🍞ten

701 44 15
                                    

JULIA

"Julia, sorry talaga. Hindi ka namin masasamahan ngayon. Nag-aya kase ng gala si Yohanne eh" napairap na lang ako. Jusko, eh halos araw araw naman silang may date ni Yohanne. Buti hindi siya nagsasawa sa pagmumukha ng kumag na yun.

"Ako rin, sorry Juls" Ano pa nga bang bago? Bakit ba kase ako nagpasama sa kanilang dalawa? Eh may jowa 'yang mga yan.

"Oo na. Puntahan niyo na mga jowa niyo. Baka akalain nun nanlalalaki pa kayo" Natatawang sabi ko sa kanila.

Inutusan kase ako ni Mommy na sunduin yung pinsan ko ngayon sa school niya dahil busy si Tita sa trabaho ngayon.

Sa totoo lang sinusubukan kong pakisamahan yung batang yun kaso mukhang sinumpa ata akong maging hate ng mga bata dahil palagi kong kaaway yun.

"Master!"

Ngayon pag nakita ako nun, siguradong itatanong nun sakin kung asan yung mommy niya. Kung pwede lang sigawan yun kaso bata eh huhu. Baka ako yung mapalo ni Mama pag umiyak yun. Ay jusko! Stress!

"Master!" taena. Sino ba tinatawa nun? Ang ingay niya ah.

"Julia!" hindi naman ako lumingon dahil baka ibang Julia naman yung tinatawag niya. Pero pamilyar yung boses ha. Parang si—

"Hoy! Kanina pa kita tinatawag eh" napatingin naman ako sa tabi ko ng may maramdaman akong sumabay sakin sa paglalakad.

Sabi na nga ba eh.

"Bakit? Sino ka ba?" seryosong tanong ko sa kanya pero itong bungal na 'to nginusuan lang ako. At talagang nagpapa-cute siya sa harap ko ah! Kapaaaal!

"Ang panget mo" simpleng sabi ko saka mas binilisan ang lakad ko para lang malagpasan siya.

"Aba! Hoy hindi porket crush kita gaganyanin mo ko. Sakit mo sa heart ha!" Rinig kong sigaw niya. Nakita ko namang pinagtinginan siya ng ibang tao.

Naman! Hindi ba pinanganak na may hiya 'tong lalaking 'to? Anak ng tokneneng naman!

"Pwede bang tumahimik ka? Wala ka ba talagang hiya?" Bulong kong saway sa kanya pero nginitian niya lang ako. Eh puro hangin ata utak nito kaya trip ako eh.

"Kasama kita so nawawalan ako ng hiya" napapikit na lang ako sa kunsimisyon sa lalaking ito.

"Bakit mo ba kase ako sinusundan? Umuwi ka na nga!" saway ko sa kanya pero umiling lang siya with matching hand gesture pa.

"Nope. Sasamahan na kita"

"Hindi ko kailangan ng kasama kaya umuwi ka na, Elijah"

"Ayaw. Sa'n ka ba kase pupunta?" Tanong niya sakin. At akala niya ba sasagutin ko siya? Pwes, manigas siya dyan!

"Hoy Julia!"

"Master!"

"Boss Julia!"

"Master Julia!"

"Bebe Julia!"

"Babe!" dahil sa sobrang inis ko ay tuluyan ko na siyang hinarap na ikinangisi niya naman. Lord naman, bakit ako pa nabigyan niyo ng ganito kalaking problema?

"Tangina mo naman! Pwedeng bang hinaan mo boses mo?"

"Ayaw mo kasi akong sagutin eh" nakanguso niya namang sabi.

"Pupuntahan ko si Jelly ngayon. Kaya pwede bang umuwi ka na?"

"Ohh jelly jelly~" Halos mapa-facepalm ako sa isip ko nang kantahin niya yung part na sinabi ko na kanta ng Twice. Please, pigilan niyo ko. Gusto ko na siyang batukan ng singkwenta.

"Really, Elijah?" I'm so done with him. Jusko, ayoko na. Suko na ako huhu.

"Teka lang, Julia! Bakit ka pupunta sa school ng bata!? Wag mo sabihing..."

"Jelly!" Sigaw ko ng nakita ko si Jelly na kakalabas lang ng school.

"Julia? Baket ikaw andito?" ang taray talaga ng batang 'to hindi na nga ako ina-ate eh.

"Ako muna mag-uuwi sayo ha?"

"Ayaw ko sayo!" sabi niya saka nag-crossed arms pa. Napaka-arte jusme naman.

"Aww. Bakit ayaw mo kay Ate Julia?" napalingon naman ako sa kanya nang sumingit siya sa usapan namin ni Jelly.

"Wala lang" sagot niya. Jusko

"Hello, ako si Kuya Elijah. Ilang taon ka na?" gusto kong matawa sa ginagawa niya. Medyo pinapa-cute niya yung boses niya para kay Jelly

"Ako po si Jelly. 5 years old po" Nakangiting sabi niya. Ang daya! Bakit sakin hindi siya ganyan?!

"Halika, iuuwi ka na namin ni Ate Julia mo ha?" ngumiti muli si Jelly saka ipinulupot ang dalawang braso sa may bandang leeg niya saka siya binuhat ni Elijah.

Oo na, ang cute na niya tignan.

"Bakit ayaw mo kay Ate Julia? Mabait yan basta mabait ka rin" hindi ko maiwasang mapangiti. Para siyang tanga pero ang cute.

"Eh kase mukha po siyang mataray" Hala?

"Mukha lang mataray si Ate Julia pero mataray talaga yan" halos patayin ko siya sa sama ng tingin ko pero tinawanan niya lang ulit ako.

"Joke. Mabait si Ate Julia. Dapat love mo rin siya"

"Boypren po ba kayo ni Julia?" sandali kaming napatahimik ngunit ilang sandali lang ay nagsalita na rin siya

"Oo baby. Diba bagay kami?" talaga naman! Masyado siyang mapag-samantala!

"Opo hihi. Ang pogi niyo po. Love niyo rin po ba si Julia?" tinignan niya akong sandali. Ewan ko ba pero nailang ako bigla. Jusmiyo 'tong batang 'to. Bakit sakin napunta yung tanong?!

"Opo. Sobra" Potangina mo, Elijaaaaah!

"Ayieeeee. Sige na nga po. Love ko na rin po siya hihi"

Ilang sandali lang din ay nakarating na kami si tapat ng bahay at ibinigay niya na sakin si Jelly.

"Aalis na po kayo?" Malungkot na tanong ni Jelly sa kanya.

"Opo. Kailangan eh. Kita ulit tayo sa susunod ha?" nakangiti niyang sambit.

"Okay po! Babye po!" napangiti na lang ako. I mouthed 'Thank you' sa kanya saka pumasok na sa loob ng bahay.

He looks cute with Jelly.

TO BE CONTINUED..

❛Bread❜┇C.SB x C.JS✔️Där berättelser lever. Upptäck nu