🍞thirteen

626 42 8
                                    

JULIA

"Anak! Bumaba ka muna dito at may gustong kumausap sayo" tawag ni mama mula sa baba. Nawala ang ngiti ko at ibinaba ang phone ko.

Wala na akong nagawa kundi sundin si mama. Baka si Elijah yun.

Teka..

Ano? Elija— sino ba yun?! HAHAHA. Saka bat ko ba siya iniisip?! Grr

Nawala lalo ang ngiti ko nang makita ko si mama na nakaupo sa dining table habang nasa harap niya naman... Si papa

"Ayan na si Lia. Napaka-ganda ng anak natin, Julio" masayang sabi ni mama. Bakit siya nandito?

"Julia.. anak" tinignan ko lang silang dalawa ng wala man lang karea-reaksyon sa mukha ko. Mukha bang may pake ako?

"Anak, batiin mo naman ang papa mo" nakangiting sabi ni Mama pero hindi ito umubra sakin at tinignan ko parin siya ng diretso.

"Bakit ka andito?" Malamig kong tanong habang nanatili lang sa kinatatayuan ko.

"Anak!" Pero hinawakan lang niya ang kamay ni Mama at ngumiti.

"Anak, patawarin mo ako. Alam kong nagkamali ako sa pag-iwan sa mama mo. Patawarin mo ako sa lahat ng pagkukulang ko" sabi niya at tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Patawarin? Pagkatapos ng lahat ng pangga-gago mo kay mama? Pagkatapos mong ipagpalit sa ibang babae si mama ng hindi niya alam? Patatawarin kita? Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko. Hindi niya alam lahat ng sakit na binigay niya kay mama noon tapos heto siya at babalik balik? Gago ba siya?

"Anak, sorry" sabi nito at napaiyak. Kung akala niya madadaan niya ako sa luha luha niya, pwes sinasabi ko pa lang ngayon na hindi na.

"Puro kayo sorry. Nakakapagod ka! Iwan niyo muna ako mag-isa" sabi ko at muling umakyat sa kwarto ko.

Pagkatapos lahat ng ginawa niya, sorry lang yun? Ang kapal ng mukha niya para humarap sakin ngayon.

"Julia!" tawag pa sakin ni Mama pero hindi na ako muling lumingon pa.

Hindi ko pa siya kayang patawarin ngayon

TO BE CONTINUED...

❛Bread❜┇C.SB x C.JS✔️Where stories live. Discover now