P.O.P 10

1.9K 41 5
                                    

#POPChapter10

"Nakakondisyon na ba talaga yang paa mo Girl? Baka hindi mo pa kaya" sabi ni Jaymee

"Okay na ko Jaymee nakapagtraining na nga ako diba? Kaya ko na Goodluck sa atin bukas" sabi ko

"Sige! Grabe nakakakaba at nakakaexcite"

"Hi Jaymee! Hi Insan" biglang sulpot ni Phillip

"Andiyan na sundo mo Jaymee"

"Oo nga paano ba iyan? See you tomorrow! Pakisabi na lang kay Tita Xandra at Tito Zackrey na manonood sila Daddy at Mommy"

"Sige Ingat kayo"

Laban na namin bukas at kakatapos lang nga ng huling training namin mabuti na lang at okay na tong paa ko. Nitong mga nakaraang araw lagi akong napapangiti sa saya sa tuwing naaalala ko kung paano ako alalayan ni Franz. Mahirap bang paniwalaan? Ako din eh! Pero totoo talaga..

Kinabukasan matapos akong maaksidente nagulat na lang ako ng madatnan ko siya sa may gate ng school tapos naginsist siya na alalayan ako tatanggi pa ba ko? Masasabi ko na naging mabait talaga siya sa akin nitong mga nakaraang araw hindi ko alam kung dahil ba sa kalagayan ko o dahil concern siya sa akin..

Kung ano man yung dahilan niya thankful ako kasi hindi niya ko pinabayaan.

"Nathalee"

Napahinto ako ng marinig ang boses niya at lihim na napangiti. Iniisip ko pa lang siya tapos eto ngayon kasama ko na naman siya.

Lumingon ako para makita siya.

"Uuwi ka na?" Tanong niya

Tumango naman ako

"Sabay na tayo hatid na kita"

Laki talaga ng pinagbago ni Franz! He's being so nice! Ayan tuloy napapaenglish ako ng di oras..

"Ahm hindi na sasabay na lang ako kela Kuya at Angela"

"Kanina pa sila umalis actually your bestfriend texted me"

Nagdate na naman siguro yung dalawang iyon iyan ang hirap kapag may lovelife eh!

"Ah edi magkocommute na lang ako"

"No ihahatid kita" sabi niya at umalis na

Tignan mo to! Naginsist na ihatid ako tapos bigla akong iiwan..

Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makasakay na ko sa kotse niya...

"Okay na ba talaga yung paa mo?" Biglang tanong niya habang nagdadrive

"Oo naman kaya nga makakapaglaro na ko bukas"

"Huwag mong ipapatalo yung team niyo"

"Kailan ko ba pinatalo? Hello! Lagi kaya kaming nananalo at dahil sa akin yun" proud na sabi ko

Bigla naman niya kong tinignan at napailing.

"Wala ka talagang bilib sa akin noh? Eh kung magspike kaya ako ng bola sa harap mo"

"Wala akong sinabi"

"Palusot pa! Manood ka bukas ha!"

"Boring"

Sinamaan ko nga ng tingin..

"Boring?! Hindi mo man lang ba ko susuportahan? Este yung kapatid mo"

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Where stories live. Discover now