🍞seventeen

655 41 18
                                    

THIRD PERSON'S

"Ate Juliaaaa! Dalian mo na diyaaan! Baka ma-traffic tayo oh" sigaw ni Lucy kay Julia dahil nag-balak ang dalawa na pumunta ng mall at mamili ng gamit para sa camping nila.

"Wait lang lulu! Nawawala yung favorite shoes ko huhu" sabi nito habang hinahanap ang white shoes na paborito niyang pang-alis.

"Wait wait. Nakita ko na" sabi nito at nagmamadaling isinuot ang kanyang sapatos.

Pagka-baba naman niya ay kaagad silang umalis para pumunta sa mall.

Samantala, nakangiting hinihintay ni Elijah si Troye dahil kailangan din nilang bumili ng mga gamit sa pag-alis nila.

"Alam mo 'pre, mukha kang tanga. Ang creepy mo. Kanina ka pa nakangiti diyan" napabalik sa realidad si Elijah nang biglang magsalita si Troye.

"Wala 'pre. Bawal ba maging masaya?" Nakangiti parin nitong sabi kay Troye.

"Hindi kase normal para sayo. Yung tungkol sa pag-libre mo kay Lia yan 'no?" Mas lalong lumapad ang ngiti nito na halos mapunit ang labi nito.

"Kinikilig lang ako kung paano niya ako ngitian nun. Don't mind me 'pre" napangiwi naman si Troye

"Bakla mo 'pre" nawala ang ngiti nito.

"Aba! Parang hindi ka kinikilig kay Lucy ah!" Napaiwas ng tingin si Troye at tumikhim.

Ilang oras lang ay parehas na nakarating sila Julia at Lucy sa mall.

"Ang tagal na simula nung huli kong punta dito" masayang sabi ni Lucy.

"Oo nga eh. Sobrang busy kase natin sa mga projects dati" nakangiti ding tugon ni Julia.

Naglalakad ang dalawa nang bigla namang may tumawag sa kanila.

"Julia! Lucy!" Parehas na napaharap ang dalawa sa tumawag sa kanila at nakita si Troye at Elijah.

"Kuya Troye? Elijah? Bakit kayo andito?" Salubong na tanong ni Lucy sa dalawa. Ngumiti naman si Elijah nang makita si Julia sa harap niya.

"Mamimili lang sana kami ng ilang gamit" singit ni Elijah na ikina-tango naman ni Troye.

"Edi sumama na pala kayo samin!" Masayang suggest naman ni Lucy na mas ikinalapad ng ngiti ni Elijah.

"Lucy naman!" Mahinang siko pa ni Julia kay Lucy.

"Sis, mamimili din sila oh. Besides, para naman mas masaya. The more, the merrier diba?" Bulong din ni Lucy kaya naman wala nang nagawa si Julia kundi ang bumuntong-hininga.

"Tara na?" Aya ni Lucy kaya naman ngumiti ang dalawang binata at sumabay na mag-lakad kila Lucy.

Nagtungo ang apat sa isang Department Store.

"Juls, sama lang ako kay Kuya Troye ah?"

"Lucy naman, pati ba naman dito iiwan mo parin ako?" Mahinang sambit ni Julia na ikinatawa naman ni Lucy.

"Lia, magkikita pa tayo mamaya. Saka bonding bonding muna kayo ni Elijah" sabi ni Lucy at kumaripas ng takbo habang hila hila si Troye. Napa-buntong hininga naman ito at humarap kay Elijah na nakangiti ng pagka-lawak lawak.

"Tara na, Master" sabi nito at pasimpleng kinuha ang kamay ni Julia.

"May sinabi ka kila Troye 'no? Kaya sila umalis" Sabi nito habang matalim na nakatingin sa binata.

"Hoy wala ah. Baka nafeel lang nila na kailangan natin ng moment"

"Moment mo mukha mo!" inis na wika ni Julia sa kanya atsaka inirapan ito.

"Bakit ka ba kasi andito?" Nakabusangot na tanong ni Julia. Napatawa lang ng mahina si Elijah bago sumagot.

"Mamimili din" sabi nito.

"Master, bagay ba sakin 'to?" Tanong ni Elijah habang hawak hawak ang isang t-shirt na color orange.

Nakita niyang bagay ito kay Elijah pati na din ang maliwanag na ngiti nito kaya't napaiwas siya ng tingin nang maramdaman niyang tumibok ng malakas ang puso niya.

"Hindi. Ang panget. Ang panget mo din" napanguso naman si Elijah at ibinalik ang t-shirt na hawak hawak.

"Oh? Bakit hindi mo binili?" Tanong ni Julia pero hindi parin tumitingin sa binata.

"Sabi mo panget" nakangusong sagot nito.

"Argh! Joke lang. Bilhin mo na. Bagay na sayo" nakatingin sa malayo nitong sagot kaya naman sumilay muli ang ngiti ng binata at parang batang kinuha ang damit.

Ilang oras din ang inikot ng dalawa at nakabili na sila ng damit na ipangka-camping nila.

"Salamat sa pag-sama sakin, Master" nakangiting sabi ni Elijah sa dalaga kaya mas lalo itong napaiwas ng tingin.

"Welcome" tipid na sabi nito at lumabas na din ng Department Store.

"Nagugutom na ako" reklamo naman ni Julia kaya napalingon agad si Elijah dito.

"Gutom ka na? Anong gusto mong kainin? My treat" nakangiting sabi ni Elijah.

"Kanin" nakasimangot na sabi ni Julia habang hawak hawak ang tiyan nito.

"Ang cute mo. Lika na" sabi ni Elijah at muling kinuha ang kamay nito.

Dinala nito ang dalaga sa isang malapit na fastfood chain pero bago sila makapunta sa kakainan ay napatigil si Julia nang makita ang isang kwintas sa Jewelry Shop.

"Oh bakit?" Tanong ni Elijah. Ngunit imbis na sumagot ay tinitigan lang ng dalaga ang kwintas.

"Ang gandaaaa" sabi na lang nito kaya naman napangiti si Elijah. Letrang 'J' ito na binabalot ng crystals kaya talagang kikinang ito kahit pa sa malayuan. Napangiti si Elijah at muling inaya si Julia.

"Halika na. Babalikan natin yan" napanguso na lang si Julia at sumama na din.

"Salamat sa pag-libre. Dapat ako naman manlibre sayo eh" nakanguso nitong sabi na ikinatawa naman ng binata.

"Sus, wala yun" ramdam nitong bumilis ang tibok ng puso nito kaya naman umiwas agad ng tingin si Julia at huminga ng malalim.

"Nasan na ba sila Troye?" Tanong ulit nito. Kakatanong pa lang ni Julia nang tumunog naman ang phone ni Elijah kaya kaagad niya itong kinuha mula sa bulsa niya.

"Nakauwi na daw sila. Nahilo daw kase si Lucy" sabi nito habang binabasa ang text message mula kay Troye.

"Ano?! Talaga naman oh" hinila niya ang kamay ni Elijah kaya naman napatingin ito sa kamay na hawak ng dalaga at muling napangiti.

TO BE CONTINUED..

❛Bread❜┇C.SB x C.JS✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon