23| groceries

118 32 153
                                    

"Ready ako tuparin 'yang pag-blackmail mo kay Morocco," seryosong saad ni Shirley.

I laughed lightly, nakita ko namang napatango rin si Gen at Vince, sabay pa. Kumuha ako ng unan at binato sa kanila, nasa isang side kasi sila ng sofa.

"What? Totoo namang hindi pa nabubura ung nagkalat niyang scandal sa section ng boylet ko dati."

Iisa lang kasi ang university naming lahat dati, 'e since pinanganak na malandi 'tong si Shirley, naging connections namin ung mga lalake niya sa iba't ibang building dati. That's why nalaman namin ang tungkol sa ginawang kadesperadahan ni Georgia no'ng college siya, we didn't bother to mention it when Alonzo was still around. Tutal, kaibigan pa rin ang tingin niya ro'n despite everything.

Nabalitaan niya kaya ang nangyari?

Kung ganon, ano kaya ang naging reaksyon niya?

"Kapag naging pasyente ko 'yan bahala siya mag-fifty-fifty sa harapan ko," dumagdag pa si Gen.

"Wag naman ganon mahal, mawawalan ka ng licensya!" Pailing-iling pa na sabi ni Vince, nakangiti nalang ako habang nakikinig sa kanila.

Si Hera at Sage naman ngayon ang wala, masyado na kasing nagiging busy ang kompanya ng South-Rim. Palagay ko, tinatago pa nila sa'min ni Shirley na magiging shareholders sila ng firm na pinapasukan namin. No use naman na, dahil nabanggit na ni Calixto sa'kin.

"Magiging doktora ka pa Gen," I snickered.

Hindi kasi sila natuloy kahapon sa pagbisita, dahil full day nga ako sa site. Okay na rin, atleast nasaktuhan pang maluwag ang schedule ni Gen sa medschool, at nakaday-off pa 'ko ngayon.

"Tapos na 'di ba? Bayaan niyo na, wag na natin sila intindihin," mahinahon kong sabi.

"Pa'no kaya kung mas nauna ka pang tanggapin ng South-Rim kay'sa sa firm mo ngayon? Aguy, ma-isyu ka kay Sage! Lupet sir!"

Minsan, gusto ko nalang talagang itape pagmumukha ni Vince. Napaka-ingay kasi.

"Oo nga, bakit mo ba kasi tinanggihan rin sila Tito no'ng inaalok ka nila ng puwesto, pagtapos ng pagtanggi mo sa F&I Enterprise?" Nagtatakang tanong ni Gen.

Umayos naman ako sa upo at tinignan si Shirley. Alam naman niya kasi ang sagot.

"Alam mo kasi ung... Gusto mong matanggap ka sa trabaho ng hindi dahil sa may mataas kang koneksyon do'n? Tanggapin nila ako dahil sa kakayahan ko... Hindi dahil sa ibang tao," pagpapaliwanag ko habang yakap-yakap ang unan sa sofa.

Tumango-tango naman silang lahat, marahan akong nginitian ni Vince. Alam niya 'yon, naiintindihan niya rin.

"Hindi naman nagsisisi 'yan sa QEQ!" Tili ni Shirley.

Inambahan siya ng sapak ni Vince dahil sa kaingayan niya, I giggled when I saw her stuck a tongue out para mas lalo pang maasar si Vince. Sinitsitan naman sila ng dakilang referee nila, si Gen.

"Tignan mo naman ngayon head director na, dami pang on-going projects, nakapunta pa sa ganitong condo! Ka-condo pa ang bagong jowa-" napasigaw si Shirley nang batuhin ko siya ng malaking unan, direkta pa mismo sa mukha niya.

Ako'y nasestress lalo.

"Oy! Anong bagong jowa choco?"

Napairap naman ako at tinapunan ng matalim na tingin si Shirley, she did a peace sign, tinago pa ang mukha niya sa ilalim ng unang binato ko.

"Oy!"

Lumingon ako kay Vince at nagpakawala ng nerbyos na pagtawa.

"Wala," I shook my head, denying it.

Le PenchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon