CHAPTER 30

107 4 0
                                    

"Break up with him."

I gasped sharply. Although, I was expectant of this kind of words from daddy after knowing that I have a boyfriend, hindi parin ako makapaniwalang kaya nya itong sabihin sa akin.

Nanatili akong nakatiim-bagang habang nakatingin sa kanila ni mommy. We're inside daddy’s office in the house. He heard what I said to Mommy and quickly invited her inside, asking—or Rather, ordering me to break up with Jason.

Mommy held my hand. Hindi ko sya tiningnan nang ginawa nya iyon. I was putting all the words together to spit back to Daddy's further painful assault of phrase. Alam kong hindi nya ako papayagan sa ginagawa kong 'to... He slapped me before... Alam kong galit sya noon, pero walang pagkakaiba 'yun ngayon dahil hanggang dito ay ramdam ko ang panggagalaiti nya... Posibleng gawin nya iyon sa akin ulit... Pero alam kong sa huli ay maiintindihan ko sya... Alam kong sa huli, kukumbinsihin ko ang sarili kong hindi nya iyon sinasadya.

"No," I answered, trying to possess finality with my voice para maramdaman nilang kaya kong magdesisyon ng ako lang. "I have a boyfriend. He's a nice man—

"I said break up with him!"

Napapikit ako sa lakas ng boses nya. I flinched and tried to muffle my sobs.

"Hindi ka ba talaga nakikinig, Ginarelle? Sa tingin mo ba ginagawa ko lang ito para sa sarili ko? We're talking about your future here! I am securing it for you!"

"Why can't you just let me handle my future, kung kinabukasan ko nga ang pinag-uusapan natin? Bakit hindi nyo ako hayaan na piliin kung ano ang gusto kong gawin? Bakit palagi nyo akong pinapangunahan?"

"Gina!"

Mommy stopped me from talking. Pinaupo nya ako dahil napatayo ako nang sabihin ko iyon.

"You're still young, Gina! Sa tingin mo ba talaga kaya mong magdesisyon ng tama para sa sarili mo? Can't you see other people who don't have parents guiding them? Naligaw ng landas, walang pinag-aralan at puro sarili ang iniisip!"

Umiling ako. "Daddy, hindi mo ako naiintindihan!"

"Of course, I understand you," seryoso nyang sabi. "You want me to let you decide on your own and then ruin your life!"

I chuckled bitterly, trying to stop my tears from falling. Nanginginig ako sa galit. Hindi kay daddy kundi sa sarili ko. Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Laging may laman ang utak ko pero hindi ko kayang isaboses kasi duwag ako.

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sa anak mo, dad?" I swallowed hard, looking at him with tears gradually dropping. "Do you think... I will ruin my life just by simply asking you to let me decide at least for one time? I am not a perfect person like you wanted me to be."

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko habang nakatingin kay daddy. Hindi ko na makita ang reaksyon nya dahil sa mga luha ko. Nang tahimik parin sila at tanging pag-hikbi ko lang ang naririnig ay nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"This is what I’m asking for... Let me be free. Let me enjoy my life. Let me hold my future. Kung magkakamali ako, hindi ibig sabihin wala na akong kwentang anak. You're here with me. Kayo ni mommy. I am asking you to let me decide for myself and when I'd make mistakes... you'd be there... You'd teach me, let me learn for myself, and let me grow."

"A-Anak..."

"Hindi naman ako nagrereklamo noon, ah?" I chuckled, tears still blocking my vision. "Hindi ako nagreklamo sa lahat ng bilin nyo sa akin. Sinusunod ko naman. Minsan lang ako humingi ng para sa akin, dad. Ito lang 'yun tsaka iyong pag-aaral ko. I wanted you both to be happy... Pero paano naman ako? Nakakulong ako sa mga expectations nyo. Hindi ako makalabas. Hindi ako makahinga."

Monarch High: War of the BratsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon