CHAPTER 6

212 17 10
                                    

Last year, the day after the oath taking, the school magazine released an article in which a dating scandal was leaked. Syempre noong una, maraming hindi naniwala lalo na't involved pa si Wynd... The guy who is really as hard as rock and cold as ice, biglang lalandi, hindi ba? Nakakapagtaka. At mas lalong hindi ako naniwala nang makita kong si Britney pa ang kasama.

Because as far as I am concerned, hindi ganoon ang mga tipo ni Wynd! I mean, I wasn't his closest friend-or hindi nga pala kami magkaibigan, but I felt like I knew something about him lalo na sa ganitong bagay. Hindi naman siguro ako ang nakakaalam nito... Probably some of his fangirls, too. Sa itsura pa lang ni Wynd, tindig at confidence nito magsalita... Hindi katulad ni Britney ang tipo nya.

I think he likes someone way smarter, more confident, and beautiful girls. Of course, not desperate! Ang tipo nya ay mabait, mahinhin at hindi makabasag-pinggan na babae! Not like that low bitch Britney!

Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang nakita ko. Hindi na 'yun maalis sa utak ko. I couldn't believe he actually dated Britney... I mean, come on. Alam ko namang maganda but Britney's a bitch! Hindi nya ba alam 'yun nang i-date nya 'yung babaeng 'yun?

I thought he's smart? Dapat alam nya na ang ganoong mga babae ay hindi pinapatulan!

Ngayon ay nai-imagine ko ang mukha ni Britney habang naglalandian sila dati ni Wynd. She was probably clinging on Wynd's arms like a snake! Sobrang saya siguro nya habang sinusubuan sya.... ng pagkain!

Shit, Hurricane!

This was so frustrating. Hindi ko lubos maisip na minsan nang nakuha ni Britney si Wynd. It was like she won another crown for making Wynd his boyfriend. Nagpauto sya sa babaeng 'yun? Britney wasn't so nice! Hindi lang sa akin, kahit kaya sa iba!

Naramdaman ko ang pagsimangot ko habang naglalakad sa hallway ng school. Papunta na ako ngayon sa HOS. May ilang bumabati sa 'kin pero ang iba ay natakot yata dahil nakakunot ang noo ko. Hindi ko mapigilan, sobrang naiinis ako.

It was last year but it was disturbing.

Kaya ba sobrang inis ni Wynd sa 'kin noon dahil inaaway ko si Britney? Excuse me! Yung ex nya ang unang umaaway sa 'kin! Break na kaya sila? Probably! Hindi ko na sila nakikitang magkasama at hindi naman sila nagpapansinan. But maybe, pasikretong nagkikita?

What?! That's so unlikely of Wynd. Hindi nya gagawin 'yun. I'm sure of that. Hindi ko na dapat pa isipin 'to. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip.

Napahinto ako sa paglalakad when I saw familiar faces coming. Ginapangan kaagad ako ng kaba. Apat sila at mukhang nagkukulitan pa kaya inilibot ko ang tingin ko kung saan ako pwedeng dumaan. I was about to go right when I heard one of them calling my name.

Oh, shit.

Nahinto ako saglit pero kaagad ding nagpatuloy sa paglalakad.

"Uy! Sandali! Snobber naman pala 'tong reyna natin, bro!"

Napapikit ako at hinarap sila, flashing a brave face. Hindi na ako pwedeng magpaapi pa sa kanila knowing now that Wynd will never side with me because these boys are members of his frat. Kung sasaktan man nila ako physically, I can report this. I can expel them as long as I have enough reasons to do so.

I crossed my arms over my chest. "What do you want this time?"

One of them grinned. "Feisty. Mapatang na kasi reyna na."

My brow arched and smirked. "Threatened?"

Humalakhak silang apat. Nainsulto ako sa tawa na 'yun. I uncomfortably stepped back dahil gusto ko na talaga silang iwan dito. The last time we crossed paths, hindi naging maganda ang kinalabasan dahil isa sa kanila ang muntik nang pagbuhatan ako ng kamay.

Monarch High: War of the BratsWhere stories live. Discover now