31| finally together

100 24 91
                                    

Napahawak ako sa dibdib ko, para akong nanlumo. Biglang sumikip ung paligid, parang hindi ako makahinga.

This can't be..

Hindi ito puwede mangyari.

"Hershey, what the—"

Inalis ko ang pagkakahawak sa'kin ni Chase at dire-diretsong pumasok sa loob ng hospital room. I felt like there was a huge lump that formed inside my throat. I felt my whole body froze, nanatili ang tingin ko sa katawang nakatakip pa rin ng kumot. My gaze lingered, hindi.. Hindi puwede.

"Miss, I'm sorry po, family member ka rin po ba?"

Wala ako sa wisyong tumingin sa nurse na humarang sa harapan ko, kumunot ang noo ko nang makitang may pamilyang naroon sa gilid ng pasyenteng nasa hospital bed.

"I... I—"

"Ikaw! Kabit ka siguro ng asawa ko! Walang hiya ka, talagang may gana ka pang magpakita rito—" halos malagutan ako ng hininga nang iharang agad nila Lucas at Chase ang sarili nila para hindi ako maabot ng babaeng umaambang sabunutan ako.

Tila nagkagulo sa loob ng kwarto ng ospital na 'yon, pati ang mga nurses nagulantang sa nangyari at pilit na pinapakalma ang babaeng nagwawala sa harapan namin. Tulala akong nakatingin sa harapan, naguguluhan ako.. My knees still felt weak so I stumbled backwards.

Hindi ko maintindihan...

"Wrong room Hershey, wrong room," Lucas groaned, sinalo niya halos lahat ng paghahampas ng babae.

Nakakunot pa rin ang noo ko nang balingan ko ng tingin si Chase na nagpipigil ng tawa, pero halatang nahihirapan na rin dahil sa mga hampas na binibigay ng babae na patuloy pa ring nagwawala.

Oh my goodness..

My eyes widened in realization. Akala ko.. Akala ko si Calixto 'to.. Napatakip ako sa bibig ko at nagpalinga-linga, a yelp escaped my lips when someone suddenly grabbed my wrist, dragging me out of the chaos I started in that hospital room.

"You actually thought I was dead?"

My heart skipped a beat as Calixto appeared in front of me. Para akong naiiyak.. Sobra na atang nalunod ng emosyon ang buong ako kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. I let my arms slip its way to his torso, medyo nanginginig pa rin ako nang yakapin ko siya.

"I... Thought you—" I was cut off by my own hiccup.

Hindi ko alam kung bakit pero dahil kanina ko pa pinipigilan ang pagiyak ko, sobra na siguro itong namuo sa loob kaya sumabog na ako ngayon. I felt Calixto weakened his stance as he heard my silent sobs, onti-unti niya akong yinakap pabalik habang marahan niya hinahagod ang likod ko para patahanin ako.

"A-akala ko... Wala ka na," my voice broke as I buried my face deeper on his chest.

I couldn't believe myself too, pero hindi ko mapigilan.. Parang nawala na ako sa sarili ko, lalo na nang marinig kong may pumanaw na. Agad na pumasok sa isip ko na si Calixto 'yon. Hindi ko maproseso ng mabuti, parang hindi kinaya ng katawan ko. Kung totoo man na siya 'yon... Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam.. Hindi ko talaga alam.

"Shh, handito ako. Handito lang ako," he whispered, tightening his hug.

Embarrassment, anger, sadness aswell as happiness. Lahat 'yan hindi ako makapaniwalang nararamdaman ko all at the same time, parang sasabog na 'yung puso ko any time dahil sa mga nangyayari.

I just couldn't process everything all at once.

Parang bumalik 'yung trauma ko sa mga ospital, mas nanikip ang dibdib ko nang makita ko si Mama sa pagpikit ko ng mga mata. The pain all just came back, everything was fresh again. My heart started thumping non-stop, nanikip ang dibdib ko, my breathing was already constricted. I knew, I was having a panic attack.

Le PenchantWhere stories live. Discover now