P.O.P 7

1.6K 46 9
                                    

#POPChapter7

"Nathalee! Gising na! Nathalee! Nathalee!"




"Aray! Kuya?!"



"GoodMorning" bati niya at ngumiti

Paano ba naman bigla niya kong hinila..

"Yun yung naisip kong paraan para magising ka kung sisigaw ako hanggang mamaya mukhang wala rin eh sorry" sabi niya

Naintindihan ko naman may point naman siya kaya niya ko hinila.

"Okay lang Kuya thank you sa paggising teka paano ka nga pala nakapasok sa kwarto ko?"

Pinakita naman niya yung Susi..

"Okay sige na labas na maliligo at magbibihis na ko"

"Sige bilisan mo ah"

Tinignan ko yung oras sa phone ko saktong 6am napangiti ako kasi siyempre gumisinga ako sa tamang oras.





Pagkatapos ko maligo at magbihis ay inayos ko na yung mga gamit na dadalhin ko plus yung damit na pantraining ko na rin mamaya.


"GoodMorning" bati ko at humalik sa pisnge nila Mommy at Daddy

"GoodMorning Nath oh kumain ka na" sabi ni Mommy

"Nathalee para sa iyo to oh" sabi ni Daddy at may inabot sa aking paperbag

"Ano to Dad?"

"Buksan mo kaya ng malaman mo" sabi naman ng Kambal ko sinamaan ko nga ng tingin

Kabukas ko napangiti ako paano ba naman may bagong sapatos na naman akong magagamit.

"Thank you Daddy!" Sabi ko at niyakap si Daddy

"Ako wala?" Tanong ni Mommy

"Syempre thank you rin Mommy" sabi ko at niyakap siya

Napansin ko namang nakatingin lang sa amin si Kuya.

"Wala si Kuya?"

Pag kasi may binibili sa akin usually meron din si Kuya para pantay kami.

"Wala daw akong size noong gusto kong sapatos ako na lang bibili noon Dad papatulong na lang ako kay Phillip sa Sabado"

"Sige"


Kasalukuyan kaming kumakain ng biglang magsalita si Mommy.

"Namimiss na kayo ng Lola Tess niyo pati na rin si Tito Harvey niyo siya nga pala nagising ka naman ba sa tamang oras kahapon Nath?"



Patay! Siguradong magagalit si Mommy pag nalaman niyang nalate ako okay lang kung kay Daddy kaso si Mommy may pagkastrict kasi. Nagkatinginan kami ni Kuya.

"Nathalee I'm asking you" sabi ni Mommy at seryosong nakatingin sa akin

"Ah Mommy hindi po ako nagising agad nalate nga po ako sa 1st period namin" sabi ko


"Ano?!"

Sabi na eh!

"Nathan hindi mo ba ginising ang kambal mo?"

"Mommy sinubukan ko naman po siyang gisingin eh alam niyo naman po iyang si Nathalee tulog mantika naka10 beses na ko po akong kakatawag sa pangalan niya pero wala pa rin po"

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Where stories live. Discover now