🍞thirty

583 42 24
                                    

JULIA

Hindi ko alam kung nasa tamang katinuan pa ba ako at nasabi kong miss ko nga siya. Straightforward kase talaga ako pag ganitong nagdadalaga ako. Nakakainis lang.

Eh yung isang yun naman ay nilayasan ako. Nakakainis siya.

Napatayo ako agad nang may marinig akong nagdoorbell. Paikot ikot lang ako sa carpet namin habang nakabukas yung tv dahil sobrang sakit talaga ng puson ko. Bumaba naman ako para tignan kung sino ito at automatiko akong napangiti nang masilip ko kung sino ito.

"Miss mo ko eh. Edi pinuntahan kita" sabi niya pagka-bukas ko pa lang ng pinto. Napangiti naman ako at sinalubong siya ng yakap. Waaaahh! Ano bang ginagawa mo, Julia?!

"Anong meron sayo? Di mo ata ako inaaway?" Nakangiting sabi niya kaya kitang kita ko kung paano lumabas yung dimples niya. Cuteee!

"Pasok ka muna" sabi ko at inaya ko siyang pumasok sa loob.

"Sino kasama mo?" Tanong niya habang sinusundan ko siya papasok.

"Wala. Nasa trabaho pa si mama. Mamaya pang 8 yung uwi nun" sabi ko lang.

"Yayayain sana kitang mag-mall kaso biglang sumama yung pakiramdam ko" sabi ko lang pero nagulat ako nung lumapit siya sakin at tignan ako ng may paga-alala.

"May lagnat ka ba? Anong nangyare sayo?" Napangiti lang ako at umiling. Dzuh, nakakahiya kaya kung malaman niyang may 'Red Days' ako

"Okay na ako. Don't worry" sabi ko kaya para naman siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan.

"May dala akong Ice cream para sayo. Chinat kase ako ni Sunshine" napapikit na lang ako. Talaga naman yung babaitang yun.

"A-ahh, hindi mo kailangang gawin yun hahaha." Sabi ko at umiwas ng tingin dahil ramdam ko talagang namumula na ako

"Ooooyyyy, namumula ka master. Crush mo ko 'no" pangaasar niya kaya agad akong napalingon sa kanya na pinagsisihan ko naman.

POTAENA ANG CUTE NG SMILE NIYAAAA! BAKIT GANYAAANN?!

"Kapal mo ah" sabi ko at muling umiwas ng tingin. Nakakahiyaa!

"Nga pala, asan si Jelly?" tanong ni Elijah sakin at luminga-linga sa paligid. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Mahilig ka sa bata?" tanong ko sa kanya.

"Hmm. Oo. Ang ku-cute kase nila eh. Diba?" napatango na lang ako saka inalok siya ng Ice Cream na dala niya kanina

"Tara nood na lang tayo ng movie" pang-aaya niya kaya pumayag naman ako. Namili siya sandali ng CD na pwedeng panuorin at agad na tumabi sa akin.

THIRD PERSON'S

Naka-focus lang sa panonood ang dalawa nang biglang mapalingon sa gawi ni Elijah si Julia.

Hindi maiwasan nitong aminin sa sarili niya na gwapo talaga ang binata at hindi maitatangging boyfriend material pa ito.

Naramdaman niya ang mabilis na pag-tibok ng kanyang puso kaya agad naman siyang umiling at ibinalik ang tingin sa TV screen.

Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya at ipinikit ang kanyang mata. Ilang sandali naman ay may naramdaman siyang kumalabit sa kanya kaya naman napadilat ito at lumingon muli sa gawi ni Elijah.

Ngunit mas lalong nagwala ang puso nito nang makita niya ang napaka-lapit na mukha ni Elijah na nakangiti pa sa kanya.

Para bang napako ito sa kinauupuan at hindi na maigalaw ang buong katawan.

"Anak?" Sabay silang napatingin sa pinto nang biglang may tumawag sa dalaga.

"M-ma, a-akala ko mamaya ka pa uuwi?" kinakabahang tanong nito sa kanyang ina.

TO BE CONTINUED..

❛Bread❜┇C.SB x C.JS✔️Where stories live. Discover now