P.O.P 21.2

1.2K 41 7
                                    

#POPChapter21.2

"GoodMorning Bes!"

"Goodmorning Nathalee"

Kalabas ko ng kwarto nakita ko silang nakatambay sa may sala.

"Goodmorning kayo pa lang ang gising?"

"Nope.. Bumili ng makakain ang mga boys sipag nga eh" sabi ni Jaymee

Napansin ko naman na busy silang tumitingin sa phone kaya nakiusyoso na din ako.

"Ano tinitignan niyo?"

Bigla naman nilang tinago yung phone.

"Hoy! Ano iyan?"

Nagkatinginan silang dalawa..

"Jaymee͵ Bes uso magshare ano ba iyan ha?"

"Ahm sabihin na kaya natin?" Tanong ni Jaymee

Tinaasan ko sila ng kilay.

"Bes pictures lang mga to pictures niyo ni Franz kagabi"

"Teka? Huwag niyong sabihing pinapanood niyo kami kagabi?"

Nagkatinginan na naman sila..

"Kami lang namang dalawa sayang naman kasi kung walang pictures alam mo na treasure the moment" sabi ni Jaymee

"Treasure the moment panira naman kayo patingin nga"

"Bes okay lang iyan pareparehas naman tayong nagmamahal forever and always" panggagaya ni Angela sinapak ko nga

"Ang sweet niyo ni Kuya kagabi parang di niyo man Monthsary eh para ngang nagpropose na si Kuya sa iyo eto oh tignan mo" sabay pakita ng phone ni Jaymee puro nakatalikod kami ni Franz buti na lang.

"Bes tignan mo iyan ang ganda noh? Magkayakap kayo sa isa'tisa tapos nakuhanan pa yung moon lakas makaunder the moon eh"

Tinignan ko nga yung picture na tinutukoy ni Angela ang ganda nga napakaromantic ang cheezy hahaha.

"Jaymee pabluetooth ako ha?"

Nagtawanan naman silang dalawa.

"Sure may suggestion lang ako Girl paprint mo tong picture na to tas ipaframe mo nako bongga tas bigay mo kay Kuya tiyak magugustuhan niya iyan ilalagay niya sa kwarto niya"

Nagkaidea naman ako sa sinabi ni Jaymee mukhang maganda iyon mahilig naman sa photography si Franz kaya tiyak na magugustuhan niya iyon.

"Sus nako Jaymee pustahan tayo kauwi natin ng Manila ipapaprint na niya yung picture tapos papatulong sa akin maghanap ng magandang frame"

"Talaga lang Bes? Huwag kang maniwala diyan Jaymee siguro sa tamang panahon ko na lang ibibigay kay Franz yun"

"Naks may tamang panahon ka pang nalalaman diyan"

"Were back!" rinig kong sigaw ni Kuya

Andami nilang dala kaya mukhang pagod na pagod sila.

"Dami niyan ah?" Tanong ko

"Para may stock na rin tayo" sagot ni Insan

"Eto na yung mga burgers at pizza" sabi ni Franz sabay lapag sa may table

Napatingin ako sa kanya at nagkasalubong nga ang aming mga mata isang kindat na naman ang pinakita niya at ako naman tong kinilig.

"Saan ang adventure natin ngayon?" Tanong ni Angela

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Where stories live. Discover now