P.O.P 21.1

1.5K 31 11
                                    

Abangan ang mga nakakapagpabagabag na kaganapan dalawang part yung Chapter na to which is yung vacation nila sa Batangas Enjoy Reading! :)

#POPChapter21.1

Parang kailan lang iniiwasan namin ang isa'tisa

Parang kailan lang yung panahon na umamin ako sa kanya.

At higit sa lahat parang kahapon lang yung araw na binigyan niya ko ng surprise at naging kami.

Magiisang buwan na monthsary na namin bukas andaming nagbago at andaming nangyari sa loob ng isang buwan may panahong hindi kami nagkakaunawaan pero darating din naman sa time na magiging okay din kami hindi naman namin kasi matiis ang isa'tisa.

Sobrang saya habang tumatagal lalo akong napapamahal sa kanya yung feeling na gusto ko na lagi ko siyang kasama pag di siya nagpaparamdam sobrang nag-aalala ako.

Ganoon pala talaga noh? Parang di kompleto yung araw mo pag di siya nagpaparamdam sa iyo tapos gustong-gusto mong pinapakilig ka niya kahit na laging namumula yung mukha mo.

Yung mga efforts niya lalo na pag nagtatampo ako nakakaturn-on. Alam ko ang bata pa namin para sa mga ganitong bagay pero sana siya na talaga hanggang sa pagtanda sana lalo pang tumibay yung relasyon namin ano man ang mangyari.

"Bes lalim ng iniisip mo ah nandito tayo sa Batangas para magsaya eh anong ineemote mo diyan?'

Napatingin ako kay Angela na nakapangswimwear na.

"Kanina mo pa tinititigan sina Franz wala kang balak lumabas? Ang sarap magswimming"

Nandito kasi ako sa terrace ng villa namin pinapanood ko sila palabas na din dapat ako kaso napansin ko na super saya nila kaya napagtripan ko silang picturan tapos noong mapatingin ako kay Franz bigla na lang akong napaisip.

"Monthsary na namin bukas Bes"

"Oo nga pala! 28 na bukas Saveh! 1 Month na ang Franzlee so yun pala ang ineemote mo ngayon?"

"Ang saya lang kasi alam mo yun na 1 month na kami bukas diba? Umabot kami ng 1 month tapos sa susunod 2 months hanggang sa maging aniversary na" napangiti ako

"Hay.. I'm so proud of you Bes inlove na inlove ka talaga kay Franz mukhang walang makakatibag sa lovestory niyo stay strong basta nandito lang ako"

"Thank you Bes" niyakap ko si Angela kahit na kasi may mga lovelife na kami nandito pa rin kami para sa isa'tisa

"Walang anuman Bes sayang yung araw oh sulitin na natin to tara na swimming na tayo for sure hinihintay ka na nila specially si Franz mo"

"Oo na tara na"

Kalabas namin sumalubong naman ang napakainit na sikat ng araw buti na lang nagdala ako ng madaming sunblock kaya keri naman hindi naman kami nakaswimsuit hello! Masyado pang maaga para diyan kaya shorts and tshirt lang ang mga suot namin tapos nakasando naman mga boys.

"Kambal͵Loves swimming na kayo dali!" Tawag sa amin ni Kuya karating namin sa may pool area kakadating lang namin dito sa Batangas kaninang 10am tapos naglunch kami at ngayon nagkayayaan silang magswimming sa pool lang naman bukas na lang daw sa beach.

"Tama na muna emote tignan mo oh nakatingin na yung boyfriend mo sa iyo mukhang kanina ka pa hinihintay"

Napatingin ako kay Franz na nakatingin nga sa akin agad naman siyang ngumiti kaya ngumiti din ako nagbabad na ako sa pool at pinuntahan siya.

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Where stories live. Discover now