CHAPTER 8

232 17 5
                                    

~ note: i'll take this opportunity to plug my other stories guys! please read DIFFERENT KIND OF ENDING. doon ko kasi mas tinututukan 'yong pag-u-update kaya medyo matagal dito! if you're waiting for my update here, you can always check my other works habang naghihintay. hehe. hindi ko naman po kayo pinipilit anupu spread love <3

~

Hindi ako mapakali. Ilang beses kong pilit na isinantabi iyong pwedeng mangyari kay Wynd pero hindi ko kaya but I swear it's my conscience speaking, that whatever happens to him inside his frat is because he saved me- which I think is stupid because I know how much he hates me. It's not like we were in good terms that's why he did that. Pero ang kilala kong Wynd, kahit makita ka pang nakahandusay sa sahig, titingnan ka muna at iisipin pa kung tutulungan ka o hahayaan na lang.

Ruthless? Definitely! Iyon naman talaga sya. Naisip ko 'yung sinabi ni Gina kagabi, na it's because I hate him the reason why I always see his bad side. Gaano ba katotoo iyon? But then again, he treated my cuts! It's unexpected, alright pero sapat na ba 'yun? Could that one kind moment of him erase those ruthless moments he has with me? Because, I'm pretty sure, we have no interactions that we weren't raising eyebrows, rolling our eyes, exchanging grimaces and his awesome cold face that's always greeting me.

Hindi din naman ako manhid sa ginawa ko sa frat nya last year. Half of me regretted it pero ano bang magagawa ko? Kasalanan nya 'yun! He was too mayabang for me. Kung sana maayos lang ang pakikitungo nya sa 'kin, okay kami. Maayos naman akong tao but he knows how to push my buttons. Kung hindi lang din naman sya dito sa Monarch High nag-aral, mas masaya pa because I thought he'd stay in Heartanger hanggang matapos ang senior year.

"Late si Wynd?"

I couldn't help but to think Pink's question regarding Wynd's presence. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko at parang may kumalat na pait sa lalamunan ko sa bawat lunok. I bit my lip and tried to concentrate on what I'm doing.

"Hindi." napasulyap si Pip sa 'kin. "May kinuha lang. Pabalik na 'yon dito."

Saglit akong nag-isip na pinag-sisihan ko kaagad kalaunan dahil mas lalo kung naiisip ang sinabi ni Pip kanina. It's terrifying. Sa kahit sino naman siguro na mangyayari 'yun, ganito ang magiging reaksyon ko. Hindi ko lang inaasahan na sa dinami-dami ng tao sa mundo, si Wynd ang may ganang magparamdam sa 'kin ng kakaibang... pag-aalala.

"Anong tina-type mo, Yuri?" siniko ako ni Gina na ngayon ay katabi ko na. She looked really confuse while looking at my laptop.

Tiningnan ko naman 'yon at kaagad na nanlaki 'yung mga mata nang makita kong mali-mali 'yung mga nailalagay kong inputs. I quickly deleted them. Napasapo ako sa noo nang makita kong sobrang daming mali.

"Okay ka lang? You look distracted."

I shook my head. "I-I'm fine..."

Of course, not. Nasaan ba kasi si Wynd?! Kanina pa sya wala. Hangga't wala sya ay hindi ako napapakali. Sobrang gusto ko na lang sabunutan 'yung sarili ko dahil sa curiosity ko. If I didn't ask Pip about their frat, hindi ako matataranta ng ganito!

"Anyway, Hurricane. Tuloy ba 'yung lunch date nyo ni Sean?" mapang-asar na tanong ni Mae na hawak ang kanyang cellphone.

I pursed my lips. I almost forgot about that! Sinabihan ko nga pala si Sean na sabay kaming magl-lunch. I checked my phone, wala din naman syang text. We exchanged numbers din kagabi para hindi hassle 'yung laging pago-online lalo ngayon na ang dami naming ginagawa.

I was excited just before I got to school and now my excitement was blown along the wind. Kung hindi lang sana ganoong eksena ang nakasalubong ko, hanggang ngayon at hindi na sana mapuknat ang ngiti ko! I couldn't even smile!

Monarch High: War of the BratsWhere stories live. Discover now