🍞forty-nine

479 38 12
                                    

JULIA

"Yow" bati ko sa kanya at tinapik ang balikat niya.

"Musta?" Tanong niya. Nginitian ko siya at sumagot.

"Medyo okay naman" napatingin ulit siya dahil sa sagot ko.

"May problema ba?" Tanong niya.

"Nalilito kase ako" pag-open ko sa kanya. Okay lang naman sigurong i-open ko sa kanya yung kay Elijah diba?

"Saan naman?" Tanong niya.

"There was this boy. He confessed at me hindi ko alam, bin. Sa kanya lang ako naging comfortable ng sobra. Bukod kila Sunshine, sa kanya ko din napapakita yung pagka-baliw ko. I mean alam mo naman sa una na hindi ako palasalita. Pero iba siya. He changed me. Nalilito ako sa feelings ko" he smiled at me once again. Para bang may pinagdadaanan siya.

"Alam mo minsan sa pag-ibig, hindi mo na talaga namamalayan na nahulog ka na. Pero habang maaga pa, you should know what you really feel for that person" hindi ako makapag-salita at hinayaan ko lang siya sa sasabihin niya

"Yung para bang walang makakapantay sa saya na nararamdaman mo kapag kausap mo siya. Your heart beat is beating like crazy kapag andyan siya" this time ako naman ang lumingon at nakita ko lang siyang nakatungo habang nakangiti.

"Ikaw ha. May pinaghuhugutan ka ba?" Tanong ko habang tinutusok-tusok ang tigiliran niya.

"Wala. Baliw" sabi niya.

"Suuuus. Kunwari ka pa" napabuntong-hininga naman siya.

"Promise that you won't tell anyone" ngumiti naman ako at tumango.

Para tuloy kaming totoong mag-bestfriend na. Well, hindi naman pala ganun kasama maging kaibigan 'to si Changbin. Magaan ang loob ko sa kanya at alam kong mapagkakatiwalaan siya.

"Felix was my ex" agad namang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

ANO DAW?!

"You are what?! Saka as in si Yongbok?!" Tanong ko. Natawa naman siya kase siguro ang laki na ng mata ko at litong lito ang mukha ko.

"Yes, he's my ex" simpleng sabi nito. Akala ko sa BL lang ako makaka-encounter ng ganito pero I wasn't expecting it.

"Hindi alam nila Minho. Only Rian and Christian knows"

"Bakit hindi sinabi sakin ni Yongbok 'to?" Narinig kong mahina siyang tumawa.

"Our relationship was a big secret. Kami kami lang nakakaalam. Feeling ko kase mandidiri silang lahat sakin kapag nalaman nila" hindi ko alam kung maaawa ako or maiiyak ako. Oo nga, kung tutuusin mas mahirap ang sitwasyon nila.

"Pero ibig sabihin lang naman nun ay hindi mo talaga sila kaibigan" nasabi ko na lang.

"I don't want to lose them, Lia. They're very precious to me. Sila lang ang nakakatiis sakin kahit na ganito ako"

"So totoo pala yung sinasabi ni Sunshine"

"Alin?"

"She saw you looking at my cousin. Kaya pala napako ka daw sa kinatatayuan mo nun kase may something sa inyo" he just smiled at me. Pero yung malungkot na ngiti.

"Yes. Saka kilala kita simula pa lang. Naku-kwento ka sakin ni Felix" aww. Na-touch naman ako na nakukwento pala ako ni Kuya.

"Pero sorry to ask, bakit kayo nagbreak?" He sighed again bago ako sagutin. Mukhang sobrang lungkot ng break up nila

"The usual. He said that he doesn't love me. Ganun naman lahat eh. Aalis sila pag nagsawa na sila" nakakalungkot pala talaga yung sitwasyon niya. Pero at the same time kinikilig ako sa kanilang dalawa.

"Alam mo wag ka mag-alala. Ako ang kakaltok kay Kuya para sayo" tinawanan niya lang ako.

"Kaya ikaw, habang maaga pa umamin ka na din kay Elijah. Habang gusto ka pa niya" hindi ko alam pero kinabahan ako sa huli niyang sinabi.

"Sulitin mo yung oras na magkasama kayo" ngumiti naman ako sa kanya.

"Thank you, bespren" sabi ko habang nakangiti sa kanya. Ginulo niya lang ang buhok ko

"Pero alam mo, hindi pa huli ang lahat. Malay mo mahal ka pa ni Kuya" sabi ko ulit.

"Hindi na ako aasa dyan" he said and looked away.

Kailangan kong tulungan silang dalawa

TO BE CONTINUED...

❛Bread❜┇C.SB x C.JS✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora