🍞fifty-five

524 38 0
                                    

JULIA

"Arghhhh!" Reklamo ko ng marinig ang malakas na alarm ko. Jusko, bwisit na Elijah 'to. Anong oras na tuloy ako nakatulog.

Ngayon na pala yung alis namin pauwi. Pero infairness, nag-enjoy naman ako dito sa outing.

Napabangon ako at tumingin sa paligid. Iniwan na naman ako ng mga gaga. Malamang kasama na naman ng mga yun yung mga jowa nila. Tss

Agad kong tinali ang buhok ko pataas. Yung bun. Papasok na sana ako ng cr pero naka-lock yun. Naririnig ko rin ang pag tigil ng shower sa loob.

"Sunshine?" Tanong ko pero walang sumasagot doon. Baka naman hindi si Jullien 'to kaya hindi sumasagot.

"Jullien?" Sabi ko ulit pero hindi na naman ito sumasagot. Ilang sandali lang ay nakarinig pa ako ng yabag. Sigurado akong lalabas na siya. At mukhang tama ako dahil narinig kong may kumalikot ng lock at nag-bukas pa ng pinto.

Napaangat ang tingin ko at halos malaglag ang panga ko nang makita kung sino ito.

"Good morning!" nakangiti niya pang bati sa akin. Seriously?! Nagawa niya pa talaga akong ngitian ha!

"P-pwede bang mag-bihis ka muna?" Tanong ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Waaaahh! Pakiramdam ko, unti-unti nang nagkakasala ang mga mata ko sa kanya huhu.

"Bakit? Naaakit ka ba?" Pilyo niyang wika. Nanatili lang akong nakatingin sa ibang direksyon. I felt my cheeks started to heat up.

"A-ako? Naaakit? Hindi 'no! A-ang kapal mo!" Tanggi ko. Wtf Juliaaa! Bakit ka ba nauutal?! Lalo kang aasarin niyan eh.

"So bakit ka namumula?" nakangisi niyang tanong sakin. Umatras ako at pinipilit na magkaroon ng malaking pagitan saming dalawa. But this bijj keeps on stepping forward sa tuwing aatras ako.

"Elijah Choi! Tigilan mo nga!" Nakaiwas parin ang tingin ko. I don't know pero nakakaramdam ako ng hiya.

"What if I don't? Anong gagawin mo?" Napatingin ako sa kanya only to find out na ilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.

Hindi ako makapag-salita dahil pakiramdam ko ay konting galaw ko lang ay magkakaroon ng hindi magandang pangyayari.

"Bakit hindi ka makapag-salita?" Pang-asar niya pa sakin. Siraulong 'to! Hindi ako makapag-salita kase ang lapit ng mukha mo sakin! Halimaw ka!

Sinubukan kong umatras ulit pero hindi ko napansin kama na pala yung nasa likod ko kaya kaagad kong nakuha ang braso niya.

THIRD PERSON'S

Nakuha ni Julia ang braso nito. Dagli itong napapikit nang maramdamang babagsak silang dalawa.

She immediately opened her eyes at halos hindi ito makahinga ng maayos nang makitang magkalapat ang labi nilang dalawa. Elijah was on top on her at nakita niya rin kung paano manlaki ang mata nito.

"Julia, kakain na—" napatigil sa pagsasalita si Lucy sa nakita niya.

"J-julia??" Napalingon ang dalawa at nanlaki ang mga mata nang mamataan nila si Lucy na gulat na gulat din.

"L-lucy, i-it's not what you think!" Kaagad na tinulak ni Julia si Elijah at sinundan si Lucy.

"GUUUUUYS! NAGDADALAGA NA SI JULIAAAAA! WAAAAAAAAHHHHHHH!" sigaw nito pababa.

"Jusko Lucy, ano bang meron? Muntik na ako atakihin sa sigaw mo" masungit na tanong ni Jullien.

"S-si Julia s-saka Elijah" napaupo ito at parang bulate na kinikilig. Nagtatakang nagkatinginan si Jullien at Sunshine nang makita nila ang nakababata.

"Sana ayos ka lang" tanging nasabi ni Shantal kay Lucy.

"LUCY!" sigaw ni Julia at hingal na hingal pa ito.

"A-ano bang meron?" Nagtataka paring tanong ni Sunshine.

"OMG!!!! Sorry Lia. Nakaabala pa ako sa kissing session niyo ni Elijah" pang-asar ni Lucy habang tinutusok-tusok ang tigiliran nito.

"K-kissing Session?!" Sabay na sigaw ng tatlo.

"Anong meron?" Pambungad na tanong ni Yohanne kasama sila Brix.

"Hindi naman sinasadya yun! Promise aksidente lang yun" defensive na sabi ni Julia.

TO BE CONTINUED..

❛Bread❜┇C.SB x C.JS✔️Where stories live. Discover now