 'ting apat kapag tungkol dito 'yung pinag-uusapan."

Napanguso ako. When I told them I wanted to run as Queen, they all protested. Inaasahan ko na din na 'yun ang magiging reaksyon nila. Being a Queen comes along with great responsibility and requires good leadership. Hindi ako sanay, alam ko naman... I was kind of spoiled, too... Who knows kung anong magagawa ko diba? I wasn't born like Ate Snow na sobrang talino at decisive. Hindi ko pa nga alam kung anong kurso ang kukunin ko kapag nagcollege na ako dahil hindi ko naman alam kung anong gusto ko.

Matagal ko na din namang napag-isipan 'to. Being a Queen means you have a power on your own... In that way, no one would hurt me inside the campus. Kahit iyong mga ka-frat ni Wynd. Isang rason pa ay para mapatalsik si Britney, lumalaki na halos iyong ulo na kulang na lang ay bigyan sya ng kumikinang na korona para ipagsigawan sa lahat ng reyna sya.

Eh, wala ngang ginawang tama sa school! Naalala ko nung oath taking, ang dami nyang pangako puro naman napako! Tapos puro landi kay Wynd.

"Tingin mo sinong magiging King?" Gina asked out of nowhere. "Iyong mga kalaban ni Wynd galing ABM, eh. Matatalino din."

Monarch High: War of the BratsWhere stories live. Discover now