P.O.P 32

470 26 6
                                    

#PresentC32

A/N: Sino magaling gumawa ng Wattpad cover? Pm me through Wattpad or FB thanks! :)

"Goodmorning Ate!" bati ni Lance

"Goodmorning Lance"

"Si mama? Ang bango naman niyang niluluto mo ate"

"Pinatawag si Nay sa barangay may meeting daw tapos didiretso na siya sa karinderya talaga? Oh sige gisingin mo na si Jao malapit na tong maluto"

Nagkainteres ako sa pagluluto sa tuwing nagluluto si Nay naeengganyo akong panoorin siya sa karinderya pinapanood ko ding magluto si Nang Dina kaya naman ngayong umalis ng maaga si Nay inako ko na ang pagluluto ng agahan

Ganoon din kaya ako dati? Magaling din kayang magluto ang mga magulang ko? Nagmana siguro ako sa kanila

"Goodmorning!" bati ni Jao nagulat siya nang ako ang makita niya siguro akala niya ako si Nay agad naman nagiba yung mood niya masungit na naman

"Ate tulungan na kita" sabi ni Lance at kinuha ang mga pinggan at baso habang tong si Jao sarap na sarap sa pagkakaupo daig pa siya ng bata hay nako umagang-umaga dapat masaya di ko na lang papansinin si Jao at baka mahawa pa ko sa aura niya.

"Ang sarap naman Ate!" nakangiting sabi ni Lance kaya napangiti ako tapos tinignan ko si Jao baka sakaling magsalita din siya pero seryoso lang siya sa pagkain

"Sasabay ka na ba sa amin Ate Kate? Dadaan din naman kami sa karinderya"

"Ah oo sige"

Nanatili lang kaming tahimik habang kumakain mas okay na siguro yung ganito pagkatapos kumain ni Jao ay dumiretso na siya sa kwarto niya magaayos na siguro

"Ate Kate tulungan na po kita"

"Hindi na sige na Lance mag-ayos ka na at baka malate ka pa sa school ako ng bahala dito"

"Sige na nga okay lang talaga ate ah? Baka pagod ka na"

Napangiti ako ang kulit at ang bait talaga ng batang to

"Hindi okay lang talaga ako sige na maligo ka na"

Umalis na nga siya naalala ko tuloy yung nangyari kahapon

Ate Kate kahit na bumalik yung alaala mo huwag mo kaming iiwan ha?

Babalik pa kaya ang alaala ko? Kailan naman͵ gusto ko ring makilala kung saan talaga akong nanggaling at kung sino yung pamilya at mga kaibigan ko pero paano? Ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta o saan ako magsisimula kasi wala talaga akong maalala ang hirap.

"Ate Kate!"

Sa pagiisip ko hindi ko namalayan na tapos na pala akong magligpit at nakaayos na din si Lance

"Pogi naman"

Kumindat naman siya

"May nagkakacrush na ba sa iyo?"

Linapitan ko siya para ayusin yung polo niya

"Siguro sa pogi kong to nagmana ata ako kay Kuya Jao"

Sakto namang lumabas ng kwarto si Jao

"Narinig ko na naman yung pangalan ko"

"Sabi ko nagmana ako sa iyo"

Napatingin ako kay Jao na bahagyang tumawa mas gwapo siya pag nakangiti o di kaya pag nakatawa kaysa sa lagi siyang seryoso at masungit

"Ayan ayos na"

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon