🍞fifteen

638 42 17
                                    

ELIJAH

"Hanne, labas lang ako saglit" paalam ko kay Yohanne. Nginitian niya lang ako. Umirap lang ako dahil paniguradong ka-chat na naman niya yan si Sunshine. Bwisit silang dalawa.

Naglakad ako patungo sa Park. Eto lang kase yung alam kong makakapag-hanap ako ng peace of mind dahil tahimik at maaliwalas.

Napapikit ako sandali nang maramdaman ko ang marahang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko. Ang sarap sa feeling. Nakaka-refresh.

"Bakit pa siya bumalik?! Okay na kami ni mama eh" napadilat ako nang may marinig akong pamilyar na boses mula sa isang tabi.

"Nakakainis lang kase nagi-guilty ako sa sinabi ko. Mukha lang akong masama pero nakokonsensya parin naman ako" napangiti naman ako at agad na hinanap ang pamilyar na boses.

At naroon nga siya sa isang malaking puno. Nakasandal at umiiyak siya. Nagsimulang tumibok ang puso ko nang makita ko kung gaano siya ka-cute habang umiiyak at parang batang pinupunasan ang luha niya.

"Pagkatapos niyang mambabae noon, babalik siya ngayon? Dahil ba nag-sawa na siya dun sa babae niya?" Napaupo ako agad nang hindi ko na matiis yung sarili ko.

"Ay babae!" napatawa naman ako nang makita kong nagulat siya. Pfft, namamaga pa yung mata niya.

"B-bat ka andito?" Gulat na tanong niya habang pinupunasan ang luha niya. Napangiti lang ako at ako na ang nagtangkang punasan ang mga luha sa mata niya.

"Nagpapahangin lang naman kaso narinig kita eh" nakangiting sabi ko sa kanya.

"S-sorry" sabi niya na mas lalong ikinatawa ko. Kaya gusto ko siya eh.

"Cute cute mo. Wag ka na umiyak. Hindi ko kaya na nakikita kang umiiyak" sabi ko at ngumiti sa kanya. Bahagya din siyang ngumiti sa akin na ikinasaya ko. First time 'to mga tol!

"Nagugutom ka na?" Tanong ko. Napayuko lang siya at tumango. Dahil sa hindi ko na mapigilan ang sarili ko ay nakurot ko naman siya.

"Ang cute mo, master. Lika, kain na tayo. Libre ko na" pag-aya ko. Tumayo ako agad at tinulungan din siyang tumayo pagkatapos.

"H-ha? Hindi na. Uuwi na ako" sabi niya saka pilit tumayo pero natumba lang siya ulit paupo. Hindi ko talaga maiwasang mapatawa.

"Masyado kang malungkot. Wag ka muna umuwi" wala sa sarili kong sabi. Teka lang, parang ayaw ko naman siya pauwiin sa sinabi ko. Talaga naman

"N-nakakahiya"

"Ano ka ba, wala 'to. Isipin mo na lang na pambawi ko 'to sa pangungulit ko" Mag-sasalita pa sana siya nang magsalita akong muli.

"Bawal tumanggi sa grasya, Julia" paalala ko sa kanya kaya wala na rin siyang nagawa kundi tumango. Napangiti ako at inilahad ang kamay ko para tulungan siyang tumayo. Mabuti na lang at inabot niya rin ito saka ko siya hinila patayo.

Pero medyo napalakas ata ang hila ko sa kanya kaya napakapit siya agad sa balikat ko when she landed on my chest.

It was my chance to look close at her face. Ramdam ko ang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko sa paghawak niya pa lang sa balikat ko.

It drives me crazy.

Julia, what are you doing?

I can see his cheeks getting red. Ang cute tignan. Napangiti na lang ako sa kanya. She even blinked twice bago lumayo sakin. Gusto ko siyang tawanan ngayon kaso baka baka magalit na naman sakin 'to and I don't want that to happen.

Akala ko pa hahampasin niya ako gaya ng karaniwan niyang ginagawa pero this time, umiwas lang siya ng tingin saka nagsalita.

"A-ahm, tara na? Hehe" sabi niya saka dali daling naglakad palayo sakin. Napangiti na lang akong muli at umiiling-iling na sinundan siya para masabayan siya sa paglalakad.

TO BE CONTINUED..

❛Bread❜┇C.SB x C.JS✔️Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα