🍞sixty-one

444 35 1
                                    

JULIA

"Asan si Elijah?" Tanong ko nang makita ko sila Troye na papalapit sa table namin.

"Yieee hinahanap niyaaaa" pang-asar ni Troye sakin.

"Palibhasa walang naghahanap sayo" sabi ko sa kanya at inirapan siya.

"Unnieeee! Nakita mo si Kuya Troye?"  sabay pa kaming napatingin nang dumating si Lucy.

"Ayan oh. Nasa harap mo lang" nakangisi kong sabi sa kanya. Nginitian naman siya agad ni Lucy at hinila papalabas ng Cafeteria.

hmMmm

"Nyare dun?" Tanong ni Kairo. Nagkibit-balikat lang ako at ngumisi.

"Juliaaaa!" napatigil kami sa pagu-usap ni Kairo nang may tumawag na naman sa akin. Napalingon ako at nakita si Jullien na hingal na hingal. Layo siguro ng tinakbo nito.

"Bakit ba?" Tanong ko ng makarating siya sa table namin.

"Kailangan mong makita 'to" sabi niya pa at hinila ako patayo.

"T-teka lang! Kairo, una na ako ah!" Nag-salute lang sakin si Kairo saka ako muling hinila papalabas ng Cafeteria.

"Jullien! Ano ba kase yun?!" Tanong ko ulit pero hindi niya ako inimik at dinala lang ako papunta sa Soccer Field.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko at hingal na hingal pa. Jusmiyo. Maaga akong magkakasakit dito kay Jullien eh!

Napatingin ako sa kanya at nakita kong nag-aalala niya akong tinignan. Problema nito?

"Ano bang meron?" Tanong ko ulit for the 4th time at konti na lang talaga mababatukan ko na siya. May tinuro siyang direksyon sa field kaya dagli akong napatingin sa tinuro niya.

THIRD PERSON'S

Hindi alam ni Julia ang mararamdaman nang makita niya kung ano ang tinuro ni Jullien.

It was Elijah, with another girl.

Napailing siya dahil sobra ang tiwala niya kay Elijah at alam niyang hindi ito magagawa ni Elijah sa kanya. Tahimik din ang buong field at malapit din sila sa direksyon na tinuro ni Jullien kaya rinig nito ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Mas lalo kang gumanda" puri ng binata sa babaeng kasama nito.

"Julia" rinig niyang banggit ni Jullien. Hindi niya ito pinansin bagkus ay nanatili lang ang tingin nito sa dalawa.

"I miss you, Eli" nakangiting sabi ng babae kay Elijah at niyakap ito.

Nakaramdam ito ng paninikip ng dibdib sa nakita. Hindi niya alam ang mararamdaman pero mas nangingibabaw ang hapdi na nararamdaman niya sa kanyang puso. Kung kailan naman kase siya nagtiwala ulit, dun na naman siya nasaktan. Kaya simula pa lang hindi niya na gustong magtiwala sa kahit sino pwera sa kaibigan at pamilya nito.

"Julia, sorry" napalingon ito kay Jullien at ngumiti ng pilit. She doesn't want to show her na nasasaktan siya. She wanted herself to be stable kahit pa sobrang sakit na ng puso niya.

"It's okay, Juls. Atleast nalaman ko nang mali ako ng pinagkatiwalaan" sabi nito saka pinunasan ang luha at naglakad papalayo.

She doesn't want to believe na baka pinaglaruan lang siya ni Elijah pero based on how close they are, baka nga Elijah was only playing with her.

"Oh? Julia!" Rinig niyang tawag sa kanya ni Yohanne at Sunshine pero hindi niya pinansin ito at naglakad para lampasan silang dalawa. She wants to be alone for a moment. Gusto niya munang ilabas ang lahat ng hinanakit niya.

"Julia! Anong nangyare?" Naga-alalang tanong ni Changbin nang makarating ito sa park kung saan naroon si Julia.

"What happened? Bakit ka umiiyak? Sinong nagpa-iyak sayo?" Tanong muli nito at umupo sa tabi ng dalaga. Hindi ito nagsalita at yumakap lang sa binata.

"Julia" she doesn't answer ngunit ilang sandali lang ay nakaramdam ito na unti-unting nababasa ang shirt nito.

"Hey, feel free to tell me everything okay?" Sabi ni Changbin habang hinihimas-himas ang likod nito.

"Pinagkatiwalaan ko siya, bin. Nagtiwala ako sa sinabi niyang mahal niya ako"

"Pero siguro nga napagod na siyang mag-hintay sakin kaya nag-hanap na siya ng iba" as her friend, nalungkot din ang binata sa sinabi nito.

"Alam na ba ni Felix?" Tanong niya. Umiling ang dalaga.

"Please don't tell him. Magagalit yun kay Elijah. And I don't want that to happen. Promise me that Changbin" ngumiti ni Changbin ng malungkot at tumango sa kaibigan.

"I promise"

TO BE CONTINUED..

❛Bread❜┇C.SB x C.JS✔️Where stories live. Discover now