P.O.P 40

1K 31 28
                                    

#PresentC40

"Jao"

Nagulat ako pagbukas ba naman ng pinto siya agad bumungad sa akin tapos tinulak niya ko ulit papasok ng kwarto.

"Goodmorning!" nakangiting sabi niya habang kinukurot iyong pisnge ko

Sinamaan ko siya ng tingin

"Goodmorning din!"

"Bakit ang sungit mo umagangumaga oh"

"Andiyan ba si Nay kaya mo ko tinulak papasok?"

Tumango siya

"Hindi pa ba natin sasabihin?"

"Ano sa tingin mo?"

"Jao naman eh"

"Eh kung mamayang gabi na lang kaya? Kasi umagangumaga oh bibiglain natin si Tita"

"Sige na nga"

"Kumain ka na Kate at maliligo na ko"

Lumabas na nga ako ng kwarto at saktong kumakain sina Lance at Nay

"Goodmorning po" bati ko

"Goodmorning anak kain ka na"

"Goodmorning ate"

Tumabi na ko sa kanila at nagsimulang kumain

"Nay pasensya nga po pala kagabi ha biglaan po kasi"

"Okay lang iyon anak nasundo ka naman ni Jao huwag ka magalala sa sahod ko ibibili na kita ng cellphone ng sa ganoon ay may magamit ka na"

"Huwag na po Nay"

"Para may pantext na siya kay Kuya Stephen" pangaasar ni Lance natawa naman si Nay͵ medyo nailang naman ako

Ano kaya magiging reaksyon nila pag nalaman nilang kami ni Jao? Magagalit ba sila? O ano?

"Nay sila Jao at Lance po?" tanong ko

"Hinatid na ni Jao si Lance"

Mukhang iniwan ako ni Jao ah wow lang!

"Sige po Nay una na ko"

"Magiingat ka Kate"

Imbes na iyong report ang iniisip ko ngayon eh si Jao akala ko pa naman sabay kaming papasok pero hinatid naman niya si Lance pero kasi dapat nagpaalam man lang siya nagexpect pa naman ako wala naman pala.

"Ay palaka!"

Bigla kasing may bumusina sa likod ko pagkalingon ko si Jao pala

"Bakit di mo ko hinintay?"

"Wala ka namang sinabi ah iniwan mo kaya ako"

"Naliligo kasi si Tita kanina kaya nakalimutan kong pasabi ayoko namang istorbohin ka hinatid ko lang naman si Lance"

Nagpatuloy ako sa paglalakad

"Kate nagtatampo ka ba?" natatawa niyang tanong at sinundan ako

"Kate naman hindi kita iiwan pwede ba iyon? Huwag ka na magtampo unang araw pa lang natin oh"

Tinignan ko siya bigla siyang ngumiti

Umangkas na ko sa likod

"Kate meron ka ba ngayon?"

Sinapak ko nga dapat ba niyang itanong iyon

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Where stories live. Discover now