🍞sixty-nine

442 37 2
                                    

JULIA

3 araw na. 3 araw na simula nung nag-desisyon akong iwasan si Elijah. It's been bothering me since I didn't even get the chance to ask Elijah about it. Pero hindi ko lang maiwasang masaktan when I saw him with another girl. Masyado na ba akong nagpapabebe kaya unti unti na siyang nawawalan ng interes sakin?

Taena pinagkatiwalaan ko siya pero ganito na naman yung nangyare. Parang sa mga nababasa ko lang sa wattpad. Kaso ang pinagkaiba lang, etong sakin ay totoo.

"Anak" napalingon ako nang pumasok si Papa at may dala dalang tray ng pagkain. I just smiled at him.

"Are you okay? Ang lalim ng iniisip mo ah" nakangiti niyang tanong sa akin at inilapag ang dala niyang pagkain sa side table.

Hindi ako makasagot. Para saan pa? Hindi ko rin naman alam kung paano ko sisimulan.

"Is it about Elijah?" napatingin ako kay Papa. Kilala niya nga pala si Elijah nang minsang maabutan siya nila Mama dito sa bahay.

"Alam mo anak, I like Elijah's personality. Nang nakilala ko siya hindi ko maiwasang mamangha sa lawak ng isip niya kahit sa murang edad. Usually ang mga edad niyo? Sila kadalasan ang nagda-damdam ng maraming problema sa buhay yet they remained silent kahit sa kaloob-looban nila nasasaktan na sila. But he was different anak" I can't disagree na iba nga ang personality ni Elijah. Isa din kase 'yan sa mga nagustuhan ko sa kanya.

"He's very jolly and very open-minded. Nakakwentuhan ko siya at ibang iba siya sa mga binatang nakikilala ko"

"Anak, anong nangyare?" napabuntong hininga ako bago magsimulang magsalita.

"Nakita ko siyang may kasamang ibang babae, Pa. I just can't imagine na nagtiwala ako sa kanya but then I felt betrayed" tinawanan niya lang ako at inakbayan.

"Did you tried to hear his side?" Tanong ni Papa. I left speechless again.

"Anak, hindi porket nakita ng mata mo papaniwalaan mo agad. Hindi sa kinakampihan ko si Elijah pero wag mong pangunahan ang mga bagay" napayuko lang ako sa sinabi ni papa. Tama nga siya.

"Tandaan mo na mali ang pangunguna sa lahat ng bagay. You should've let him explain. I know na hindi ka papabayaan ni Elijah anak. He's a good guy" hindi ko na mapigilan ang sarili ko at niyakap si Papa. Sobrang sarap pala sa feeling na magpatawad.

"Pa, I'm sorry. Sorry sa lahat ng nasabi ko noon. Sorry if naging harsh ako sayo" niyakap niya ako pabalik. This is what i've been waiting for the past years.

"Wala yun anak. Saka namiss ko ang prinsesa ko" I can't help but to smile. I feel complete lalo na at nandito na si Papa.

"Ano ba talagang nangyare sayo pa?" Tanong ko

"I went abroad para sustentuhan kayo ng mama mo. Kailanman ay hindi ko magagawang lokohin ang mama mo, hindi ko rin kayang iwanan ka, anak. Mahal na mahal ko kayo ng mama mo" feeling ko naman ay kinilig ako sa kanila. Hindi ko alam na may ganitong side pala si Papa. He has always a soft side to us.

"Patawarin mo si Papa kung iniwan ka ni Papa ha?" ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Matagal na kitang napatawad, pa. Saka sorry din po kung hindi ko man lang pinakinggan ang side niyo." nakanguso kong sabi sa kanya.

"Sus. Sorry na po. Ang mahalaga, magkakasama na ulit tayo ngayon diba?" napangiti lang ulit ako at niyakap ulit si Papa.

"Ano ng balak mo anak?"

"Kakausapin ko po siya Papa. I'll hear out his side. Susundin po kita"

"Atsaka isa pa, mahal ko po kase yun. Di ko naman siya matitiis" narinig kong natawa si Papa at ginulo ang buhok ko.

"Dalagang-dalaga na talaga ang anak ko" nakangiting sabi ni Papa at ginulo ang buhok ko.

Sana maging maayos na din kami ni Elijah. Dahil sa kanya, natuto akong patawarin si Papa. Hindi ako makukumpleto kung mawawala pa siya sakin.

Never

TO BE CONTINUED..

❛Bread❜┇C.SB x C.JS✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon