16| ilysb

162 45 41
                                    

Hindi ko alam kung pa'no ako nakarating dito, but nevertheless, this is where feet dragged me. My eyes roamed around the bar, I saw a vacant table near the stage where a band was playing. I looked so under dressed, hindi na ako umuwi pa at dumiretso na agad rito, just wearing a pair of jeans and my racerback tanktop.

Wala ako sa sariling na-upo roon, I raised my hand, and in my delight, someone immediately assisted me.

"Buong bote ng Black Label, isang bucket rin ng ice," I muttered.

Tinaasan ko ng kilay ang waiter na nag-aassist sa'kin nang makita ko ang pag-aalangan sa mukha niya, natakot ata sa ekspresyong binigay ko kaya agad naman siyang umalis sa paningin ko.

Tinignan ko lang ang cellphone kong kanina pa ang pagtunog, pinatay ko 'to ng tuluyan nang dumating na ang waiter sa harap ko, kasama ang alak at yelo na inorder ko. Tinanguan ko siya at hinayaang umalis na.

I poured myself a fair amount of alcohol, tiniis ko ang mapait na lasa nito at ninamnam ang mainit na pagguhit nito sa lalamunan ko. Kinapa ko ang sing-sing na tinago ko sa bulsa ng pantalon ko, I laughed bitterly while I stared at it.

I just wanted to be happy, I never intended to look this selfish.

Paano ako magtatagal sa relasyong hindi na ako masaya?

Hindi naman ako nagpapakabiktima, pero hayaan naman sana nilang marinig ung parte ko sa storyang 'to, 'porke ba nang-iwan masama na?

Hindi niyo 'manlang ba naisip na ilang beses namin 'yong kinimkim sa utak namin, nag-aalangan na baka mali rin pala kami? Alam ko 'yong takot, alam ko 'yong sakit, pero ginawa ko pa rin. Kasi alam kong hindi lang naman para sa'kin 'yon, 'kundi para sa kaniya rin.

Hindi naman totoo 'yong katangahang, 'I just woke up one day and knew that I didn't love you anymore', the emotion lasted more than a day, more than a month, more than a year!

Halos bawat araw alam mong may kulang, hindi mo naman ma-amin, maski sa sarili kasi 'yon na ang nakasanayan, 'yon na ang nakagawian. So you push those feelings away, denying everything to yourself over and over again.

Nagpapakabayani ka para lang maagaw mo 'yong sakit na puwedeng maranasan ng iba, kasi kapag umamin ka alam mong masasaktan lang rin sila, pero sa huli, anong mangyayari? Talo ka pa rin. Hindi mo na nga nasalba yung inyo, hindi mo pa nasalba ang sarili mo.

So tell me, paano ko maipaglalaban 'to kung mismo 'yong sarili ko ang kalaban ko? How can I win with this never-ending battle with myself, kung sa simula pa lang naman ay talo na 'ko?

Mas pipiliin mo bang mahalin ka ng pilit, 'yong kalahati ng puso mo lang ang mabibigay mo? Kasi kung ako ang tatanungin, ayoko.

Mahalin mo ako kasi mahal mo ako, hindi dahil mahal lang kita. Kasi kung gano'n lang rin naman ang sitwasyon ng relasyon niyo, wala kayong pinagkaiba sa mag-asawang nangangaliwa.

Naglolokohan lang rin kayo.

Hindi ko namalayan ang pagtakbo ng oras, the next thing I knew, the bottle of alcohol is only one shot away to being empty. I was already drunk, I was intoxicated.

"Anyone who would want to request a song?" The band's vocalist announced on-stage, I hummed, my eyes fluttering open.

My hand sloppily raised up, napatingin naman ang vocalist sa'kin pati ang iba pa niyang mga ka-banda, they looked shocked. Pero wala na silang nagawa nang tumayo ako, agad akong napahawak sa ulo ko, biglang umikot ang paningin ko.

Damn, nahihilo ako.

"W-wait!" I shouted, slurring the words.

Bahagyang tumahimik sa bar, kahit lasing na 'ko alam kong maraming nakatingin sa'kin, I couldn't think straight. All I know is that I wanted to sing up-front.

Le PenchantWhere stories live. Discover now