🍞forty-five

519 41 14
                                    

THIRD PERSON'S

"Tabi kami ni Shannie!" Sigaw ni Julia. Nginisian naman sila ni Sunshine pero tumango din ito kalaunan.

"Tayo na lang tabi, Juls! Di mo ba ako lab?" Nakangusong tanong ni Elijah. Dinilaan lang siya ni Julia at agad na nagtungo sa tabi ni Shantal sa pinakalikod.

Si Yohanne at Sunshine ang nasa pinaka-harap. Si Brix, Jullien, Troye, at Lucy ang nasa pangalawang row. Si Elijah at Kairo ang nasa pangatlo habang nasa pinahuli naman si Shantal at Julia.

"Babe, share tayo ng earphoneeee!" Protesta ni Brix.

"Ehh! May sarili ka namang earphone eh, dyan ka na makinig" inis na sabi ni Jullien.

"Suntukan! Suntukan!" Sigaw ni Kairo at Troye nang marinig nilang nagtatalo ang dalawa.

"Eh dali naaaa! Share na tayooo" nag-apir naman si Troye at Kairo kahit pa nasa magkaibang row sila nakaupo.

"Mukhang may maghihiwalay ah" pang-asar ni Kairo. Tinawanan naman siya ni Shantal at Julia mula sa likod nang marinig nila ang sinabi ni Kairo.

"Heh! Wala lang kayong jowa" nakangusong sabi ni Brix at ngumuso

"Okay lang single. Atleast marami akong time para sa sarili ko" pagtatanggol ni Kairo sa sarili.

"Eh yung isa nga dyan na-kuyazoned na crush niya eh HAHAHAHA" dagdag naman ni Brix.

"Hoy! Ang sakit mo mag-salita ah!" Sigaw ni Troye kay Brix.

"Bakit? Di naman ako nagsabi ng pangalan. Tinamaan ka lang eh" natatawang sabi ni Brix.

"Okay lang naman sakin eh, as long as masaya siya bakit ako magdaramdam diba?" Nakangiting sabi ni Troye at yumuko.

"Sus, okay lang yan Kuya! Marami pa kayang ibang babae dyan" nakangiting sabi ni Lucy at tinapik ang balikat nito.

"Nagpaparinig si Lucy oh. Crush mo si Troye 'no?" This time, si Sunshine naman ang nang-asar sa dalawa. Namula naman ang pisngi nito at agad na umiling.

"H-hindi 'no! Saka bakit sakin napunta yung usapan?" Tangging sabi nito at awkward na tumawa para mawala ang tensyon.

"Kuya Elijah, palit tayo. Nahihilo ako dito" biglang sabi ni Shantal kaya naman biglang napatingin si Julia sa dalaga.

"Shannie naman!" Sabi nito pero tinapik lang nito ang balikat ni Julia.

"Sorry unnie, nahihilo na talaga ako dito" napabuntong hininga na lang ito bago makipag-palit ng upuan kay Elijah.

"Gusto mo ng vicks? Nahihilo ka?" Tanong ni Kairo nang makaupo sa tabi niya si Shantal. Tumango lang ito at sumandal sa bintana.

"Sinong may sabing forever single si Kairo?" Pang-aasar ni Yohanne habang nagda-drive ito.

"Issue niyo talaga" sabi ni Kairo at inabutan ng vicks si Shantal. Hindi naman inabot ito ni Shantal dahil nakapikit lang ang mata nito. Napabuntong hininga naman ito at pinasandal ang ulo ni Shantal sa balikat ni Kairo bago buksan ang vicks at pahiran ang ulo ni Shantal.

"Yieeee" napatingin naman si Kairo at harap para makitang nakatingin sa kanila si Brix, Jullien, at Troye.

"Dun nga kayo!" Saway ni Kairo.

Sa kabilang banda..

"Usto mo?" Alok ni Elijah ng chocolates kay Julia.  Ngumuso lang ito at kinuha ang inalok ni Elijah.

"Anong pinapanood mo?" Tanong ni Julia.

"Tangled" sagot naman ni Elijah. Napatawa naman si Julia. Hindi niya akalaing nanonood ng mga Disney movies itong si Elijah.

"Bakit ka tumatawa?" Nagtatakang tanong ni Elijah nang makita itong nakangiti.

"Wala lang. Ang cute mo. Nanonood ka pala ng ganyan" napatingin ito sa sinabi ng dalaga.

"Oh bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ni Julia nang mapansin nitong seryosong nakatitig si Elijah sa kanya.

"Did you just said na cute ako?" Tanong nito.

"What is wrong with that?" Patay malisyang tanong ni Julia. Napangiti naman si Elijah at iniwas ang tingin nito.

"Pa-share akooo!" Umiling-iling na lang ang binata at ibinigay ang kabilang earphone nito sa kanya.

"Wow ang sweet" pang-aasar ni Lucy sa dalawa.

"Gusto mo ganyan din tayo?" Nakangising tanong ni Troye kay Lucy na ikinamula naman ng pisngi nito.

"Ewan ko sayo, Troye" nagulat naman ito nang tawagin siya ni Lucy sa pangalan niya. Kadalasang Kuya ang tawag nito sa kanya kaya naninibago ito.

TO BE CONTINUED..

❛Bread❜┇C.SB x C.JS✔️Where stories live. Discover now