CHAPTER 5

244 21 8
                                    

When was the last time Wynd talked to me? Oh, it was last year when I accused his sodality of taking drugs. Ano nga ulit ang sinabi nya? He just approached me, standing in front of me, and told me I was stupid in front of my very face with his eyes as cold as ice. As in, isang word lang 'yun pero nag-init ang pisngi ko sa inis. Nagpupuyos ako sa galit at kahihiyan. Tinalikuran nya kaagad ako at hindi na nagsalita pa.

It was just one word, and it felt like a slap.

That was stupid, I know, but hearing it from him added the negativity of that word tenfold. Nainsulto ako pero alam kong kasalanan ko naman, but he was too ruthless for my comfort. I hate him so much with passion.

Being with him inside this room is a suffocation. I wanted to act prim and demure when he's around dahil ayokong masabihan ng masasamang salita galing sa makasalanan nyang bibig. Wala naman syang ginagawa pero pakiramdam ko hinuhusgahan nya ako sa mga titig nya. He always feels like he's ready for any battle kahit tinapos ko na naman 'yun last year pa.

Wala na akong nagawa kundi ang umupo. His words traced with finality, so I felt like I had to follow him. Hindi ako nakatitig sa kanya hanggang makaupo ako. I always avoid his eyes dahil pakiramdam ko tinatakasan ako ng hangin dahil sa takot.

"Okay, before we start, we have to introduce ourselves first. Since from this day onwards, magkikita tayo araw-araw at magm-meeting ng magkasama." Pip started.

Nakasimangot naman 'yung mga kasama ko habang nagsasalita si Pip. While the people on the other side of the table couldn't hide their amusement. Lalo na 'yung dalawa. Si Wynd naman ay tahimik lang.

"I'm Pip. You can just call me Pip dahil masyadong mouthful ang pangalan ko." aniya.

Pink grinned. "Pietro Pharaoh isn't too mouthful.." halatang asar nya.

Humalakhak ang katabi ni Pip. Halata namang pinipigilan ni Gina at Mae ang tawa. I was smiling, too, because I found his name cute and very classic.

"Tss. Pip na nga lang." inis na sabi ni Pip.

"I'm Calvin Samuel or Cal for short." Oh, that's Mr. Bartolome. The one who called Mae a stick figure. Nakita ko na namang nakataas ang kilay ni Mae but Cal winked at her kaya halos lumabas na 'yung usok sa ilong nya.

Seriously, though. Hindi ko parin alam kung bakit stick figure ang tingin nya kay Mae. She's petite, alright, but you know she has curves in the right places. Sa aming apat sya nga ang mas lamang kung body built ang pinag-uusapan because honestly, I was deprived of height, too. Tsk. May masabi at maasar lang eh.

"I'm Jason. That's my nickname because I don't like my name." 'yung may piercings yung nagsalita.

He was like the boy version of Mae. Kung si Mae ay matinik sa mga lalaki, this Jason felt like a notorious playboy plus fuckboy. I was sensing it, kahit si Mae ay napataas ng kilay. Lukso ng dugo yata. Naramdamang kalahi nya.

"But your name is beautiful. Juan Solomon, right?" inosenteng tanong ni Gina.

Humalakhak si Pip at Cal habang si Wynd at nakakunot ang noo.

"It's Jason, woman. Juan Solomon can only be heard in my bed with a woman moaning."

"The fuck?" kaagad kong bulalas dahil sa pagiging bulgar nya.

Lalong humalakhak ang mga kasama nya. Gina tilted her head like she wasn't expecting it. Namula din sya at hindi na nagsalita ulit. Napaka-bastos naman talaga. Magsasalita pa sana ako nang pigilan ako ni Pink. I rolled my eyes and remained silent on my seat.

Kaagad kaming tumingin sa direksyon ni Wynd. We were all waiting for him to introduce himself pero walang emosyon syang nakatingin sa amin. Suplado talaga.

Monarch High: War of the BratsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon