28| harana

119 30 52
                                    

"Nako, si Miss E, Kunyari pa 'yan. Mami-miss rin naman ako!"

Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang likod ng kamay ko at lumingon kay Dylan. Umiling ako habang ngumingiti sa kaniya.

"Sa firm ka pa rin naman magtatrabaho, once napasa mo ang boards," I told him.

Which is true, dahil naka-set na ang lahat ng kontrata ni Dylan sa Quali El Quali. Siya lang kasi 'ata 'yung kinatuwaan at naging paborito ng mga Sommerreux sa lahat ng scholar nila. I couldn't blame them, nagkaro'n din ng magandang resulta ang pagkabibo ni Dylan, masipag pa siya at matiyaga. I know he'll come a long way, graduation na niya sa linggong 'to, tapos 'di niya mapapansin magtetake na siya ng board exam. Time will by so fast.

"Yiee, si Miss E, miss na 'ko kaagad!"

I rolled my eyes playfully, tumayo ako sa putikan at binatukan siya. Napangiwi naman siya sa sakit, natawa nalang ako at pinagtuonan ng pansin 'yung trabahador naming tumawag sa'kin. Tss, ang dami kasing kalokohan.

"Oh kuya, bakit?" Tumango ako sa lalaki.

"Engineer, pinapatawag raw po kayo ni ser Calixto, nagkakaproblema po kasi sa materyales," tinuro niya 'yung kadulo-dulohan ng site, kung nasa'n si Calixto, kasama ang mga engineers ni Mr. Pangilinan.

Sinundan ko ng tingin 'yung kamay niya, my eyes automatically focused on Calixto. Hindi ko maiwasang mapansin ang hitsura niya. His lips were more tinted than usual, maybe it was because of the heat. Pawis na pawis ang buong katawan, halatang pagod na at naiinitan. But I'm impressed on how he managed to still look that good.

"Ma'am?" Pagtawag ng trabahador sa atensyon ko.

"Ay tulala," bungisngis ni Dylan, na nasa tabi ko na pala.

Pasimple ko siyang hinampas, he gave me a sheepish smile.

"Sabi ko nga, Miss E. Do'n muna ako sa tent," hindi na niya ako hinintay magsalita at umalis na.

I shook my head lightly. Nasa tent kasi si Aya kaya ganiyan 'yan.

"Tara na, kuya."

Dumiretso kami sa dulo ng site, pinagmasdan ko kung paano maging abala ang mga co-engineers ko sa pinaguusapan nila. Habang papalapit ng papalapit, napapansin ko nang nagkakataasan na ng boses do'n, kaya binilisan ko na ang paglakad kahit mahirap dahil putikan nga rito.

"Engineer Alvarez, matagal ko nang in-order ang mga 'to! Bakit tayo pa ang nagsisisihan? Sinusunod lang naman kita!" One of Mr. Pangilinan's engineers— Engineer Pineda exclaimed.

"Excuse m—" naputol ang sasabihin ko nang pahintuin ako ni Calixto, he gave me a tired smile. It was as if he was pleading me to not get in the middle of the fight.

"Ayun nga, Pineda! Susundin mo na nga lang ako, hindi mo pa magawa ng tama!" Engineer Alvarez barked out.

Kumunot ang noo ko, silang dalawa na nga itong magkasama sa isang kompanya pero sila pa 'tong nag-aaway.

"Engineers, cut it down. Let's manage this like adults," Calixto intervened, he looked equally as stressed like the others. But he's Calixto, hindi siya basta-basta nagagalit.

"I'm sorry for this inconvenience, Mr. Quali-Sommerreux," Engineer Alvarez bitterly said, shooting a glare to his partner. "Kami na lang mismo ang kukuha ng mga materyales sa Maynila, para hindi tayo ma-delay."

Tumingin ako sa relos ko at napatango, mukhang na-gets ko nanaman ang problema rito. Inako na kasi ng kompanya ni Mr. Pangilinan ang first wave of expenses, kaya sa kanila talaga ang sisi kapag na-delay ang construction ngayon.

Le PenchantWhere stories live. Discover now