12| band-aids and ointments

176 53 41
                                    

"Wag mo na ako hintayin mamayang gabi girl ah, may night out kami ng mga ka-workmates ko," Shirley reminded me nang makasakay kami sa sasakyan niya.

I nodded, not really listening, ang buong atensyon ko ay nasa files na laman ng folder na hawak ko. Nawala ang pagkakunot ng noo ko ng bigla akong kinurot ni Shirley, I yelped in surprise, nawala tuloy ang binabasa ko! Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ako na kasi naaawa sa noo mo girl, maaga ka na ata magkaka-wrinkles sa ginagawa mo. Kagabi ka pa stressed, nakakaloka!" She exclaimed.

Even throwing her hands up just to emphasize her point, my eyes widened, pero agad rin niyang binalik sa steering wheel nang makita ang reaksyon ko. "Mag-drive ka nga ng maayos," I glared at her, she sheepishly smiled at me.

"Pinapahirapan ka ba ni papi Calixto? Nako girl! Gusto ka talaga no'n," pangaasar pa niya.

I rolled my eyes, halos wala na siyang ibang naging bukambibig 'kundi si Calixto nang malaman niya ang tungkol sa promotion ko. Dalawang araw na rin nang umalis ako sa condo, sampung eviction notice pa ang nakatapal sa pinto ng unit ko. Utos raw yon ng nanay ni Alonzo, para mapahiya at mapag-usapan ako sa buong complex, like her scandalous behavior wasn't good enough to make me the talk of the whole building.

Wala namang ibang nangyayare sa apartment ni Shirley, halos araw-gabi lang kaming nagbabangayan, lagi naman akong napipikon kasi laging si Calixto ang pinangbabara niya sa'kin.

"Puro ka Calixto, kamukha mo na," I shook my head, eventually closing the folder I'm holding.

Hindi ko talaga maintindihan ang ginawang floor plan ng isang architect na inatasang magsubmit sa'kin, halos lahat magulo, iniisip ko na nga lang na baka lasing siya nung ipinasa niya 'to sa'kin.

Hindi ko naman dapat 'to pinoproblema pero eto na ang iniwanang trabaho ni Calixto sa'kin, but who was I to even complain? Siya na nga 'tong nagdesisyon na i-promote ako mismo sa posisyon ng dating head director na isa sa mga area na coverage niya.

Turns out, naging biglaan ang pag-resign ni Mrs. Ramirez sa pagka-head director, maraming naging in-line sa position niya, halos lahat napakatagal na sa firm at sa Civil department. Kaya naman, hindi ko maiwasang mapansin ang pagkadismaya ng marami nang malamang fresh-grad pa ang papalit sa gano'ng kataas na posisyon. Naiintindihan ko naman sila.

Pero kahit naman ako, wala ring ka-alam-alam na mangyayare 'to, ni-wala pa akong isang taon sa firm. Six months of training para maging regular employee, tapos kaka-two months ko palang as an official. Sinong hindi mag-eespekula?

"Bakit, selos ka?" She cooed, raising her brows up and down, I scoffed at her. Hinampas ko rin siya ng folder na hawak ko.

"Pero girl, seryoso, hindi ba masyadong stressful 'yang ginagawa mo? I mean," her eyes turned to look at me briefly. "Alam ko namang kaya mo, you topped the board exams 'no! Pero 'di ka ba mabigla niyan?"

Sa totoo lang, hindi ko rin naman alam kung anong dapat maramdaman ko ngayon. Of course, I'm thankful, kung ano man ang nakita ni Calixto sa'kin ay 'di ko pa rin mapagtanto but I could blame his sense of impulsiveness for that, since medyo bata rin naman ang edad niya. Pero ang pagpayag ng mismong original founders ng firm? Kasama ang tatay ni Calixto na si Engineer Greg? 'Yon ang mas hindi ko maintindihan.

Pero katulad ng sabi ko, sino ba naman ako para tumanggi sa grasya? Especially if my current situation calls for it.

"Kinakaya naman, masyado na nga 'to para sa'kin pero nataunan rin na kailangan ko talaga," I answered, nibbling on my lower lip.

"Who would've known, isa pala talagang malaking bad luck 'yan si Alonzo sa'yo! Kung dati mo pa tinanggal ang ka-toxican niyo sa sistema mo, dati ka pa dapat naging successful," tahimik akong nakikinig kay Shirley, she was just stating out facts.

Le PenchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon