🍞forty-six

515 43 2
                                    

ELIJAH

"Akala ko ba camping? Pota bakit nasa resort tayo?" Tanong ko sa kanila.

"Izza prankkk! Saka camping naman 'to ah? Pinasosyal lang" sigaw naman ni Sunshine. Pota, di ko rin alam kung bakit naging kaibigan ko 'to eh.

"Alam niyo wag na kayong mag-inarte. Paparating na din sila Kuya mamaya. Kumain na tayo" nagsi-ilingan na kami sa sinabi ni Sunshine.

"Julia!" Tawag ko sa kanya nang makita ko siya sa may tabing dagat.

"Hindi ka pa kakain? Tara sabay na tayo" paga-aya ko sa kanya pero ngumiti lang siya.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Naga-alalang tanong ko.

"Wala, Elijah" I don't know pero it feels good kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko.

"You can open up with me, Juls. We're friends diba?" Nag-cross arms lang siya at saka mahinang tumawa. Himala, hindi niya ata ako inaaway ngayon.

I mean hindi lang ako sanay na ganito kaming dalawa. Usually hahampasin niya at sisigawan ako para umalis ako pero she's different now.

"I just don't know, Elijah. Gusto ko ng kausapin si Papa. I just... Miss him" napangiti naman ako at inakbayan siya.

"Alam mo, Juls. Walang mali sa pagpapatawad. And your father? He just wants to give you a better life to live. Naalala mo yung naabutan tayo ng parents mo? I talked to your father and na-touch ako sa ginawa niya para sayo. Wag kang maga-alinlangan. Follow what your heart wants" sabi ko sa kanya. Napatingin din siya sa akin na dahilan para magkatinginan kami.

Her eyes were very beautiful. Parang dagat, nakakarelax tignan. This was one of the reasons kaya nagustuhan ko siya eh. She maybe cold outside pero kapag nakilala mo siya ng tuluyan, she was very warm and kind.

"It's time to heal your heart. Palayain mo na lahat ng sakit sa puso mo. Magmahal ka lang ng magmahal" nakangiting sabi ko sa kanya.

"I will. Thank you, Elijah. You helped me to be myself again" hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya.

"Julia.."

THIRD PERSON'S

"Julia..." Muling napalingon si Julia nang seryoso siyang tawagin ni Elijah.

"Hmm?" Bumitaw sa akbay si Elijah at hinarap si Julia. He held her hand at saka ngumiti.

"Julia, nagsimula lahat nung nagka-crush ako sayo. Nagka-gusto ako sayo hindi lang dahil sa maganda ka" hindi alam ni Julia ang mararamdaman sa sinabi ni Elijah. Tumibok ang puso nito na para wala ng bukas sa sobrang bilis. She never felt like this to any other men.

"Humanga ako sa katapangan at kabaitan mo. You are very very different. Simula pa lang alam ko nang iba ka sa ibang babae. You are unique just the way you are" nakatingin lang sila sa isa't isa ng seryoso.

"Akala ko hanggang dun lang yun. Crush lang. Pero habang mas nakikilala kita, nag-iiba eh. Iba yung saya kapag kausap at nakikita kita. I've never felt like this before. Ikaw lang ang nagparamdam nito sakin"

"Julia.." mas lumapit ito at ngumiti. He lift up her chin at tumingin ng diretso sa mata nito.

"I think I am falling in love with you" when he said those words, para bang nag-diwang ang puso niya sa sobrang saya. She didn't expected it.

"Hindi mo kailangan mag-madali. I will be waiting for you. Kahit gaano pa katagal. Maghihintay ako, master"

TO BE CONTINUED..

❛Bread❜┇C.SB x C.JS✔️Where stories live. Discover now