P.O.P 26

942 36 14
                                    


Author's Note: Kung ano man ang mangyayari sa mga susunod na chapters ay sana subaybayan at suportahan niyo pa rin. Support for Nathalee :) Salamat! Enjoy reading :]]]

#POPChapter26

Sa lahat ng pagtatapos may kasunod na panimula.

Isang taon na puno ng saya kasama ang mga barkada͵iilang mga problema͵pagod para sa grades at mga hamon na dumating tila baga parang kahapon lang ay simula ng lahat samantalang ngayon ay kailangan na naming lumisan sa aming kinagisnan at magpaalam sa isa'tisa.

Napapangiti at naalala ko lahat ng mga pangyayari habang pinagmamasdan maigi ang mga litrato na kuha ngayong taon graduation na namin mamaya odiba? kasama pala ako sa mga gagraduate kung makapagemote naman ako dito parang di rin kami magkakasama sa college ng barkada eh ganoon talaga pinakamasaya ngang part ng buhay ay yung high school life diba? Siyempre sa college seryoso na sunugan na ng kilay.

Napakadami kong natutunan͵naranasan at nakilala. Lumipas ang mga araw na sinulit namin bawat araw na dumaan nagsikap ako na mamaintain yung rank ko at mukhang nagtagumpay naman ako dahil hindi ako nawala sa top ganoon din pagdating sa mga laban ko sa Volleyball ako pa rin ang tinanghal na MVP at laging team namin ang panalo.

Lagi siyang nasa tabi ko pagdating man sa Academics at Sports sinusuportahan niya ko sa lahat ng bagay masasabi kong habang tumatagal ay tumitibay ang relasyon namin minsan may mga bagay na hindi pagkakaunawaan tulad na lang ng selos at yung oras. Dumating yung time na tumigil na si Mharj siguro nagsawa na siya nakahanap na ata siya ng bago yung kadate niya noong JS sila na ata ngayon mas mabuti kung ganoon inasar ko nga dati si Franz na hindi ba siya nagseselos kasi may bago na si Mharj baka kako namimiss niya.

"Natnat wala na akong pake kay Mharj okay? Magboyfriend siya kung gusto niya mag-asawa pa siya basta ikaw lang" proud niyang sabi

Yung admirer ko naman na 1st year hindi na ko kinukulit pero nakipagkaibigan siya sa akin tinanong ko nga kay Franz bakit noong birthday ko nandoon si Jeff eh diba naiinis si Franz doon?

"Wala na talaga akong makuha" sabi niya

Si Angela naman ayun nagagawa pa ring pagbutihin ang pag-aaral at nakakaya niya yung long-distance relationship nila ni Kuya pero nagkikita naman sila tuwing weekends kaso may time din na di nakakauwi si Kuya dahil sa sobrang busy naintindihan naman siya ni Angela.

Sina Insan at Jaymee naman madalas magkatampuhan dahil lagi silang nag-aasaran pero agad din namang magbabati. Kay Jaymee ko nga pinasa ang pagiging MVP ko.

"Kambal"

Kabukas ko ng pinto napangiti si Kuya kakauwi niya lang kasi buti nga nakauwi siya.

"Gagraduate na yung kambal ko parang ako lang dati Congrats Nathalee proud na proud ako sa iyo at nakapasok ka pa sa top"

Agad ko naman siyang niyakap "Thank you Kuya salamat at nakauwi ka magtatampo talaga ako pag di ka dumating"

"Nagpromise ako diba?

"Nga pala gift ko sana magustuhan mo nagpasponsor ako kay Lolo" sabay abot ng regalo niya

"Ano to kuya?"

"Buksan mo nang malaman mo clue magagamit mo iyan"

Siyempre sa sobrang tuwa naexcite ako na buksan ito.

"Macbook Air? Thank you Kuya"

"Welcome sige na magayos ka na hinihintay ka na nila Mommy at Daddy sa baba magpapapicture daw sa iyo"

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Where stories live. Discover now