🍞thirty-one

548 37 10
                                    

THIRD PERSON'S

"Oh? Elijah hijo!" Masayang bati ng mama ni Julia sa binata. Napangiti naman ito at nag-bow.

"Hi po tita! Long time no see po" magalang na sabi nito na ikinatawa naman ng matanda.

"Mukhang naistorbo namin kayo ah. Oh siya, tulungan mo muna ako dito, Lia. Para makakain itong si Elijah" sabi ng mama ni Julia kaya't nakangusong sumunod ang dalagita. Naiwan na lamang si Elijah at ang ama ni Julia.

"Hi po!" Masiglang bati ni Elijah sa lalaki kaya naman napangiti ito.

"Ka-ano ano mo si Julia?" Nakangiting tanong ng lalaki sa binata.

"A-ahh, kaibigan niya po ako hehehe. Kayo po? P-parang ngayon ko lang po kayo nakita dito" sabi ng binata.

"Halika, upo muna tayo dito, hijo" sumunod lamang si Elijah at umupo sa tabi ng papa ni Julia.

"Ako ang tatay ni Julia." Nanlaki naman ang mga mata ni Elijah at napatayo.

"Talaga po? Hala, sorry po. Masyado po atang naging mayabang yung tanong ko kanina" sabi nito na muling ikinatawa ng matanda.

"Wala iyon hijo." Natatawang sabi nito kaya nakangusong umupo ito sa tabi ng lalaki.

"May gusto ka ba sa anak ko?" Nakangiting tanong nito. Kaya't nagtaas muli ng tingin si Elijah sa tanong nito sa kanya.

"P-po?"

"Sa totoo lang hijo, botong boto ako para sa inyong dalawa ni Julia. Mukhang desente ka at kaya mong alagaan ang anak ko. Lalo na't napuno ng galit ang puso niya simula pa lang nung bata siya"

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ni Elijah kaya naman napayuko muli si Mang Julio bago nagkwento.

"5 years old pa lang si Julia nang magdesisyon akong mag-abroad. Sobrang gipit kami noon. Hindi boto ang mga magulang ko sa nanay ni Julia kaya't ni singko ay wala kaming natanggap mula sa mga magulang ko. Kaming dalawa lang ng mama niya ang nakakaalam na mangingibang bansa ako" nakinig lang si Elijah sa kwinento ng papa ni Julia.

"Ang akala ni Julia ay nangibang bansa ako para mambabae. Pero naiintindihan ko naman iyon dahil bata pa siya at hindi niya pa maiintindihan ang lahat. Sinubukan siyang kausapin ng mama niya pero hindi naging sapat iyon. Fortunately, nakaipon ako ng malaki kaya nagdesisyon ako agad na umuwi at dito na lang mag-trabaho"

"12 years old nun si Julia. Pero nagdesisyon akong hindi muna magpakita dahil alam kong hindi niya pa ako maiintindihan. Kaya nanatili akong nakikibalita na lamang. Hanggang sa tumuntong na siya ng 18, doon ako nagpakita sa kanya pero sobrang laki parin ng galit niya" nakaramdam naman ng awa si Elijah sa sinapit ng ama ni Julia. Nagsakripisyo itong pumunta ng ibang bansa para lang matustusan ang pangangailangan ng anak.

"Hindi po ba kayo nag-attempt na mag-explain?" tanong ni Elijah.

"Sinubukan ko hijo. Kaso ayaw niya akong pakinggan kaya mas pinili ko na lang na bumawi sa lahat ng pagkukulang ko" ngumiti naman si Elijah at tinapik sa likod ang ama ni Julia.

"Wag po kayong mag-alala. Alam ko pong may mabuting puso ni Julia at mapapatawad niya rin po kayo. Tutulungan ko po kayo" halos maiyak ang matanda sa sinabi ni Elijah. Napaka-buti nito.

"Maraming salamat hijo. Napaka-laking bagay nito para sa akin" Ngumiti lang si Elijah at tinapik tapik ang likod ni Mang Julio.

TO BE CONTINUED...

❛Bread❜┇C.SB x C.JS✔️Where stories live. Discover now