🍞forty-seven

488 42 4
                                    

THIRD PERSON'S

"Hoy Julia! Nakikinig ka ba?" Tanong ni Jullien kaya napailing ito at tinignan si Jullien.

"Ha? May sinasabi ka?" Umirap si Jullien at muling nagsalita.

"Nakatulala ka kase. May problema ka ba kako" pag-ulit nito. Napaiwas ito ng tingin kay Jullien at yumuko.

"Kanina pa tulala yan. May nangyare ba sa inyo ni Elijah?" Tanong ni Sunshine na nag-aayos ng gamit niya.

"W-wala" sagot nito at unti-unting namula ang mga pisngi nito.

"Wala daw pero namumula yung pisngi. Sino niloko mo, unnie?" Natatawang sabi ni Shantal at umikot ikot sa higaan nito.

"W-wala nga" nakayuko parin na sambit nito.

"Walaaa. Parang di kaibigan eh" nagtatampong sabi ni Lucy at saka ngumuso.

"Oo nga. Tayo tayo lang naman nandito eh" sabi pa ni Jullien.

Walang nagawa ang dalagan dahil sa kakulitan ng mga kaibigan niya. Bumuntong-hininga muna ito bago mag-salita kahit pa naiilang talaga itong alalahanin ang mga sinabi ni Elijah kanina.

"Elijah, confessed to me" simpleng sabi nito. Tila ba hindi nila ito na-gets at nagtinginan sa isa't isa. Nakita naman ito ni Julie kaya agad niya itong tinawanan.

"He said he was falling in love with me" dagdag nito. Nagtinginan ulit ang apat bago nila ma-gets. Nagsigawan silang lahat habang si Sunshine naman ay naibato ang hawak nitongga damit.

"Aaaaaaahhhhhh! Omg! Dalaga ka na talaga, Juliaaaaa!" Sigaw pa ni Sunshine habang parang bulateng kinikilig.

"Ang taray ni Elijaaaaaahhh! Poteeeek! Anong sabi mo?" Napatigil ang apat sa pagwawala at tinignan muli si Julia, hinihintay ang sagot nito sa tanong ni Jullien.

"H-hindi ako nakapag-salita. Syempre speechless ako. Biglaan kaya" nahihiyang sabi nito at nangamot ng batok.

"Hala omgggg! Akala ko ba crush crush lang?" Kinikilig na sabi ni Lucy at hinahampas si Shantal.

"Sabi niya habang tumatagal daw na nakikilala niya ako nag-iiba" muli na namang nagtilian ang apat at nagbatuhan ng unan sa kilig.

"Eh ikaw ba, anong nararamdaman mo para kay Elijah?" Unknowingly, napangiti ito. Ngumisi naman silang apat nang makita ito.

"I seriously don't know. Basta masaya ako pag kausap ko siya. Maybe... Crush?" Parang bulateng naglupasay ang dalawang nakababata sa kilig.

"Ayan na nga baaa. Pero ayan ang aalamin natin in the next few days" nakangising sabi ni Sunshine.

"Please don't tell it to the boys. Hayaan niyong si Elijah ang magsabi sa kanila. At saka don't tell them na crush ko si Elijah. Please?" Tumango tango ang apat at nag-apir pa.

"Pero speaking of crush, nagtataka talaga ako" nakangalumbaba na sabi ni Sunshine.

"Saan?" Tanong ni Lucy dito.

"Diba kilala niyo si Changbin? Yung nagko-comment sa post ni Julia dati?" Nagsitanguan naman ang lahat.

"Kanina kase diba nauna sila Kuya, Seungmin, Minho, Jeongin, saka yung si Changbin"

"Oh? Anong meron? Ikaw kung ano ano na lang napapansin mo" sabi naman ni Jullien.

"Hindi lien! Nakita ko talaga" sabi nito at ipinatong ang braso nito sa balikat ni Jullien.

"Ano nga?" Singit naman ni Julia.

"Ang weird kase nung dumating sila Christian kasama sila Kuya Yongbok, nakita ko yung reaction nung Changbin, dai! Para siyang napako kase as in hindi talaga siya gumalaw tas nakatitig lang siya kila Kuya Felix" napatango naman sila sa sinabi ni Sunshine.

"Diba crush ka nun, Juls?" Tanong naman ni Jullien.

"Hindi ko alam. Saka baka guni guni mo lang yun, iniissue mo agad" sagot naman ni Julia.

"Alam mo, Sunshine. Tigil-tigilan mo nga kapapanood mo ng teleserye, kung ano ano na pumapasok sa utak mo. Atsaka parehas silang lalaki, siraulo ka ba?" Sabi naman ni Jullien.

"Dzuh, love is not about gender" singit ni Julia.

"Siguro nga. Tara na nga. Baka hinihintay na tayo nila Kuya sa baba" dagdag ni Sunshine kaya napailing na si Julia.

TO BE CONTINUED..

-

(SORRY NA AGAD. CHANGLIX IS LAYFUE HAHAHAHAHA)

❛Bread❜┇C.SB x C.JS✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon