P.O.P 2

1.8K 38 5
                                    

#POPChapter2

Busy ako kumakain ng Icecream habang nakaupo sa Swing pinapanood ko din sina Angela at Jaymee na sumasayaw.

"Ubusin mo na yung Icecream mo Nathalee para maturuan ka na naming sumayaw" sabi ni Angela

"Ayoko! Dito na lang ako sa swing baka madapa na naman ako papangit na yung legs ko" sabi ko

"Hindi naman sinasadya ni Kuya noong nadapa ka ah" sabi naman ni Jaymee

Umiling lang ako di naman kasi ako mahilig sumayaw tsaka nageenjoy ako sa pagkain ng Icecream.

"Nathalee!!!"

Titignan ko sana yung tumawag sa pangalan ko ng biglang tumama sa akin yung bola at biglang lumipad yung hawakhawak ko.



Nagsimula na kong umiyak paano ba naman ang sakit kayang tamaan ng bola.

"Waah!!! Mommy!! Daddy!!" Sigaw ko habang umiiyak

"What happen here?" Narinig ko yung boses ni Franz

"Nathalee! Ay.. Sorry Kambal di ko sinasadya si Phillip kasi eh" sabi ni Kuya

Sinamaan ko siya ng tingin..

"Yung icecream ko!!! Mommy!! Daddy!!" Patuloy pa rin ako sa pagiyak

"Nathalee tama na di naman sinasadya ni Nathan eh bibili na lang tayo ng bagong ice cream" sabi ni Angela at kinomfort ako

"Stop Crying! Nathalee Nakakairita" sabi ni Franz

Sinamaan ko siya ng tingin napailing na lang siya nagulat na lang ako ng bigla niya kong hilain.

"Oy saan kayo pupunta?" Tanong ni Kuya Nathan

"Somewhere we'll be back"

Hinila lang ako ni Franz kahit na punong-puno ng luha yung mukha ko feeling ko ang dumi-dumi ko kasi tumama sa akin yung bola nagsasoccer kasi sina Kuya eh.

"Wait lang naman saan mo ko dadalhin?" Sabi ko at kinuha yung kamay ko na hawak niya

"Bibili tayo ng Ice Cream para tumigil ka na sa pagiyak mo" sabi niya at hinila ako

Sakto namang may nakasalubong kaming Ice cream vendor kaya ayun doon bumili si Franz.

"Oh ayan! Siguro naman okay ka na" sabi niya sabay bigay ng Icecream kinuha ko naman ito

"Thank you Franz"

"I'll do everything to make you stop crying͵ crying baby" pangaasar niya

"Anong crying baby?!"

Narinig ko siyang tumawa..

"Lagi ka kasing umiiyak kaya Crying Baby!" Sabi niya at pinisil yung magkabilang pisnge ko syempre di ako papatalo kaya yung hawak kong ice cream pinahid ko sa ilong niya kaya napaurong siya

"Bakit mo ginawa yun?! Ang lagkit!"

"Revenge? Sungit!" Sabi ko at binelatan siya

Biglang nanlaki yung mata niya at next thing I knew sa akin naman niya pinahid yung ice cream.

"Crying Baby"

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Where stories live. Discover now