🍞fifty-one

469 44 0
                                    

JULIA

"Guys! Spin the bottle tayo!" Pag-yaya ni Sunshine sa amin.

"Tara taraaa! Basta kung sino pumili ng Dare, dapat iinom muna" Pagsang-ayon naman nila Rian sa kanya. Nagform kami ng circle. Sila Jeongin, Seungmin, at Woojin ay hindi sumali at nakaupo lang sa likod namin.

"Sunshine, spin mo na" utos ni Jullien sa kanya kaya naman ipinaikot niya ito at tumigil ang opening kay Rian habang ang kabilang dulo ay kay Sunshine.

"Truth or Dare?" Tanong ni Sunshine sa kanya.

"Truth!"

"Gaano mo ka-mahal si Ate Maine?" Tanong ni Sunshine sa kanya. Ngumiti si Rian kaya pinagbabato siya nila Christian ng maliliit na pebbles.

"Mahal na mahal" proud na sagot nito. Napangiwi naman sila Sunshine. Pfft, napaka-unsupportive talaga nitong babaeng 'to minsan.

"Next na guys!" Sabi ni Minho.

Tumapat kay Minho ang opening at kay Changbin naman ang kabilang parte.

"Truth or Dare?" Natatawang tanong ni Changbin. Halatang may ka-demonyohang gagawin 'tong isang 'to.

"Dare!" Nagsipalakpakan kami sa kanya. Ang tapang nito. Talagang kay Changbin pa nagpa-dare

"Shot munaaa" sigaw ni Rian at binigyan ng isang shot glass na puno ng gin si Minho.

"Lap dance ka kay Jisung for one minute HAHAHAHAHAHAH" sabi sa inyo demonyo talaga eh.

THIRD PERSON'S

Kaagad na lumapit si Minho kay Jisung at sinimulan ang pag sayaw. Napa-Ohhh naman silang lahat. Napapikit lang ng mariin si Jisung habang naka-cross ang dalawang daliri nito. Malakas na tawanan ang bumalot sa lugar dahil sa pinaggagawa nila.

"Oh happy na kayo?" Sarkastikong tanong ni Minho ng matapos itong mag-lap dance kay Jisung.

Muling ipinaikot ni Sunshine ang bote at tumama ang opening nito kay Troye habang kay Brix naman ang kabilang dulo. Napangisi ito nang makita ang resulta. Nagkunwari itong nagaayos ng balbas kahit pa wala tapaga siya nun.

"Truth or Dare?" Nag-isip sandali ang binata at napabuntong-hininga.

"Truth" diretsahang sabi nito. Mas lalong napangisi ang binata nang makaisip ng itatanong kay Troye.

"Did you ever felt na nagkakagusto ka na kay Lucy? I mean kahit crush" nagulantang naman si Troye sa tanong ni Brix. Sandali itong napatingin kay Lucy at nakitang nakayuko lang ito.

"Wala. Kapatid ang turing ko kay Lucy" nanatiling tahimik ang lahat. Muli itong napabaling ng tingin sa direksyon ni Lucy at nakita itong nakangiti. Hindi lang simpleng ngiti, ngiting sumisigaw ng kalungkutan.

"Guys, guys, move on!" Agaw attensyon ni Rian sa lahat.

For the third time, muling pinaikot ang bote at this time tumama ang opening ng bottle kay Felix at ang kabilang dulo kay Christian. Napangisi din ito at tinignan ng makahulugan si Christian.

"Truth or Dare?" Nakangisi paring tanong ni Christian. Bigla na lamang kinabahan si Changbin sa ngisi ni Christian, para itong may binabalak na hindi maganda.

"Dare" matapang na sagot ni Felix. Pinainom muna siya ni Rian bago magsabi ng dare si Christian

"Syempre galing ka ng Australia diba? Kiss the person on his/her cheeks kung sinong pinaka-namiss mo samin" nanatili ang kakaibang ngisi ni Christian as he watched Felix stood up. Sandali itong nanatili sa kinatatayuan niya bago naglakad papalapit sa direksyon ni. . . Changbin

Lumuhod ito sa harap ni Changbin at walang ano ano'y hinalikan ito sa kanyang pisngi. Hindi makapag-sink in sa utak ni Changbin ang ginawa nito sa kanya at natulala na lamang.

"Yieeeee! Namiss mo pala si Changbin hyung ah" sigaw ni Jeongin. Pati sila Sunshine at Julia ay nakisali na din sa asaran nila.

"Tama na nga! Paikutin niyo na ulit yan" utos ni Changbin sa kanila.

"Sus, kinikilig ka lang" makahulugang pang-aasar ni Rian bago paikutin muli ang bote.

Tumigil ang opening nito kay Elijah at kay Changbin naman ang kabila. Kung kanina ay tahimik ito, ngayon naman turn niya na para ngumisi. Napalingon ito kay Julia at nakitang pinandilatan siya nito.

"Truth or Dare?" Tanong nito.

"Dare" buong lakas na tugon ni Elijah. Inabutan siya ni Rian ng alak at nilagok ito kaagad. Napa-Ohh muli sila sa ginawa ni Elijah.

"Kung may nagugustuhan ka dito, tell her name at sabihin mo kung paano mo siya nagustuhan" nagsigawan muli sila sa dare ni Changbin.

"Talino mo, bin!" Sigaw ni Rian at nakipag-apir pa sa binata.

"Nagustuhan ko 'tong tao 'to not because of her looks. I mean matagal na akong may crush sa kanya kase kahit ang sungit sungit niya sakin, I can't hate her. She already caught my attention from the very start. Honestly, thankful ako dahil eto ang binigay na dare sa akin. I want to express how much I like her. We can see how cold she was on the start pero kapag nakilala mo siya, hahanga ka sa personality niya" nakikinig lang silang lahat sa bawat sasabihin ni Elijah. At the same time, may isang kinakabahan for him.

"I just want to tell you na andito lang ako palagi kapag may problema ka. Handa akong patawanin ka kapag malungkot ka at iparamdam sayo na may nagmamahal sayo. I love you.."

"..Julia Choi" napuno muli ng tili at sigawan ang lugar nang mabanggit ni Elijah ang pangalan ng pinakagugusto niya.

Walang ibang marinig si Julia kundi ang tibok ng puso niya. She was still suprised kahit pang alam niyang siya at siya lang ang pagalaanan ni Elijah ng confession niya ngayon.

TO BE CONTINUED..

❛Bread❜┇C.SB x C.JS✔️Où les histoires vivent. Découvrez maintenant